Chapter 5 : Start of something kilig

22 1 0
                                    


It's been a frustrating week para sa aming lahat because it's exam week.

1 week na walang FB, I.G. Twitter. Wala ding t.v. at internet. Kailangang naming magsunog ng kilay. Dahil once na bumaba ang grades ng isa sa amin. Goodbye Philippines and Hello New York kami pare parehas. Isa kasi yun sa mga kondisyon ng mga parents namin. At wala kaming magagawa kung hindi ang sumang ayon na lang.

Last day na ng exam ngayon. Thank God! At tulad ng dati ako ang laging nauunang matapos kaya wait muna ko sa tambayan.

Grande Cafe

This is our tambayan! Walking distance lang sa campus kaya no hassle pumunta. Actually friend ni kuya Alonzo ang may-ari nito.

"Tapos na ang exams?"

Bungad na tanong sa'kin ni Kuya Zac paglapit ko sa counter.

"Yup! Exam week is over. Kaya relax muna kami. Hintayin ko na lang muna dito sila Erika."

At tumango-tango ito. Bestfriend nga din pala yan ni Erika.

"The usual pa din ba ang order mo?" tanong nito.

"Yeah!" I said.

"Ipapaserve ko na lang."

"Thanks Kuya Zac!"

And I started walking to our favorite spot. The pink couch! So cute and adorable couch. Namiss ko din 'to. Hindi kami nakakatambay pag may exam dito. That's one of our rules.

And while waiting for my order fb mode muna tayo. Namiss ko ang fb ng Papa Ervin ko.

Nothings new naman. Walang post. Mukang busy din sa pag aaral ah.

"Ma'am here's your order na po."

"Thanks!"

Oh! How I miss my favorite Blueberry Cheesecake! Take a selfie na nga lang muna.

Eating my favorite blueberry cheesecake while waiting for my GBB's.

And post it!

After a few seconds may nag pop up na sa chat box ko.

Jaydee

Me too! Waiting for my team mates. Grande cafe?

Lumingon lingon naman ako para hanapin siya. Dahil pag nakita ko siya for sure andun din si Papa Ervin.

And there he is! Sa right side malapit sa pinto. Pero wala pa ang my one and only love of my life ko.

Me

Yup! Magrerelax after ng nakakastress na exam week. Kayo magrerelax din?

Jaydee

Nope! May practice game kami. Dito lang ang meeting place namin.

Grabe. Ni wala man lang ba silang pahinga?

Magrereply na sana ko sa message niya ng bigla na lang itong sumulpot sa harap ko. At ang mas nakakabigla pa dun he is giving me a box of my favorite cake.

"For you." he said while giving me the box. "Pambawi ko sa nangyari last time. Favorite mo daw yan sabi nung nasa counter."

Hindi ko tatanggihan ang blessing na ito. Kahit nakakahiya man I'll accept it.

"Nag abala ka pa. You don't need to buy me this para makabawi ka." syempre echos ko lang yun. Pakipot ng konti. "Pero thanks anyway." baka bawiin pa bigla sayang naman di ba?

"Brad nasaan sila?"

Sabay kaming napalingon sa kung sino mang nagsalita na yun. And to my surprise it was my one and only love of my life.

"Nandun sila Brad." sambit ni Jayden sabay turo sa table nila.

Oh my! Ang gwapo talaga ng Papa E.J ko.

"Teka. Parang familiar ka sakin Miss. Nagmeet na ba tayo before?"

Wait! Ako ba ang tinatanong niya? My gosh! Natatandaan niya ko.

"Tama! Ikaw yung girl sa may labas ng gym. So how are you?"

Feeling ko nalunok ko ata ang dila ko at hindi ko magawang magsalita.

"O-Okay na ko." sa wakas nakapagsalita din ako.

"Mabuti naman. Anyway pwede ko bang malaman ang name mo? The last time kasi di ko nalaman."

Is this really happening? After pala ng hellweek may heaven day din pala.

"ahm. Denise Alyana."

"Nice name. Nice to see you again Alyana." and he flashed me his sweetest smile.

Nakakatunaw ang ngiti niya. My gahd! I'm so lucky right now.

"Mga brad tara na. Tumawag na si coach."---team mate.

Lagi na lang may sumisingit sa moment namin ng Papa E.J. ko. Pero okay lang atleast he knows my name and he knows that I exist. Great job Denise! Great job!

"Denise we have to go. Bye!"---E.J.

And Jaydee just nod on me and smile. At tuluyan na silang umalis.

This is my lucky day! I have my favorite blueberry cheesecake and E.J. knows me na!

This is the start of our lovestory. I can feel it.

GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon