Chapter 18 Jealous

5.9K 117 44
                                    

[LAWSON UNIVERSITY]

SHAYNE: Please, Sophie. Don't scared me again like that. Hm?

(Tumango lang ako. Bahagya naman siyang ngumiti. Sobrang naaakit na naman ako sa titig niya. Wala na akong ibang nagawa kundi tumitig na rin sa kanya. Hanggang sa napansin ko na lang na palapit na nang palapit yung mukha niya. Unti-unti niya na ring niyang ipinikit yung mata niya at hinalikan niya ako mismo sa labi ko.)

[Kiss]

***A/N: BACKGROUND SONG FOR THIS SCENE***


(Natigilan ako. That time, ramdam na ramdam ko yung tibok ng puso ko. Pagkatapos nun, unti-unti na ulit niyang iminulat yung mga mata niya kasabay ng unti-unting paglayo ng mukha niya. Nung mapatingin ulit ako sa kanya, di pa rin maalis yung tingin niya sa akin. Parang may sinasabe na naman yung mga mata niya. Si Shayne, parang iba siya ngayon.)

SOPHIE: *[blush]

(Di mawala yung tingin niya sakin. Para akong nadadala sa tingin niyang iyon. Yung puso ko, lalong lumalakas yung tibok.)

...

Biglang naputol yung tingin ko sa kanya nung may lalaking biglang nagsalita sa tonong galit at may diin.)

(TRAVIS): Anong ginagawa mo sa kanya, Shayne?

(Napatingin tuloy ako sa likuran ni Shayne. Shetee, si Travis... nakaharap siya dito at ang sama ng tingin niya kay Shayne.

Mukhang nabosesan na ni Shayne si Travis kaya unti-unti na siyang lumingon at humarap sa kanya. Omggggg, nakita kaya niya na hinalikan ako ni Shayne??? Lagot na...)

(Lumapit si Travis kay Shayne at kinuwelyuhan niya ito.)

TRAVIS: Bat di ka ngayon sumagot sa akin Shayne? (Sabi niya habang nakatingin kay Shayne nang masama.)

(Halaa, nakita kaya niya?? Ahhh basta makikisabat na ako.)

SOPHIE: T-tama na yan, Travis. Please. Uhmmm, nag-uusap lang naman kami ni Shayne kanina... kaya please bitawan mo na siya.

TRAVIS: Nag-uusap?? Pero bat dito pa? Bat di na lang sa labas?

SOPHIE: Uhmmm, k-kase.. ano d-dinala ko lang kase yung damit na pinahiram sa kanya ni Cyroan kaya ako biglang napapasok dito. Travis please.. bitawan mo na si Shayne....

(Bigla kong naaalala yung nangyari kanina na tinulak ako ni Chelsy sa swimming pool tapos wala naman lang may gustong tumulong sa akin. Bigla na lang tuloy ako napaiyak.)

SOPHIE: *[crying] Kung di naman dahil sa kanya, wala... wala namang sasagip sa akin sa swimming pool...)

[Sa pag-iyak ni Sophie, biglang naging mahinahon si Travis at binitawan na niya si Shayne. Seryoso namang nakatingin si Shayne kay Sophie. Gusto niya itong yakapin pero di niya magawa dahil nandoon si Travis.]

SOPHIE: *[crying]

(Lumapit si Travis sa akin at kinausap niya ako nang mahinahon.)

TRAVIS: Wait.. wag ka nang umiyak, please... Ano ba kasing nagyare? Hm?

SOPHIE: Uhmm. K-kase ano... muntik na akong malunod kanina...

TRAVIS: Whattt??! Pero baket?...

(Di ko siya masagot.)

TRAVIS: Don't tell me na merong tumulak sayo..

(Nakita kong sobrang seryoso siya. Unti-unti naman akong tumahan at pinunasan ko yung luha ko gamit yung kamay ko.)

DEAR MR. KUPIDO (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon