ADTR 22

84 1 0
                                    

Chapter Twenty Two

Nagulat nalang ako sa sinabi ni Dylan.

Kala ko ba.....

"Dylan, tama na nga yan. Lasing ka lang. Tsk." naiirita kong sabi sabay alis sa pagkakayap niya sa akin.

"Tss. Khean, mukha ba akong nagloloko? Tsaka hindi ako lasing."

"Ewan ko sayo Dylan!" aalis na sana ako pero hinila niya ako bigla.

"Khean, please. Let's try. Tuturuan kita." seryoso niya sabi habang nakatitig sa aking mga mata.

"Sorry Dylan pero...." Bumuntong hininga ako. Naisip ko bigla si Wesley.

"Bakit Khean? Ano?"

"Ayoko talaga. Aish! Basta ewan." bigla ko nalang na sabi.

"Dahil ba kay Wesley? May gusto ka sa kapatid ko diba?"

"Huh? Anong pinagsasabi mo Dylan?"

"Hayss. Tama nga ako."

"Dylan, ano bang sinasabi mo?"

"Wala na talaga akong pag-asa sa mainlove ulit." yumuko siya bigla.

"Ano ka ba Dylan? Wag ka ngang magsalita ng ganyan."

"Tsk. Bakit pa kasi nawala si Denice eh."

"Dylan naman.." Sabi ko nalang.

"Sige Khean, bumalik ka nalang ulit dun. Iwan mo muna ako dito."

"Dylan naman kasi... Ayokong mahulog sayo. Ayokong mangyari yung napanaginipan ko na sasaktan mo lang ako. Ayoko ng ganun. Masakit kasi." sabay yuko ko nalang din.

"Khean.. Alam mo namang hindi ko yun magagawa diba? Khean, parang awa mo na." sabi niya sakin at biglang hinawakan ang kamay ko.

"Sorry Dylan pero hindi talaga pwede.." Sabi ko sa kanya sabay tanggal ko ng kamay niya sa kamay ko.

Pagkatapos nun, umalis na din ako. Bumalik ako sa loob at para na din makipagkwentuhan sa kanila.

"Kheandra, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa naming hinahanap." sabi ni Mama.

"Dyan lang po." sabi ko na matamlay.

"Teka lang po ah? Excuse lang po samin ni Khean." Sabay hila sakin ni Jen sa tabi.

Alam ko nanaman..

"Anyare sa feslaks mo girl? Kakatapos pa lang ng birthday mo ah." Sabi sakin ni Jen in warning tone.

"Si Dylan..." Sabi ko nalang. Itutuloy ko pa ba?

"Anong meron?"

"Itutuloy na daw niya na turuan akong mainlove. Kelangan pa ba yun? Hays."

"Yun lang?"

"Hindi. Gusto niya talaga ituloy. Gusto niya daw ako pakasalan ganun ganun."

"What the ef. Anong sinabi mo?"

"Ayoko. Natatakot nga kasi ako Jen.."

"Hayy. Kheandra.." Sabay yakap sakin ni Jen.

Pagkatapos naming mag usap, pumunta na ulit kami sa table at nakipagkwentuhan kina Mama at Papa. Nandun na din si Dylan. Hayy. Ang awkward.

"So wesley, may girlfriend ka na ba dun?" tanong ni Henry na ikinagulat ko.

Tumingin ako bigla kay Wesley, nakatingin din pala siya sa akin. Tapos tumingin din ako kay Dylan na nakatingin din sa akin.

A Day to Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon