ADTR 24

75 1 0
                                    

Chapter Twenty-Four

Iniisip ko pa din kung sino yung tinutukoy ni Wesley. Sana ako nalang yun. Aba, lahat naman ako yun e. Assuming talaga ako. Hays.

Maya maya nagbasa nalang ako ng libro, nang biglang may magtext. Tiningnan ko naman ito agad.

From: Dylan
Can we date tomorrow? I'll wait for you, babe. ;)

What the? Pagkatapos niyang landiin yung Daphne.

To: Dylan
What the hell are you saying? Are you out of mind?

Nag-reply naman agad siya.

From: Dylan
Aw. Sorry Khean, wrong send. Kay Daphne ko sana isesend yun eh.

The hell? Sinasadya niya ba? Ang layo ng Khean sa Daphne like, duuuuh. Hindi ko nalang siya nireplyan. May pasok nanaman pala bukas.

Makalipas ang ilang oras...

Gabing gabi na din pala. I'm so sleepy na. Hayyys.

10:30

Hindi ako makatulog! Ugh. Ano ba tooooo? Pinikit ko mga mata ko pero di talaga ako makatulog.

10:47

Grabe hindi pa din talaga ako makatulog.

11:11

Ayoko mag wish!

Pero sana makatulog na ako at sana maging masaya ako bukas, sana talaga!

At ayun, nakatulog na din ako.

Kinaumagahan...

"Khean, papasok ka ba? Hindi ka ba pagod?" tanong ni Dad mula sa pinto.

"Kaya ko naman po, maliligo na po ako."

"Sige, bilisan mo na din para hindi uminit tong niluto ng mama mo."

"Okay po." sagot ko kay Dad at tuluyan na siyang bumaba.

At ayun, ginawa ko na ang dapat kong gawin, nakaligo, nakabihis at nakakain na ako. Pumasok na din ako sa school at ang masama, si Dylan agad ang bumungad sakin.

"Good Morning, Khean." mukhang happy na happy ang gago ah.

"Morning." pinansin ko nalang. Nakakaawa kasi eh.

"Buti pinansin mo ko." sabi niya habang nakasmile pa din, hindi ko na pinansin. Tanga talaga.

Umupo nalang ako sa upuan ko at kinausap si Jen.

"Kheandra! Malapit na monthsary namin ng pinsan mong si Henry. Ano kayang regalo nun sakin?" isa pa tong happy na happy.

"Wag ka mag-assume, baka mamaya makalimutan niyan. Hahahaha!" napatawa tuloy ako sa sinabi ko, lumungkot naman ang mukha ni Jen.

"Oh ano yang mukha mo? Hahaha! Ikaw talaga hindi mabiro, wag ka masyadong clingy girl. Baka mamaya ipagpalit ka nalang niya sa sexy, maganda, mala superstar.. Uhmmm ano pa ba?" Kulang nalang tumawa ako dito hahahaha.

"Ano ba Khean! Wag ka namang ganyan." malungkot na sabi niya.

"Oo na, joke lang yun. Sineryoso mo naman. Hahaha!" napailing lang siya sa sinabi ko.

"Nga pala, bakit hindi kayo nagpapansinan ngayon ni Dylan?" nakakagulat naman na tanong.

"Anong hindi? Nagpansinan kaya kami kanina."

"Eh hindi naman yung kagaya dati na ano.. If you know what I mean."

I get it. Sobrang close talaga kasi namin ni Dylan sa klase eh. Ewan ko kung bakit ba ako naapektuhan sa Daphne na yun.

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon