ADTR 46

40 1 0
                                    

Chapter Forty Six

Nandito ako ngayon sa canteen. Wala akong kasama. May kanya kanya kasing grupo mga kaklase ko kaya ako lang ang natira. Ang lungkot pala.. Namimiss ko na talaga si Jen.

Kumain lang ng mabilis pero may babaeng  nakiupo sa table na pinagkakainan ko.

"Hi. I'm Therese. Umupo na ako ah. Nakita ko kasing wala kang kasama."

Ang ganda niya pero masyadong exposed naman manamit. Naka civilian kasi kami ngayon kaya naka shirt at jeans lang ako pero siya, naka sleeveless at skirt.

"Khean. Sure." nginitian ko lang siya.

"Freshman ka rin ba?" tanong niya.

"Yup. Psychology course ko. Ikaw ba?"

"Freshman din ako. Engineering. Ang dami palang gwapo dito!" tuwang tuwa siya bale ako naman pangiti ngiti na lang.

"Alam mo ba may crush ako. Yun nga siya oh! Naka black." sabay turo sa nakapila sa may canteen.

Pagkatingin ko, si Dylan. What the fuck!?

"Ohhh."

Kwento lang siya ng kwento about sa crush niya. Habang ako kunwari lang na nakikinig hanggang sa nagtext na sakin si Dylan.

Dylan:

Where are you?

Nag reply naman ako agad.

Me:

Tingin ka sa pangalawang table.

Nang magkatinginan kami, ngumiti siya at pinuntahan ako. Nagpaalam na mag cocomfort room daw si Therese kaya buti hindi naabutan ni Dylan.

"Oh? Bakit nakasimangot ka dyan?" natatawang sabi sakin ni Dylan.

"Wala." naiinis talaga ako.

Hanggang sa tahimik lang kaming dalawa at dumating na si Therese.

"Oh my god, Khean! Siya yung crush ko." halos mabulunan si Dylan sa kinakain niya dahil medyo malakas ang boses ni Irish.

"So.. I'll leave you two. Una na ako." sabay alis ko. Ayoko silang makita.

Nang makarating na ako sa department namin, naramdaman ko na may sumusunod sa akin at si Dylan iyon.

"What?" pagalit kong sabi.

"Selos ka nanaman." tumawa pa ang loko!

"Nakakainis ka kasi."

"Ako pa talaga may kasalanan, my babe?" tawa pa rin siya ng tawa.

"Ewan ko sayo. Tinatawanan mo lang ako magsama kayo nung si Therese! Mukha namang magugustuhan mo siya at baka kaya mo pa kaming pagsabayin na tatlo." umirap ako.

"What the fuck? Khean naman. Kahit sino pang babae ang lumapit sa akin, ikaw pa rin naman diba? Kahit gaano pa kaganda o kasexy hindi kita ipagpapalit." huminga ako ng malalim. "I love you. Okay?"

"I love you too. Kailangan ko ng umalis. Late na ako." matamlay kong sabi.

Madaming nakakita sa aming dalawa kaya pinagloloko ako ng mga kaklase ko. Kung kanina, wala ako masyadong makausap pero ngayon halos lahat yata sila nakakausap ko na.

"Kayo ba ni Dylan?" tanong ni Rian sa akin.

"Nope. Mag-bestfriend kami."

"LQ sila." panloloko nanaman nila.

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon