"Go love of my life!" I shouted out loud. Wala ng hiya-hiya. Care ko kung pagtinginan nila ko. Gumaya sila kung gusto nila.
"Pigilan niyo nga yang kaibigan niyo."
Nadinig kong bulong ni Erica. Actually hindi naman siya bulong dahil naabot ng pandinig ko. Ganyan sila magbulungan.
"Para namang magpapapigil yan."---Sam.
"May space pa naman diyan. Umusog na kayo. Bilis."---Natasha.
Aba teka. Kinakahiya ba nila kong kasama? Ang hard nila sa'kin. Why so mean GGB's? Kaibigan ko ba talaga kayo?
Anyway, focus na nga lang muna ko sa game. Lamang ng two points ang Architecture Department which is kalaban ng team ng my one and only love of my life ko. It's okay mahaba pa naman ang oras. No need to worry dahil for sure sila pa din ang mananalo in the end. Relax lang tayo.
"Di ba yun yung nakabangga kay Den a while ago." Samantha said with matching turo pa kaya napatingin na din ako.
"Arcilles." naibulong ko na lang ng makita ko ang surname niya sa jersey.
So yun pala si Mr. Bunggo guy. In fairness may itsura siya. Boy next door ang dating. Pero mas gwapo ang Papa Ervin ko.
He is now dribbling the ball. One on one sila ni Jersey # 4 ng kabilang team. And viola! Cross over and shoot. Ang bilis. Pumikit lang ako nakashoot na agad. All na ang score.
Wow! As in wow!
"Magaling din magbasketball."---Erica.
"And he's cute." dagdag pa ni Sam.
"Mas cute kesa kay Ervin."
Napalingon na lang ako kay Natasha and I give her a killer look.
"Just joking!" ngumiti pa ito at nagpeace sign.
Okay siya na ang cute. Pero si Papa Ervin pa din ang love of my life ko.
After ng ilang quarter at the end ang team ng my one and only love my life ko ang nanalo. Clap! Clap! Clap! I'm so proud of my future boyfie. I need to congratulate him.
"Let's go home na!" aya ng mga GGB's ko.
"Pwedeng mamaya na?"nagpuppy eyes pa ko para pumayag sila.
"Hindi pwede!" chorus pa nilang sabi.
"Okay." yan na lang ang nasabi ko. Alam ko namang wala akong magagawa lalo na't kontra silang tatlo.
"Hintayin mo na lang kami dito. Kunin muna namin yung kotse." ani Erica ng makalabas kami ng gym.
Concern din naman pala sila sa'kin. Natouch naman ako. So while waiting for them. Uupo muna ko sa mga benches. Medyo kumikirot na din kasi yung balakang ko. Ngayon ko lang naramdaman yung kirot.
Paupo na sana ko ng kumirot na talaga ng sobra ang balakang ko.
"Aray!"
"Miss are you okay?"
Nagulat na lang ako ng biglang may umalalay sa'kin. At mas lalo kong ikinagulat kung sino ito.
"Ervin." nasabi ko na lang.
"Do you know me?" takang tanong nito.
My gahd! Ano bang sasabihin ko? Na kilalang kilala ko siya. Na gusto ko siya. Na ako ang future girlfriend niya.
"Nakalagay diyan sa jacket mo." sabi ko sabay turo sa suot niya.
"Oh! Oo nga noh." and he smile. Oh my! Ang smile na yan ang pinakagusto ko.
"Anyway okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" alalang tanong nito.
Totoo ba ang lahat ng 'to? Na ka-face to face ko ang my one and only love of my life ko.
"I'm okay. Medyo sumakit lang ang balakang ko but I'm fine."
"Are you sure?"
I just nod on him. Baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko at mapatili ako.
"Brad tara na!" ---team mate
Epal naman ang isang 'to! Nagmomoment pa kami ng Papa Ervin ko.
"Miss I have to go. Are you sure okay ka na talaga?"
"Ahm yeah! Okay na ko."
"By the way may I know your name?"
My gahd! He's asking my name.
Beeeeepppppp!!!!
"Brad! Tawag na tayo ni coach!"
Nagsabay pa talaga ang busina ng kotse pati na din ang pagtawag ng team mate niya. Nananadya talaga?
"Sige Miss I have to go. Take care of yourself."
At umalis na'to na parang bula. Ano ba yan! Sasabihin ko na eh! Andun na eh! Kainis!
"Den let's go na!" sigaw nila.
Wrong timing naman sila. Ganito ba talaga ang buhay?
"Kaibigan ko ba talaga kayo?" nasabi ko na lang pagsakay ng kotse.
Nakakafrustrate talaga. Ugh!
BINABASA MO ANG
GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayon
Fiksi Remajapaano kung yung taong gusto mo ngayon ay nalaman mong nagkagusto pala sayo noon. nakakahinayang noh? gagawin mo ba ang lahat magustuhan ka lang niya ulit o hahayaan mo na lang ang destiny ang magbalik nito.