Chapter 15 : Blessing

24 1 0
                                    


"May nangyari ba sa inyo kagabi ha?" Bulong na tanong sakin ni Erika.

We are here sa back seat. Si Natasha ang nakaschedule magdrive ngayon while Sam is on the passenger seat.

"Wala naman." bulong ko dito.

Kanina pa kasi kami nawiweirduhan sa kanila. They were so quiet. At nakakapanibago yun.

"Eh bakit nagkaganyan yang dalawa na yan. Parang nahipan ng good spirit sa katawan."

I just shrug my shoulder. I really don't have any idea on what's going on with them.

Pagdating sa parking lot ng school ay nauna na kaming bumaba ni Erika.

"Kita kits na lang mamayang lunch sa cafeteria."---Erika.

Tumango lamang ang dalawa.

"Sige. Text na lang tayo later girls." I said while giving Erika a-what's-their-problem-look.

Hinila na lang ako paalis ni Erika and we waved goodbye to Sam and Natasha.

Buti na lang at isa lang ang way ng Accounting Department at HM Department.

"Alam mo feeling ko may kasalanan yung dalawa na yun kaya ganun ang kinikilos nila."

Kung alam mo lang Erika. Ako yung may kasalanan sa inyo. I lied to the three of you.

"You think so? Ano namang kasalanan nila if ever meron nga?" tanong ko dito.

"I don't know. Pero for sure after ng ilang araw magsasabi din yung mga yan. Hintayin na lang natin kesa maluka tayo kakaisip kung ano yun."

Tumango tango lang ako bilang pag sang ayon sa sinabi nito.

"How about you, how's your date kagabi?"

"As usual.Gumawa na naman kami ng eksena sa restaurant. Buti na lang kakuntsaba namin ang mga crew nila kaya sanay na sila sa eksena namin." kwento nito.

Minsan tuloy gusto kong sumama sa kunwaring date ng mga ito para makita ang acting nila.

"Bakit hindi ka na lang mag artista Erika? Malay mo one day madiscover ka." biro ko dito.

"Alam mo Den pinag isipan ko na yan ang kaso mahal ko talaga ang numero." litanya nito. "O siya babush na. Nandito na yung room ko. Pumasok ka na din."

"Sige. See you later! Bye!"

And I start to walk again.

Madadaanan ko muna ang Engineering Department bago makarating sa room ko.

Kung dati ay super excited ako na dumaan dito. But now I'm nervous. Baka mamaya makita ko pa si Jaydee. Hindi ko pa ata siya kayang makita after that ! oh my g!

Bakit ba hindi ko makalimutan yun?

Diretso lang ang tingin ko. Don't try to look in their room Denise. Just walk.

Ilang steps na lang at makakalagpas na ko sa Department nila ng bigla na lang may tumamang matigas na bagay sa likod ng binti ko.

Sa lakas ng impact nun ay napaluhod ako. My g! Buti na lang nakapanlaboratory uniform ako. Kung hindi kawawa naman ang beautiful knees ko.

"Miss are you okay?"

Pamilyar ang boses nito. Hindi ko pa din magawang lumingon dahil sinusubukan ko munang tumayo dahil medyo masakit ang tuhod ko.

"Oh anong nangyari? Ang kulit mo kasi, nakatama pa tayo."

My g! Denise huwag kang lilingon. Of all people bakit si Jaydee pa? At bakit si Papa Ej pa ang kasama niya?

"Alyana?"

"Denise?"

Sabay pa nilang sabi ng makalingon ako sa kanila. Half smile at half ngiwi ata ang look ko ng makita sila.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jaydee at agad itong lumapit sakin.

Napakapit naman ako agad sa braso niya dahit biglang kumirot ang tuhod ko.

Bakit ba ang malas ko?

"I'm sorry Alyana. Hindi ko sinasadya." at lumapit din si EJ sa kabilang side ko at inalalayan ako sa siko.

"I'm okay. Don't worry." and I fake a smile. "Nashock lang siguro yung tuhod ko."

"Siguro mas okay kung pumunta tayo sa clinic." suggestion ni Jaydee.

"That's a good idea. Baka mamaya may fracture pa yang tuhod mo." pagsang ayon ni EJ.

"It seems that I don't have a choice." nasabi ko na lang.

I think they would not accept a no for an answer.

"It's better if I carry you. Mukang hindi mo kayang maglakad."

Napatingin na lang ako kay Papa EJ. Totoo ba ang lahat ng 'to? My one and only love of my life will carry me. How sweet of him.

Sabi nga nila masamang tumanggi sa blessing ni Papa G.

EJ carries me. Pabride style.
While Jaydee is at our back. following us.

He is seriously looking at me. Bakit ganun? Ang baby heart ko ang bilis ng tibok. Ayan na naman yung feeling na parang tumakbo ako around the world.

And suddenly I saw him smile at me. Bigla ko na naman naalala yung aksidenteng kiss na yun.

Napapikit na lang ako para makalimutan yun pero nang aasar ata talaga dahil parang nakita ko ulit kung paano nangyari ang kiss na yun.

"Ayos ka lang ba talaga?" narinig kong tanong ni Jaydee.

Pagdilat ko ay nasa tabi na namin ito.

"Masakit ba yung tuhod mo? Ano? Magsalita ka naman Denise."

I can hear frustration in his voice. Bakit parang nakaramdam ako ng kilig dahil dun.

wait! Denise umayos ka! Nakalimutan mo na agad si Papa EJ.

"I'm really fine Jaydee. Medyo kumirot lang yung knees ko."

Kumirot naman talaga ito.

Mas nauna ng maglakad sa amin ngayon si Jaydee. Binuksan agad nito ang pinto ng clinic ng marating namin iyon.

             ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤ ❤

"Medyo nabugbog lang ang tuhod mo Ms. Denise. Wala namang fracture kaya don't worry. Maya maya lang ay mawawala na ang pananakit nito." the school nurse explains to us.

"Pinainom ko na din siya ng painkiller." baling nito sa dalawa. "Gagawa lang ako ng excuse letter for her para sa mga prof.niya. Maiwan ko na muna kayo."

At umalis na din ito. I don't know if I'm lucky or not. Because of this absent ako in all my classes pero nakasama ko naman ang my one and only love of my life ko.

"You better take a rest. Pamaya maya ihahatid kita sa inyo."---EJ.

Sobrang blessing na ata ito for me. Mukang ito na ata ang start ng lovestory naming dalawa.

"Ako ng bahala sa excuse letter mo." ani Jaydee.

"Alam niyo masyado na kong malaking abala sa inyong dalawa. Nagskip na kayo ng first class niyo because of me. Don't worry about me. I'm fine." paliwanag ko sa mga ito. Kahit na sa tingin ko eh hindi sila kumbinsido sa sinabi ko.

"Alam mo Alyanna hindi ka abala saming dalawa and besides I'm the reason kung bakit nagkaganyan ka."

"Ervin's right. Kaya huwag ka ng tumanggi." hirit naman ni Jaydee.

"Okay fine. Kayo na ang panalo."

Mukang hindi naman ako mananalo sa dalawang ito. kaya after maibigay ni Jaydee ang excuse letter sa mga prof.ko ay umalis na din kami para maihatid na nila ko.

GBB's : Gusto mo ko noon. Gusto na kita ngayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon