ADTR 39

22 0 0
                                    

Chapter Thirty Nine


"Bakit ginabi ka na naman, Khean?" nag aalalang tanong ni Mama.

"Dapat kanina pa po kami, kaso nag dinner na po kami nina Jen at Henry sa labas." hala! Akala ko ba nakaalis na si Dylan?

"Buti nalang." ngumiti si Mama kay Dylan.

"Kamusta ka na pala, Dylan? Huwag mong pababayaan si Khean ah." natatawang sabi ni Dad.

"Ayos naman po ako, tito. Hinding hindi ko po talaga pababayaan yang si Khean." sabay pisil sa ilong ko.

"Ay nako, Dad. Palagi ako niyang inaaway." patampo kong sabi.

"Inaaway sa pagmamahal?" tumawa naman ng nakakaloko si Dad. Err.

"Opo, tito." at nagtawanan silang lahat.


Pagkapasok ko sa kwarto ko, tumingin agad ako sa salamin. Bakit nga ba ang blooming ko ngayon? Natatawa ako sa sarili ko. Hindi naman kasi ako ganito dati eh. Bakit feel ko ang ganda ganda ko? Ayt! Napakafeeler ko talaga.

Nang makahiga naman ako, kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Dylan.


Me:

Hoy.

Nagreply siya agad.

Dylan:

Miss me, agad? ;)


Me:

Tss. Hahaha!


Dylan:

Matulog ka ng maaga. Ayokong napupuyat ka. Okay?


Me:

No.


Dylan:

Khean naman.


Natawa na lang ako sa pagiging protective niya. Pero kahit kailan hindi ko naiisip na magiging kami. Naiisip ko lang na magkakagusto ako sa kanya.. Magkakagusto kami sa isa't isa pero hindi magiging kami. Ang iniisip ko.. maging kaming dalawa ni Wesley. Hindi ko na talaga alam. Lalo na't alam na din nina Jen at Henry. Uuwi na din si Wesley next week. Ano na ang gagawin ko? Hindi naman pwedeng iwasan ko silang dalawa. Hays. Ang hirap pala ng ganito. Okay lang sana kung isa lang ang gusto ko.. Pero dalawa eh. Ang hirap na pigilan.

Sabado ngayon at wala kaming pasok. Napagplanuhan ni Jen na dito muna siya hanggang Sunday dahil madami daw akong ikukwento.. At dahil bestfriend ko naman siya, ayoko na maglihim. Sasabihin ko na sa kanya lahat ng mga pangyayari at mga nararamdaman ko.


"Ano na?" excited niyang sabi sa akin.

"Anong ano na? Hindi ba alam mo na lahat?" natatawa kong sabi.

"Yung nararamdaman mo!"

"Narealize ko nung pinatugtog mo yung mahal ko o mahal ako. Nakakainis ka!" tumawa lang si Jen.

"Buti nga narealize mo eh. Hindi yung naguguluhan ka sa nararamdaman mo sa kanya habang may gusto ka kay Wesley."

"Hanggang ngayon naman naguguluhan pa din ako."

"Bakit na naman?"

"Parehas ko silang gusto."

Parang nakakahiya sabihin diba? Imbis na ikaw yung masaktan, ikaw pa yung makakasakit dahil mahal mo sila pareho. Ikaw din ang may kasalanan kapag pinagaawayan ka nilang dalawa. Bakit nga ba ganito ang buhay? Bakit dalawa pa? Ang hirap ng ganito eh.

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon