ADTR 30

45 1 0
                                    

Chapter Thirty

May pasok nanaman. Heto ako ngayon, nasa room mag-isa. Iniisip ko pa din yung kagabi. Halos puyat na ako sa nangyari. Nakakabaliw talaga yong si Dylan.

Pagkatapos ba naman niya akong halikan, tatawa nalang siya bigla. Pero ako? Nakatulala pa din. Walang emosyon. Hanggang ngayon.

Hindi ko talaga kinaya. Kagabi niya lang ulit ako nahalikan. Bakit ka ba ganyan Dylan? Ginugulo mo ang isipan ko.

Buti nalang absent siya ngayon, ihahatid niya kasi si tita.


"Hoy, Kheandra!" nandito na pala si Jen.


"Uy, Jen."



Wala pa din talaga ako sa sarili ko.



"Puyat ka ba?"


"Oo eh. Hayy."


"Ano bang nangyari kahapon?" ngumisi pa talaga 'tong si Jen.


"Ayoko sabihin. Napaka-chismosa mo talaga, Jenelyn!" tawang tawa kong sabi.


"Eh kasi naman po, magkaibigan tayo diba? Ikwento mo na kasi. Bakit ba tulalang tulala ka dyan? Para kang tanga. Hahahaha!"


"Hayyy kasi nga ganito.. Oh sige na nga, ikukwento ko na!"


Tuwang tuwa naman 'tong babaeng to.


"Nagkakilala kasi kami ng mga pinsan ni Dylan kagabi. Nandun sila dahil paalis na nga yung mommy ni Dylan ngayon diba? So ayun..." tinigil ko muna.


"What? Yun na yon? Tell me na kasi!!"


"Ayoko! Pagtatawanan mo nanaman ako eh."


"Kheandra naman!"


"Oo na eto na po. Eh di yun, nagkakilala nga kami. Halos lahat ng mga pinsan niya akala girlfriend niya ako. Nakakaloka diba?" natatawa kong sabi.


"Sus. If I know.." napatawa na din si Jen.


"Sira ka talaga. Patapusin mo nga muna ako!"


"Oo na, go na."


"Tapos tinanong nila ako kung wala bang pag asa na magkagusto ako kay Dylan. Sabi ko wala dahil friends lang kami at hanggang dun lang yun..."


"Ay talaga ba?" tawang tawa na sabi ni Jen.


"Oo kaya! Panira ka talaga. Eh di yun, nag react sila. Tapos sinabi ni Dylan na may gusto ako kay Wesley. Pakshet, nabigla kaya ako nun. Pero sabi ng mga pinsan niya mas boto daw sila para sa amin ni Dylan kaysa kay Wesley."


"Kahit din naman ako. Bagay naman kayo ni Wesley pero wala akong nararamdaman na sparks. Pero sa inyo ni Dylan? F na f ko talaga. Mas bagay kayo!" hagikhik niya pa.


Sparks nanaman...


"Heh! Si Wesley lang kasi talaga yung gusto ko. Wag niyo na ipilit yung mga bagay na hindi pwede." nakasimangot kong sabi.


"Oo, kaya wag mo ipilit kay Wesley yung sarili mo kasi hindi kayo pwede." sinamaan ko bigla ng tingin. "Joke!"


"Nakakainis ka naman Jen eh. Kala ko ba friend kita? Dapat boto ka din kay Wes eh!"


"Ayos naman siya eh. Mabait at sweet din pero wala nga akong nararamdamang sparks."


"Meron akong nararamdamang sparks!!" napasigaw tuloy ako.


A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon