ADTR 36

26 0 0
                                    

Chapter Thirty Six

Kumakain ako habang si Dylan naman nanunuod ng tv dito sa baba. Sinisilayan ko siya.. Napaisip na naman ako. Bakit ko nga ba nagustuhan ang isang 'to?

"Tapos ka na kumain?"

"Ah, oo." dadalhin ko na sana sa kusina 'tong pinagkainan ko pero pinilit niyang siya nalang yung magdadala.

Tiningnan ko siya habang naglalakad. Oo, gwapo siya, mabait, matalino, maalagain.. pero hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan eh. Bigla bigla nalang. Narealize ko lang din nung sinabi sa akin ni Jen na ang manhid naming dalawa ni Dylan. Pagkatapos niyang hugasan yung pinagkainan ko, umupo siya sa tabi ko. Nanginginig na naman ako.

"Favorite movie ko yan." sabi niya sa akin. Nanunuod kasi kami ng A walk to remember.

Ngumiti lang ako. Wala akong masabi eh. Tumatatak na naman kasi sa isipan ko na mahal niya pa din si Denise. Naman Khean eh, wala na yung tao. Wag mo na isipin.

"May problema ba tayo?" tumingin siya sa akin.

"Wala tayong problema."

"Bakit ka ganyan sakin ngayon?"

"Anong ganyan? Masama lang kasi ang pakiramdam ko."

"Hayy. Okay, I'm sorry."

"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginagawang masama."

"Nasaktan yata kita sa sinabi ko sayo kahapon.. na mahal ko pa si Denise."

"Ano ka ba, okay lang yun. Tanggap ko naman eh. Tanggap ko na hindi mo ako kayang mahalin. Tanggap ko na hindi magiging tayo." nginitian ko siya.

"Sht!"

Ngumiti pa din ako sa kanya hanggang sa tumulo na naman ang luha ko. Ilang araw na din akong umiiyak. Hindi ko din naman mapigilan eh. Mababaw talaga ang luha ko.

"Sssh. Don't cry. I'm sorry My babe, I'm sorry." sabay yakap niya sakin.

Napayakap na din ako sa kanya. Sana ganito nalang palagi. Sana huwag na kaming magkaproblema. Puro sana. Pero imposibleng mangyari.

"Tell me again Khean.. Tell me."

"I love you."

"Say it with my name."

"I love you, Dylan." nanghina na ako. Bumuhos ng sobra ang luha ko.

"I love you too, Khean."

Tama ba ang naririnig ko?

"I love you Khean. I love you. I love you." sabay halik niya sa noo ko.

"Hindi mo ako mahal."

"I love you My babe. Nadala lang ako sa nasabi ko kahapon. Hindi ko talaga yun sinasadya. Wala na si Denise, ikaw na ang nandito. Ikaw na ang nasa puso ko."

"No Dylan, no."

"Yes, Khean. I love you more."

"Dylan, promise me.. Promise me na tayong dalawa lang muna ang makakaalam nito."

"I'll promise."

"Thank you." sabay yakap ko sa kanya.

"Palagi ka nalang umiiyak. Tama na, my babe."

Medyo ayos na ako ngayon. Nang hapon na, umuwi na din si Dylan. Hindi ko sinabi sa kanya na wala sila Dad, baka kasi hindi na naman niya ako iwan dito eh. Tinawagan din ako kanina ni Mama at nangumusta.

Tumunog bigla yung phone ko.

3 messages.

Dylan:

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon