Chapter 16 : False alarm

21 1 0
                                    

Kotse ni Papa Ervin ang ginamit namin dahil unfortunately hindi pwedeng gamitin ang motorcycle ni Jaydee.

We are all quiet habang nasa biyahe. Ang awkward tuloy ng atmosphere.

After a few minutes ay nakarating na din kami sa condo. Si Papa Ervin pa din ang nagbuhat sakin while Jaydee is carrying my bag.

Nauuna pa itong naglakad sa amin. And to my surprise nginitian ito ng guard at hindi man lang pinigilan. Maluwag na ba ang security ngayon dito?

"Oh Ma'am ano pong nangyari sa inyo?"

tanong ni manong guard ng makita kami.

"Nagkaroon lang po ng slight accident pero I'm okay na po." and I smile pa dito.

Tumango tango lamang ito sa amin.

Hanggang napansin ko na nasa elevator na si Jaydee at hinihintay kami.

"Anong floor ang unit niyo?" tanong sa akin ni Ervin.

Sasagutin ko na sana kaso bigla ng pumindot si Jaydee. 5th floor at tama ito. Wait lang! Pano niya nalaman? Stalker ba siya?

Hay nako Den! Stop thinking that idea. Malamang tinanong niya sa receptionist.

Assumera talaga as ever!

When we reach the 5th floor ay nauna na namang lumabas si Jaydee. At sinundan lang namin ito.

"Nakapunta na ba si Jaydee sa unit niyo?" takang tanong ni Ervin.

"Hindi pa." sagot ko.

"How come na parang familiar na siya sa lugar na'to."

I just shrug my shoulder. Maski ako hindi ko din alam.

"Nasaan yung susi?" tanong ni Jaydee pagdating namin.

"Nasa left side pocket ng bag ko." sagot ko dito.

Agad naman itong nabuksan at nakapasok kami. Thank G! at malinis ang unit namin.

Sa may sofa na lang sa living room ako nagpababa. Nakakahiya na masyado kung sa loob pa ko ng room ko magpababa.

Baka matempt pa kong gawing kahalyan sa Papa Ervin ko.

Naughty Denise!

Bago pa kung anu-ano ang pumasok sa good mind ko ay nagthank you na lang ako sa dalawa at humingi ng pasensya sa abalang ginawa ko.

"Stop saying na naabala mo kami. Sa totoo lang ay ikaw ang naabala namin."

Natouch naman ang baby heart ko sa sinabi ng Papa Ervin ko. Mas lalo tuloy akong na-iinlove dito.

Nakita ko namang tumang-tango si Jaydee sa tabi nito.

Balak ko sanang alukin pa ang mga ito ng snacks kaso nagkaroon ng emergency call si Ervin.

"I'm sorry Alyana if I have to go. Kailangan ko na munang bumalik sa campus pero I promise you na babalik ako mamaya to visit you."

"It's okay. Don't worry I'm fine na. You better go na."

taboy ko dito kahit labag man sa loob ko na umalis ito. I just wave goodbye to him.

Ang buong akala ko ay kasama na ding aalis si Jaydee. But to my surprise he went back at mukang hinatid lang si Ervin.

Naupo ito sa tabi ko. Itinaas nito ang mga binti ko at inilapag sa lap nito.

My g! ang baby heart ko bakit parang nagwawala. Bakit ba ganito ang feeling ko when Jaydee's around. Na excite ako na kinakabahan na happy. Ugh! Why I'm feeling like this!

"Masakit pa ba?" tanong nito habang minamassage ang binti ko hanggang tuhod. "Bakit ba kasi napakalampa mo? Hindi ka naman payat para maging lampayatot."

So the annoying Jaydee is back!

"Whatever! Pwede ba tigilan mo na yan lalo lang sumasakit."

Pero ang totoo ay nawawala ang sakit at pagkirot sa ginagawa nito.

"I'm sorry sa nangyari kanina. Kung hindi lang kami nagharutan ni Ervin that time you might not get hurt."

I can feel sincerity in his voice. I just hold his hand and he look at me.

"It's okay. I'm fine so don't worry too much."

And he just gave me his boyish smile. Wow! nagwala ata ang baby heart ko because of that!

          + + + + + + + + + + + +

Naalimpungatan ako sa lakas ng sigaw na hindi ko malaman kung kanino nanggaling.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko dito sa sofa.

"What's the meaning of this ha!"--Natasha.

"Anong ginawa mo sa kaibigan namin?"--Sam.

"Walangyang lalake ka panagutan mo si Denise!"

I heard Erica shout. Napatayo tuloy ako ng di oras. Buti na lang at medyo kumirot lang ang mga tuhod ko at nakaya ko pang tumayo.

Naabutan ko sila sa kusina. Jaydee is sitting on a stool while my three friends are in front of him. Interogation ba ito?

"Hey! What are you doing to him?" tanong ko agad sa mga ito.

"Oh bakit naglakad ka na agad? Kaya mo na ba?" agad naman akong inalalayan ni Jaydee at pinaupo sa stool na inupuaan nito kanina.

"Oh my gosh!" tili ni Natasha.

Anong drama na naman nito?

"Dapat mo na talagang panagutan ang kaibigan namin!" segunda ni Erika.

What? Ano bang pinagsasasabi ng mga ito.

"Ilang weeks na ba yang dinadala mo?" tanong ni Sam.

Okay! Wait! Parang hindi maprocess ng mind ko yung mga sinabi nila.

Panagutan. Ilang weeks na ang dinadala ko?

Nagulat na lang kaming apat ng biglang tumawa ng malakas si Jaydee.

"Hoy ano bang tinatawatawa mo diyan?" tanong ko dito.

"Ang weird niyong magkakaibigan." Jaydee said between his laugthers.

"Unang una gusto kong linawin sa inyo na wala akong ginawang masama kay Denise. Pangalawa hindi siya buntis. At pangatlo natamaan namin siya ni Ervin ng bola kaya dinala namin siya kanina sa clinic at inuwi namin dito para makapagpahinga siya." tuloy tuloy nitong sabi.

Nakakawindang talaga ang conclusion ng GBB's! Akala nila I'm pregnant and Jaydee is the father?

Natameme lamang ang mga ito. Mukang natauhan na din sa mga pinagsasabi kanina.

"Pero you're dating our friend right?" --Natasha.

Oh my g! How did she know it?

"Yeah! We dated once." walang kagatol gatol na sagot ni Jaydee. "I don't know kung makikipagdate pa ulit sakin ang kaibigan niyo." at tumawa pa ito.

"Wala ka bang planong ligawan si Den?"--Sam.

What the heck is their problem? Ano bang mga tanong yan?

"Teka! teka! teka! Wait!" singit ni Erika. "Anong date ang sinasabi niyo? Itong si Den nakipagdate? At dito kay Bunggo guy? Parang hindi ako na orient."

Erika actualy hindi talaga kayo na orient. At nagtataka ko kung paano nalaman nila Sam at Natasha ang tungkol dun?

GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon