"You are such a good guy. Ang malas lang ni Sandy at pinakawalan ka niya. Don't worry there's a lot of girls out there."And she slowly kiss me on my lips. It was soft and sweet.
"Kuya Dee wake up!"
Napatayo ako bigla dahil sa sigaw ng kapatid ko. Ay putik! Huwag niyong sabihin na panaginip lang lahat yun. Pero parang totoo. Napahawak na lang tuloy ako sa labi ko.
"Hey Kuya! Gising ka na ba talaga?"
"Where's your Ate Denise?" agad kong tanong dito. Nawala sa isip ko na ihahatid ko pa nga pala ang babaeng yun. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko kanina.
"Umuwi na."
"What! Paano nakauwi yun? Bakit hindi mo man lang ako ginising?" sunod sunod kong tanong dito.
"Kuya relax ka lang okay? Tumawag kami ng taxi para maihatid siya kaya don't worry safe na makakauwi yun. I'll go to my room na. Goodnight." humalik pa ito sa pisngi ko bago umalis.
Ano ba naman Jaydee! Hinayaan mong umuwi mag-isa yung tao. Bakit kasi inantok ako bigla.
Nakauwi na kaya yun? Baka mamaya nakidnap na yun ah! Baka naaksidente or worst baka na-rape! Oh fuck! stop thinking negative thoughts Jaydee!
Hindi ako mapapakali pag ganito.
❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤
The next day...
Hay! Ang sakit ng katawan ko. Bakit kasi napasubo pa ko sa pagbabasketball kahapon.
Nakakainis!
Napapadyak na lang ako because of frustration.
"Den okay ka lang ba?" tanong ni Erika.
I forgot we are having our breakfast right now.
Tinanguan ko lang ito. I'm not in the mood. Hindi pa din ako maka move on sa nangyari kahapon.
Ugh!
Napansin ko naman na parang may kakaiba kila Sam at Natasha. They were both staring at me. It creeps me out.
"Hey! bakit ganyan kayo makatingin sakin? Is there something wrong ba in my face?" takang tanong ko sa dalawa.
"Blooming ka lang kasi ngayon. May boyfriend ka na ba?"---Sam.
Nasamid naman ako bigla sa tanong nito. Out of nowhere naman ang tanong nito.
"Wala noh! Hindi ko pa sinasagot si Papa EJ noh!" biro ko.
"Si EJ ba talaga ang gusto mo o may iba pa?"---Natasha.
Ang weird naman ata ng GBB's ngayon ah.
"Hoy kayong dalawa, ano bang nalanghap niyo at ganyan kayo maka interogate kay Den?"
Nagkibit balikat lamang ang dalawa at sabay na tumayo para umalis.
"Anong problema ng mga yun?" takang tanong sakin ni Erika.
"I don't know. Ang weird nga nila."
"Kumain na nga lang tayo. Baka kulang lang sa tulog yung dalawa."
Ano nga kayang nangyari sa dalawa na yun? Ang weird nila ah! Pati yung mga tanong nila.
❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤
Sam's POV
"Muka namang nagsasabi ng totoo si Den."
Agad na sabi sakin ni Natasha pagpasok namin sa kwarto ko.
"Paano mo naman nasabi yun? Bakit siya nagsinungaling sa'tin kagabi?" tanong ko dito.
"Baka nahihiya siya. Alam mo naman na never pa niya na experience yun di ba?"
May point naman si Natasha dun pero kahit na. Nawindang kaya kami kagabi.
Flashback...
We are seriously watching a movie ng bigla na lang may iistorbo sa panonood namin.
"Sam ikaw ng magbukas."
Ang mabait kong kaibigan ako pa talaga ang inutusan. Ang ganda ganda na ng scene.
"Hoy ipause mo yan kundi lagot ka sa'kin."
"Oo na! Open the door na nakakarindi ung doorbell baka magising pa si Den magbeastmode pa yun."
"Eto na nga po oh! Bubuksan na."
At tumayo na ko para pagbuksan ang mabait na nilalang na gumambala sa amin.
Sumilip muna ko sa pinhole to check kung sino ito. For security purpose. Baka mamaya marape pa kami dito.
Wait. Parang pamilyar sakin 'to. isip. isip. isip. Tama! Eh teka, ano naman kaya ang ginagawa ng lalaki na 'to dito?
"Hey Sam! Open the door na!" sigaw ni Natasha.
And I immediately open the door. At mukang nasurprise pa ito ng ako ang makita.
"Ay sorry! Mali ata ako." napakamot pa ito sa batok at sinilip pa ulit ang no. ng unit sa may pinto.
"Pero no. 349 'to di ba?" tanong nito.
"Yeah. This unit 349 why?"
Ang weird niya ah. Baka naman nagkamali ung receptionist sa baba.
"Sino bang hinahanap mo?" may himig na ng pagtataray ang peg ko. Maganda na yung pinapanood namin eh. Istorbo.
Sasagot na sana e bigla namang umeksena 'to.
"Sino ba yan Sam bakit ang tag--oy bunggo guy! What are you doing here?"
"Ano kasi hinahanap ko yung unit ni Denise." sagot nito.
Bigla naman kaming nagkatinginan ni Natasha. We smell something kakaiba here.
"Why are you looking for her?" tanong ni Natasha dito.
"I just want to check kung nakauwi na siya." sagot nito.
Naguluhan naman kaming dalawa sa sagot nito.
"Bakit mo naman kailangang icheck kung nakauwi na ang kaibigan namin? Magkasama ba kayo kanina?" tanong ko dito.
"Oo."
Nagkatinginan na lang ulit kami ni Natasha. Confirm!
"Pinakiusapan kasi siya ng Kuya niya at ng pinsan ko na samahan ako." dagdag pa nito.
"So nagdate kayo?" sabay pa naming tanong.
"Ahm... sort of. Pero anyway gusto ko lang malaman yung unit niya so I could check her out."
"This her unit. Actually unit naming apat ng mga kaibigan ko. And don't worry. Nakauwi na siya at kasalukuyan ng natutulog." sagot ko dito.
"Do you want me to wake her up?"
Seryoso ka Natasha? Gusto mong gisingin yun? Ikaw na nga ang nagsabi na baka magbeastmode yun.
"Hindi na. Gusto ko lang malaman kung nakauwi siya ng safe."
Tumango tango lang kami. Hindi rin nagtagal at nagpaalam din ito.
End of flashback.
"Sasabihin ba natin na nagpunta yung bunggo guy na yun dito kagabi?" tanong ni Natasha sakin.
"Hindi. Hayaan muna nating mag open up si Den tungkol sa sort of date nila."
"Okay! If that's what you want."
I can feel na magkakalovelife na ang baby namin at mukang hindi pa sa One and only love of her life niya.
BINABASA MO ANG
GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayon
Novela Juvenilpaano kung yung taong gusto mo ngayon ay nalaman mong nagkagusto pala sayo noon. nakakahinayang noh? gagawin mo ba ang lahat magustuhan ka lang niya ulit o hahayaan mo na lang ang destiny ang magbalik nito.