"So proxy lang si Den sa naging date nila?" tanong ni Erika after malaman ang story ng once upon a date namin.
Tumango lang kaming apat habang ngumunguya. We are now having our dinner. Ininvite na din namin si Jaydee na dito kumain. At hindi naman ito tumanggi. Mukang feel at home na siya dito.
"Eh paano niyo naman nalaman na nagdate yung dalawa? Eh ang sabi ni Den wala pa siyang pinagsasabihan sa isa sa atin." tanong naman nito sa dalawa.
Maski man ako ay nagtataka.
"Nagpunta siya dito sa bahay." sagot ni Sam sabay turo kay Jaydee.
At ang huli naman ay busy sa pagkain.
"Yeah! And he's asking us kung nakauwi na si Den." sabat ni Natasha.
Nagpunta si Jaydee dito? As in? Kaya pala mukang familiar na siya dito kanina. Pero bakit naman kailangan pa niyang alamin kung nakauwi na ko?
"Ang ganda na ng pinapanood namin bigla siyang nangistorbo." ani Sam.
Nagpeace sign lamang si Jaydee sa kanila.
"Why you didn't tell me that? Hindi niyo man lang ako ginising." takang tanong ko sa dalawa.
"Because we want you to tell us first about him and your date."--Natasha.
"And baka magbeastmode ka if ever ginising ka namin that time."--Sam.
Well, may point naman sila. Ayoko pa naman sa lahat yung naiistorbo ang beauty sleep ko.
"Aha! kaya pala kaninang umaga ang weird niyong dalawa. Kung maka-interogate kayo kay Den parang wala ng bukas."--Erika.
"Ang unfair kasi ni Den. Wala ngang lihiman pero anong ginawa niya." it was Sam.
Nakonsensya naman ako. Isa sa mga rules namin ay bawal magsecret sa isa't isa.
"I'm sorry GBB's. I will never do it again. I promise!"
"You're forgiven." sabay-sabay na sabi ng tatlo.
"Ang ganda din ng samahan niyong apat ah. Para talaga kayong tunay na magkakapatid. Push niyo lang yan mga 'teh!"
Nagkatawanan na lang kami because of what Jaydee said. Gaymuch!
I'm so thankful and happy at the same time because I have them.
** ** ** ** ** ** **
"Are you sure okay lang ikaw ang gumawa niyan? Alam mo ba how to do that?" alalang tanong ko kay Jaydee.
He's now facing our sink at ready ng mag urong. Nasa gilid lamang ako at nakaupo.
Ako kasi ang nakaschedule na magwash ng dishes ngayon at dahil may injury ako siya ang sumalo ng gagawin ko.
Natatakot tuloy ako na baka maubos ang mga pinggan at baso namin.
"Of course alam ko 'to! Tinuruan kami ni Manang Sylvia." pagyayabang pa nito.
Napangiti na lang ako. Ang cute kasi niya. He is wearing kasi my pink apron. Hindi ko tuloy napigilang ang sarili ko to take a stolen shot of him.
"Uy! Ano yang nginingit-ngiti mo diyan?"
Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala ito sa akin.
Tumingala pa ako dito at sinabing wala sabay tago ng phone ko sa likod.
"Wala daw. Baka mamaya pinicturan mo na ko."
BINABASA MO ANG
GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayon
Fiksi Remajapaano kung yung taong gusto mo ngayon ay nalaman mong nagkagusto pala sayo noon. nakakahinayang noh? gagawin mo ba ang lahat magustuhan ka lang niya ulit o hahayaan mo na lang ang destiny ang magbalik nito.