ADTR 41

35 1 0
                                    

Chapter Forty One

Time flies so fast.. Hindi ko inakala na graduation na mamaya. Heto ako ngayon, pinapaayusan ako ni Mama. I can't believe it. Daming nangyari ngayong 4th year. Hindi ko akalain na makilala ko siya.

"Are you ready, anak?" tanong ni Daddy.


"Dad..." naiiyak ako.


"Anong meron? Okay ka lang ba, Khean?" tanong naman ni Mama.


"Opo."


"Sige, aayusin ko lang isusuot ko mamaya oara sa graduation mo." sabay kiss ni Dad sa nuo ko.


Nang makalabas na si Dad, pumasok sa kwarto si Mama. Nakita niya na umiiyak ako. Alam niya na siguro yung sa amin ni Dylan dahil nagkwekwento si Jen kay Mama.


"Khean? Are you okay?"


"Hindi ko alam. Hindi ko po talaga alam, Ma." sabay yakap ko sa kanya hindi ko na talaga napigilan mapaiyak ng sobra.


"Naiintindihan ko anak. Ganyan din ako sa Dad mo noon. Ilang beses niya akong sinaktan, pero in the end, kami pa din ang nagkatuluyan. Ramdam kong mahal mo na si Dylan simula pa lang nung nasa Boracay tayo."


"Ma, si Wesley naman kasi eh."


"Gusto lang kay Wesley. Pero itinatanggi mo lang na mahal mo na si Dylan."

Napatahimik ako sa sinabi ni Mama. Oo, tinatanggi ko lang na mahal ko si Dylan noon pero pinipilit ko pa din na si Wesley ang mahalin ko hanggang ngayon.

Maaga kaming nakarating sa school para sa graduation, nakita ko agad si Jen na tuwang tuwa na lumapit sakin at pinakita agad yung mga pictures nilang dalawa ni Henry. Napatawa nalang din ako. I'm so happy for my bestfriend. Babaero man si Henry noon, well noon lang yon. Past is past.

Past is past...

"Oh? Gragraduate na tayo mamaya bakit ang lungkot mo nanaman?" tanong ni Jen sa akin.

"Ha? Baliw to. Hindi naman." sabay ngiti ko sa kanya.

"Wag ako Kheandra ha, kilalang kilala na kita." tumingin siya ng masama sa akin at hindi nalang ako nagsalita.

Nang magsisimula na ang graduation namin, excite na excite kaming lahat dahil magiging college na din kami.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Dylan, napatingin din siya sa akin at ngumiti siya. Ngumiti nalang din ako. Hayy. Naninikip nanaman ang puso. Bakit ba ganito ang life?

"Castro, Kheandra A. Valedictorian.." sabay bigay sakin ng diploma at sinuot sakin nina mama at dad yung mga medals.

Nang matapos ang graduation, nagpicture-an kaming lahat na magkakaklase. Nagulat ako nung biglang sumingit si Dylan sa tabi ko tapos inakbayan niya ako. Nagulat ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napatingin naman samin si Jen na kinikilig.

"Congrats, Khean." sabay yakap sakin ni Dylan pero madali lang.

"Congrats din sayo." nginitian ko siya.

"Masama pa din ba ang loob mo sa akin?" titig na titig siya sa mga mata ko. Gusto kong sabihin na hindi, mahal na mahal kita kaya paano sasama ang loob ko sayo?

"Hindi ah." ngumiti nalang ulit ako.

"Khean!!!!!" sigaw ni Jen.

Pinuntahan namin siyang dalawa ni Dylan kasama na din parents niya at parents ko. Wala si Wesley, nalaman niya kasi yung namamagitan samin ni Dylan. Kahit wala naman talaga.

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon