ADTR 33

41 0 0
                                    

Chapter Thirty Three

Maghahating-gabi na pero hindi ko pa din natatapos 'tong banner na ipinapagawa sa akin ni Dylan. Malaki kasi yung ginagawa ko syempre para nga sa kanya eh. Effort ko talaga 'to. Kahit inaantok na ako, hindi pa din ako matutulog hangga't hindi ko ito natatapos.

Nang biglang may kumatok sa pinto ko..

"Khean?" si Dad pala.

"Po?"

Pumasok si Dad sa kwarto ko at ngiting ngiti.. Hala! Nakita ata yung ginagawa kong banner. Yung 'babe' nalang kasi ang isusulat ko. Kaya bigla kong binaliktad.

"Para ba kay Dylan yan?" natatawang sabi ni Dad.

"Opo, Dad. Ganito lang po talaga kaming dalawa." nauutal ko pang sabi.

"Hmm.."

Pinipigalan pa talaga ni Dad yung tawa niya nang pumasok na din si Mama sa kwarto ko.

"Gabing gabi na ah, bakit hindi ka pa natutulog Khean?"

"Hindi pa siya tapos sa ginagawa niya." natatawa pa ding sabi ni Dad.

"Ano iyon?" nagtaka na din si Mama. Si dad kasi eh!

"Umiirog na ang anak mo." sabi ni Dad.

Grabe Dad, magkaibigan lang naman talaga kami.

"Si Dylan ba yan?" napatawa na din si Mama.

"Sino pa ba?" tawang tawa na si Dad. "Ay yung Wesley din pala."

Hanggang sa nagtawanan nalang kami. Si Wesley lang naman kasi ang crush ko. Si Dylan, kaibigan ko lang yun. Pagkatapos ng ilang minuto naming kwentuhan, lumabas na din sila Mama. At eto ako, nawala antok ko kaya tinuloy ko na yung ginagawa ko. Actually, patapos na din naman ako. Nilalagyan ko nalang ng design yung bawat letter. Pagkatapos din neto, matutulog na ako.

Mga ilang minuto, natapos na din ako.. Makakatulog na din.

Dylan's POV

Iniisip ko ngayon kung gagawin ba talaga yun ni Khean o hindi. Pero alam ko namang malakas ako sa My babe ko eh, kaya gagawin niya yun. Ako pa ba naman. Syempre siya pa din ba naman.

I'm glad talaga na nakilala ko siya. Yung plano na tuturuan ko siyang magmahal. Well, hindi mo naman kasi talaga kailangang turuan magmahal ang isang tao. Makikita na din yan sa pagmamahal sa pamilya mo at sa mga kaibigan mo. Pero yung pinagagawa sa akin ni Jen na turuan ko daw mapamahal sa akin. Oo, sa akin nga. Hindi ko na iyon itinuloy dahil syempre nagustuhan niya na ang kapatid ko at ayos na sa akin yun. Ayokong mahulog sa akin si Khean hindi dahil ayoko sa kanya, ayokong mahulog siya sa akin dahil magkaibigan kami. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Ngayon magkachat kami ni Wesley sa viber.

Wesley: Dylan, ikamusta mo naman ako kay Khean oh.

Me: Oo naman, sige bro.

Wesley: baka naman nililigawan mo na siya ah?

Me: loko ka. May iba akong gusto. Hahaha!

Wesley: sino naman yang malas na yan?

Me: gago ka. Secret na kung sino yon. Sige, matutulog na ako bro. Ingat kayo dyan palagi. Ikamusta mo ako kina Mommy.

Wesley: sige bro, ingat ka din diyan. Miss ka na namin.

--

Ngayon na ang laro namin sa basketball. Pero mamayang gabi pa naman yun sa school. Ginawa nga kaya ako ni Khean ng banner?

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon