ADTR 3

260 6 0
                                    

Chapter 3

Ilang linggo din ang nakalipas, ayos na kami ni Dylan at hindi ko na diya masyadong natatarayan. Friends na rin naman kasi kami.

"Khean! Wait!" halos lumabas na ang puso ko dahil sa pagkagulat. Sino ba naman kasi iyon?

Biglang tingin ko sa likod, ah si Dylan pala.

"Oh? Bakit?" Sabi ko.

"Ihahatid kita."

"Wag na."

"Sige na." Pagmamakaawa niya.

"Ayoko." naiinis kong sabi.

"Please?" Nag-puppy eyes pa.

Ang kulit naman nito. "Oo na, sige na."

"Tara na?" sabay tawa niya.

Pumunta na kami sa parking lot. Nakita ko na ang kotse niya. Woah. Ang yaman niya talaga.

Walang imikan nang makasakay kami sa kotse niya. Puro na lang awkward at silence. Akalain niyo? Seryosong seryoso siya sa pagda-drive. Hindi man lang ako pinapansin.

After 10 minutes..

"Dylan, thank you." sabay baba ko na.

"Sige, alis na ako." seryoso niyang sagot.

"Okay. Sige."

Umalis na siya. Grabe ang tahimik niya mag-drive. Parang nakakailang. Hindi naman kasi siya ganyan. Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakahanda na pala ang pagkain. Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako ng kwarto ko at kinuha ang laptop ko at nagbukas muna ng twitter. Interactions agad ang tiningnan ko.

(Interactions)

Carter Lopez follows you

Huh? Kakapaniwala nagtwitwitter din pala si kboy este playboy -- ay Dylan pala. Napahawa na ako kay Jen. Tss.

Kinabukasan, napagtanto kong wala nga pala si Mama ngayon, pupunta din sya sa ibang bansa. Mga 3 weeks pa ang balik at ang makakasama ko naman ay si manang.

Sa ngayon ay ako pa lang mag-isa dito sa bahay at hindi alam ang gagawin.

Biglang may kumatok. Dali dali akong tumakbo at binuksan ang pinto. Nakita ko agad si Dylan. Teka wait? Si Dylan?!

Anong ginagawa niya dito?

"Dylan, bakit mo naman naisipang pumunta dito?" Pagtataray kong sabi.

"Naiwan mo lang tong gamit mo. Wag ka ngang feeling." natatawa niyang sabi.  "Hindi bagay sayo yan."

Naiwan ko pala. Nagulat naman ako nang makita siyang paalis na agad.

"Aalis ka nalang ba agad?" tanong ko.

"Hindi. May nakalimutan pa nga pala akong kunin.

"Ha?"

Ngumiti siya. "Ang puso mo."

Bigla ko siyang hinampas.

"Aray! Joke lang yun. Dito muna talaga ako. Wala ka din namang kasama."

"Okay. Pero may pupuntahan ako." sabi ko.

"Good. Dito muna ako sainyo hanggang isang araw." halakhak niya.

Inirapan ko siya at hinampas ulit. "Baka may gawin ka pa saking hindi kanais nais."

"Hinding hindi ko yun gagawin sayo. Wala din akong pagnanasa sayo."

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Pupunta lang akong mall "

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon