Chapter 10 : Jay Guy

15 1 0
                                    

Grande Cafe.

So this is the place kung saan mangyayari ang first date ko. How exciting ha. The usual place where we hang out ng GBB's.

Kuya and Ate Thea just dropped me here. They just describe kung ano ang suot ng Jay guy na yun. At ang dami pang reminders ni kuya.

Flashback...

"Thank you talaga Denise at pumayag ka. I promise babawi ako sayo."

"No need na Ate. I'm happy na matulungan ka."

"Little sis magbehave ka lang mamaya. Jay is a good guy. Huwag mo kong ipahiya."

"Kuya! I'm always a good girl noh! And besides kelan ka ba napahiya because of me?"

"Just behave there. Zac is there to monitor so don't you dare na magwalk out sa date mo."

"Hon tigilan mo na nga yan. Baka magback out pa si Denise dahil sa pananakot mo."

Buti na lang Ate Thea is always on my side. Tiklop lagi si kuya.

"So here we are. Goodluck little sis."

"Just enjoy Denise. Masayang kasama si Jay. Bye!"

End of flashback.

This is it Denise! You can do it! Fight!

Pagpasok sa cafe ay hinanap ko na agad si Jay guy.

Tingin sa right side. Group of teenagers.

Left side. A guy with a date probably its not him.

Konti lang naman ang customer sa cafe kaya di ako mahirapang hanapin siya.

Baka maaga kong naihatid nila kuya kaya wala pa siya. I better find a seat muna. Oh the pink couch. Uupo na sana ko ng bigla na lang may nauna. And to my surprise it was Jaydee.

"Jaydee?"

"Oh Denise! Hi! Anong ginagawa mo dito? Are you with your friends?"

"No. I'm waiting for someone."

"So may date ka?" tanong nito.

"Parang ganun na nga. I can't find him pa. He's wearing a blue cap. White shirt. Black shorts and a blue watch." I said it habang tinuturo isa isa ang suot nito.

"Oh my g! Don't tell me you are Jay?"

He just smile at me. That cute and weird smile.

"Jay . Jaydee. My g! Bakit hindi ko naisip yun!"

"Nakikipagblind date ka pala. Alam mo umupo ka na muna dito."

At hinila na ako nito paupo sa tabi niya.

"Actually hindi naman talaga ako ang kadate mo. Substitute lang ako."

"Yeah! I know. Sinabi sakin ni Ate Thea. Hindi ko lang ineexpect na kapatid mo pala si Kuya Alonzo."

"Nakikipag date ka pala kahit may pasa ka sa muka."

"Gwapo pa din naman ako ah kahit meron nito."

Wow! As in wow sa pagiging mayabang nito.

"Whatever you say."

"I'm just joking. Anyway what do you want to eat?"

"Busog pa ko. So anong plan mo sa date natin?"

Nag qoutation mark pa ko sa ere while saying the words date natin.

"I have an idea. Let's go!"

At hinila na ako nito patayo at palabas ng cafe.

"Saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko dito.

"Marunong kang sumakay sa motor?"

"Ahm Oo."

"Good!"

At nagpunta na kami sa parking area.

Pagdating dun ay agad kaming lumapit sa isang kulay itim na motor. That's why he's asking me that question.

"Isuot mo 'tong helmet para safe ka." sabay abot nito sakin.

"How about you?"

"Okay lang ako. Mas kailangan mo yan. Baka magalit pa sakin si Ate Thea kung hindi ka safe."

And he start the engine. It's not my first time naman to ride on this. Nung highschool we used to ride on this ng mga GBB's.

"Sakay na!" sabi nito.

Buti na lang talaga I choosd to wear highwaist short and vans kaya kering keri kong sumakay dito ngayon.

"Jush hold on tight."

Nakakapit lang ako ng mabuti sa mga balikat ni Jaydee habang nasa biyahe. Hindi ko ma enjoy ang ride because of this helmet! Ugh! Kainis! I don't need this naman.

After a few minutes of ride nakarating kami sa isang subdivision. Malapit lang ito sa condo namin.

"So andito na tayo."

Hindi ko man lang namalayan na we stop na. We are in front of a  two-storey house which I think is house nila Jaydee.

What! House! Bahay! Oh my g! On my first date sa house ng isang guy!

"Denise baba na. O mas enjoy kang katabi ako mula sa likod?" pang aasar nito.

Kahit kelan talaga ang lakas mang asar nito. Kaya bumaba na ako agad.

"Is this your house?" tanong ko dito. Kahit mukang obvious naman na sa kanila nga ito.

Tumango lang ito. Busy kasi ito sa pagpark ng motor sa may garahe.

"What are we doing here anyaway?"

"Magpapalit lang ako ng damit. We'll play basketball."

Basketball? He must be kidding me. Ganito ba talaga ang first date?

Ang buong akala ko pa naman we will watch movie. Eat on a restaurant. Go in a park and have quality time. Pero bakit ganito?

Teka nga lang Den! Hindi naman counted na date to. Your only a substitute. So it's fine.

"Hey!"

Nagulat na lang ako ng bigla akong tapikin nito sa balikat. Naalis na din pala niya ang helmet ko ng di ko namamalayan.

"Okay ka lang?" nag aalalang tanong nito.

"Yeah! I'm fine."

"Tara na sa loob. Don't worry may kasama tayo. Si Manang Sylvia. Yaya namin ng kapatid ko. So safe ka."

"Whatever!"

At humalakhak lamang ito. His usual laugh pag nanalo sa pang aasar sakin.

GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon