Chapter 29 My Only Wish

5.4K 211 115
                                    

[MCNULTY RESIDENCE]

[Sa puntong yun pagkaalis ni Sophie, doon na nakaramdam si Shayne ng matinding pagpapawis, mabilis na pagtibok ng puso, panghihina ng kanyang katawan at hirap na sa paghinga. Wala na siyang ibang nagawa kundi sumandal na lang sa pader habang pinipilit habulin ang kanyang hininga..

[Habang naglalakad si Hayley, nakita na lang niya yung nakakabahalang sitwasyon ni Shayne kaya napatakbo siya palapit dito at kinausap ito.]

HAYLEY: SHAYNE! Ohmygod, are you alright?

SHAYNE: *[deeply breathing] No...

HAYLEY: Not again, Shayne... please.. relax.

[Di na kinaya ni Shayne kaya dahan-dahan na siyang napaupo sa sahig. Inalalayan naman siya ni Hayley. Napapapikit na lang si Shayne habang pinaglalabanan yung takot na nararamdaman niya.]

SHAYNE: *[deeply breathing]

[Habang nakaupo si Shayne, naalala niya yung malungkot na mukha ni Sophie kanina dahil sa mga nasabe niya. Kaya ito na lang ang nasabi niya na para bang nakikipag-usap siya rito habang nagpapakalma.]

SHAYNE: Babe, I... didn't.... mean it. I'm... I'm so .... sorry.....

...

[Naaalala ni Shayne yung cake na binigay sa kanya ni Sophie na nailaglag niya kanina sa sahig. Mapapansin pa rin kay Shayne yung nginig sa kamay niya. Pilit pa rin niyang inaabot yung cake kahit masama yung pakiramdam niya at bahagya niya itong tinikman. Kinausap naman niya si Hayley kahit medyo hinahabol pa rin ang hininga.]

SHAYNE: Hayley, please... call somebody to secure the cake...

HAYLEY: Yeah, I will. Don't worry. But please Shayne, you need to calm down, alright? Inaatake ka na naman kase ng anxiety attack.

SHAYNE: Yeah... I'm trying...

[Habang nagpapakalma si Shayne sa isang tabe, nagpatawag na si Hayley ng kasambahay nila. Pinakuha na niya yung cake na nasa sahig sa utos na rin ni Shayne at pinalagay sa isang malinis na lalagyan.]

...

[-SOPHIE'S POINT OF VIEW-]

[Napansin ni Travis na basang-basa si Sophie ng ulan.]

TRAVIS: Sophie, basang-basa ka. Pumasok ka na agad sa kotse. Baka kase magkasakit ka. Ihahatid na kita pabalik sa inyo.

SOPHIE: P-pero paano yun? Mababasa yung upuan ng kotse mo.

TRAVIS: Di bale na.

SOPHIE: Halaa, okay lang ba talaga?

TRAVIS: Okay lang.

SOPHIE: O-okay, sigi. Salamat.

(Bahagyang ngumiti si Travis sakin tapos siya na yung nagbukas ng pinto ng kotse niya para makasakay na ako. Kasalukuyan din naman niya akong pinapayungan para hindi na ako mabasa ng ulan. Kaya yun, pumasok na ako sa loob. Napansin ko naman na pumasok na rin siya.)

[Napapabuntong-hininga na lang si Travis habang tinitignan si Sophie na basang-basa lalo na yung ulo niya at yung damit na suot niya. Naalala naman niyang meron siyang extrang damit sa bag niya.]

...

(Napansin ko na lang na merong inaabot si Travis sa likuran namin. Wala pang ilang sandali, may inabot siya sakin na isang T-shirt.)

TRAVIS: Here. Isuot mo to. Baka kase sipunin ka na.

SOPHIE: Okay lang naman ako, Travis...

TRAVIS: Sophie, please isuot mo na yan. Hm? Lalabas muna ako ng kotse para makapagpalit ka.

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon