ADTR 44

41 1 0
                                    

Chapter Forty Four

Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos iaannounce ni tita yung kina Dylan at Irish. Kitang kita ang kasayahan sa kanilang mata lalo na kay Irish. Mabait siya, simple at maganda pa... Kaya siguro napamahal na rin sa kanya si Dylan.

"Eto na yung food mo, anak. Kinuha na kita. Ang dami kasing nakapila sa buffet." bigay sa akin ni Dad.

"Thank you, Dad." ngitian ko siya.

11:30 ng gabi nakauwi na rin kami. Medyo tipsy sina Mama at Dad pero kaya pa naman. Ako lang yata ang hindi uminom, may mga bisita din kasi doon na ka age ko lang at nagiinuman sila.

Narinig kong tumunog ang phone ko. May nagtext pala... at si Dylan iyon.

Dylan:

Hi Khean! Hindi na tayo nakapag-usap kanina. Thank you pala sa pagpunta. :)

Pinalampas ko ang ilang minuto at nagreply na ako.

Me:

Hello! Okay lang. :) walang anuman.

Mabilis siyang nakapagreply.

Dylan:

Kami na pala ni Irish. Sinabi niya sa akin na katulong ka niya sa plano kanina. Salamat sainyo. Ang saya ko.

Me:

Good to know. I'm so happy for the both of you. Stay strong!

Dylan:

Thank you, Khean. Makakahanap ka rin ng para sayo. Good night!

Hindi ko na siya nireplyan. Para akong sinaksak ng ilang beses sa sinabi niya. Makakahanap ng para sa akin? Oo at hindi talaga ikaw yon.

Ilang weeks ang lumipas at magpapasukan na ulit. Ready na ako magcollege. Nalaman ko rin na pareho pala kami ng school ni Dylan. Sa magkakaklase namin noong 4th year, si Dylan lang ang magiging ka schoolmate ko. Si Jen naman, sa La Uninon magcocollege. Kaya hindi kami magkikita ng matagal.. Masyado kasing malayo ang La Union at hindi rin makakauwi ang magulang ni Jen hangga't di siya nakakatapos ng college dahil iyon ang nasa kontrata nila.

"Last week na ng vacation, anak. Saan mo pa gustong pumunta?" tanong sa akin ni Mama.

Sasabihin ko sanang sa Sagada nalang ulit pero baka mahalata ni Mama kung bakit gusto ko ulit pumunta don.

"Kayo nalang po mag decide."

2 weeks nalang pasukan na namin. Naalala ko nanaman yung sinabi ni Dylan an "makakahanap ka rin ng para sayo" what the fuck? hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi niya. Naiinis ako.

"Khean!"

Magkasama kami ngayon nina Jen at Henry. Balak naming puntahan si Dylan ngayon. Reunion daw eh. Kuno.

"Ano? Parang ayaw mo yatang makita si Dylan ah? Don't worry, tayo lang apat. Hindi kasama yung gf niya." natatawang sabi sa akin ni Jen. Inirapan ko nalang siya.

Nang makarating kami sa bahay nila Dylan. Nakita kong nandun rin pala si Irish. Mukhang magiging lima kami. Hayy.

"Dylan. Arat na!" sabi sa kanya ni Henry.

"Pwede ko bang isama si Irish?" tanong niya sa amin.

Medyo tumahimik.

"Oo naman!" Nakangiti kong sabi kahit pilit lang iyon. Nagulat rin sina Henry at Jen sa sinabi ko.

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon