"Ouch! Dahan dahan naman."Reklamo sakin ni Jaydee habang nilalagyan ko ng meds ang sugat niya. We are now here sa loob ng car.
"Ang yabang mo pa kanina na you're fine at malayo yan sa bituka tapos ngayon may pa ouch ouch ka pa." walang preno kong sabi. At ang loko nakangiti lang sakin.
"Why are you smiling?" takang tanong ko dito.
"Ang cute mo pag nagagalit. Lumalaki ung butas ng ilong mo." at humagalpak pa ito ng tawa.
Kainis! Pagkatapos mo ng tulungan ito pa ang igaganti sayo. Ang ibully ka.
"Thanks ha! Kainis 'to!"
At niligpit ko na ang first aid kit dito sa kotse.
"Thank you." napalingon na lang ako sa gawi niya. I saw him smile pero hindi umabot sa mga mata niya ang smile niyang yun. I know he's hurting inside.
"Mahirap pa lang magkunwari na hindi ka nasasaktan. All I want is to win her back. Tulad ng sabi mo if you love someone don't set her free. I'm trying na ibulsa siya pero ayaw na niya talaga."
I can see pain in his eyes and bitterness in his smile. All I want to do now is to comfort him. I just hug him. It's my first time to do this lalo na sa taong hindi ko ka close.
"You know may pinipiling tao ang dapat ilet go at hindi. It seems na dapat mo ng ilet go ang babae na yun dahil hindi siya deserving sa pagmamahal mo."
I pat his back. Bakit ganito ang feeling. Ang gaan sa pakiramdam pag yakap ko siya. I feel safe.
"Anong shampoo mo?" tanong nito bigla.
"Why?" takang tanong ko dito. Napaunat tuloy ako ng upo at inamoy ang buhok ko.
"Kaamoy kasi ng shampoo ng lola ko." seryoso nitong sabi.
"What! Seriously?"
At humagalpak na naman ito ng tawa. Nakakainis na talaga 'tong lalaki na'to! Trip na trip akong asarin. Kung dagdagan ko kaya ang pasa sa muka nito.
Plano ko na sanang suntukin ito ng biglang tumunog ang phone ko sa may dashboard. Napatingin din dito sa Jaydee.
"Oohh... Ervin." I heard him say.
Nakalimutan ko na si Papa Ervin pala ang wallpaper ng phone ko. Nakakahiya. I had no choice but to answer the call. It's from Erika.
"What! Okay okay i'll go there na. Bye!" and I ended the call.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Jaydee.
"Cat fight."
At agad na kaming lumabas ng kotse para pumunta sa entrance ng bar.
- - - - - - - -
Naabutan lang naman namin ang mga GBB's ko na parang mga kawawang kuting na nakaupo sa gilid ng entrance ng bar.
Gulo gulo ang mga buhok nito at may mga kalmot sa braso at muka.
Oh my g! Ano bang nangyari sa kanila?
"What happened to the three of you?"
"Nakakainis kasi! Anong feeling niya napakaganda niya." it was Natasha. I can't believe it. Ang face ng kaibigan ko.
"Anong akala nila hindi natin sila uurungan." ---Erika.
"And we won over them!" ---Samantha.
At pumalakpak pa ito sa tuwa. Oh my! Ano bang gulo ang pinasok ng mga ito.
"Wait lang GBB's ah! Ano bang nangyari? Paki explain please. What's the reason at nakipag away kayo?"
"I don't know. Basta tinulungan lang namin si Natasha." sagot ni Sam.
What? Si Natasha talaga ang nakipagaway?
"Bakit nga ba tayo nakipag away dun?" takang tanong naman ni Erika.
Napa face palm na lang ako. Maloloka na talaga ko. And on my peripheral vision I saw Jaydee na nagpipigil ng tawa. Kaya pasimple ko itong nasiko. I heard him cursed.
"So Natasha what's the reason?" I ask her.
And we are all waiting for her answer.
"Ex ni Erik yung girl. I just can't help myself na hindi sugurin yun. Two timer kasi."
"What!" we said in chorus.
"Ex talaga yun ni kambal? As in naging gf niya yun?"
Tumango lang si Natasha bilang pagsang ayon.
"Seriously? Muka bumaba na ang taste ng kambal pagdating sa girls." ---Sam.
My goodness gracious! Nang dahil lang sa may ex ng may ex nagkaganito sila. I can't believe it!
"Hayaan mo na lang sila. Mukang tipsy pa ang mga yan. Mabuti pa ihatid ko na kayo."
I think Jaydee's right. Mukang wala na sa tamang katinuan ang mga ito. I'm thankful he is here to help me. And I think this our last time to have our night out party.
BINABASA MO ANG
GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayon
Fiksi Remajapaano kung yung taong gusto mo ngayon ay nalaman mong nagkagusto pala sayo noon. nakakahinayang noh? gagawin mo ba ang lahat magustuhan ka lang niya ulit o hahayaan mo na lang ang destiny ang magbalik nito.