Chapter 19 : kilig to the b!

24 0 0
                                    

Hindi pa din ako makamove on sa nangyari last night. I wish hindi ko makita si Ervin or kahit si Jaydee man lang pagpasok ko. Hindi ata kayang humarap ng face ko sa kanila.

At dahil thursday ngayon, ako lang naman ang maswerteng may pasok. Lahat ng GBB's ko ay walang klase today. And because of that commute ang peg ng lola niyo. Tinatamad din ako magdrive and nagtitipid din ako sa gas.

Haaaayy! Nakakatamad talaga pag mag-isa lang.

Malapit na ko sa lobby ng condo ng bigla ko na lang makita si Jaydee sa front door habang nakasandal sa motor nito.

Oh my g! Bakit parang tumakbo around the world ang baby heart ko? Relax lang. Calm down. Please.

Bakit ba ganito ang epekto nito sa baby heart ko?

Lakad lang ng tuwid Denise and act normal. Kaya mo yan!

Pero bago pa ko makalabas ay humarang na agad sakin ang gwapong muka ng my one and only love of my life ko.

"Goodmorning Alyana!"

Ang love of my life ko ba talaga to? O nananaginip pa ko?

"Goodmorning din Ervin. So what brought you here?" Tanong ko dito kahit nakoconscious na ko sa itsura ko.

"Sunduin sana kita. Sabay na sana tayong pumasok kung okay lang sayo."

Oh my g! Tama ba yung narinig ko susunduin ako at isasabay pagpasok ni Papa Ervin ko.

Is this the end of the world????

"Oh ayan na pala si Den. Tara na pumasok na tayo." sambit ni Jaydee.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa amin.

"So tara na?" tanong ni Ervin.

Napatango na lang ako at napasunod sa kanila. Speechless ako sa nangyayaring ito sakin ngayon.

Is this really happening?

Feeling ko tuloy nasa dreamland pa din ako.

Pwede bang pakisampal ako. Isa lang oh! Yung hard na sampal.

Grabe na talaga tong nangyayari sa buhay pag ibig ko. Feeling ko hindi na makatotohanan. Pero anyways sulitin ko na yung momoment na'to baka hindi na maulit pa.

Ilang minuto lang ang tinagal ng buhay pag-ibig moment ko. Saglit lang nakarating na kami sa parking ng school.

Ipinagbukas pa talaga ko ng pinto ng my one and only love of my life ko. Kilig ever na talaga.

"Thank you sa pagsabay sakin. Naabala ka pa tuloy."

"You don't need to thank me. Gusto ko lang bumawi sa nangyari kahapon."

Nakangiti pa nitong sabi. Grabe nalulusaw ata ang puso ko sa smile na yun. My g!

"Sabay tayong maglunch mamaya. Treat ko." ----Ervin.

What did he said? Parang nabingi ata ako sa sinabi niya.

"Ha?"

Yun lang ang salitang lumabas mula sa bibig ko. Parang nabingi ako ng ilang segundo dahil dun.

"Sabay na daw kayong maglunch ni Ervin mamaya."

Pag uulit ni Jaydee sa sinabi ni Ervin. Lagi ko na lang hindi napapansin ang isang to. Bigla bigla na lang sumusulpot.

"Okay lang ba?" tanong nito.

I don't need to think kasi sure na yes naman ang sagot ko. Pero syempre dapat magpakipot ng konti. Babaeng Pilipina lang ang peg.

"Oo na yan. Huwag mo ng pag isipan Den." singit naman ni Jaydee.

For sure alam naman niya na may hidden desire ay este hidden pagka crush ako kay Ervin kaya todo ang push nito sakin.

"So Alyana what's your answer? Is it yes or no?"

Magpapakipot pa ba ko? Hmmmmmmmmm.... syempre hindi na. Go na agad ang lola mo!

"Yes. " and I just smiled at him.

"Sunduin na lang kita dito ng lunch break. Bye!"

Oh my g! This is my luckiest day ever!

GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon