PROLOGUE

337 7 0
                                    

THIRD PERSON POV

Sumasabay sa malakas na buhos ng ulan at ihip ng hangin sa labas ang mga hagupit ng latigo na tumatama sa katawan ni Celestina mula sa asawa nitong si Brent. Kitang-kita sa mata ng lalaki ang galit at pagkasuklam sa misis nito.

Brent: Hindi ka ba talaga magsasabi ng totoo? Ha?!

Nanatiling nakasalampak sa may sahig si Celestina at umiiyak habang tinitiis ang sakit na natatamo mula sa mga hataw ng latigo.

Brent: Sino ang lalaking kasama mo?! Ang lalaki mo ba?!

Nagtatagis ang mga bagang ni Brent sa sobrang gigil sa asawa nito. Matagal na siyang nagdududa na may kabit ang asawa kaya naisip niyang pasubaybayan ito sa isang taong inirekomenda ng best friend ng asawa niyang si Samantha. Hindi niya akalain na susuportahan siya ng matalik na kaibigan ng misis sa gagawing pagsubaybay sa bawat kilos at galaw ng asawa tuwing lumalabas ito ng bahay.

Brent: Isinasama mo pa ang anak natin sa kalandian mo at ng kalaguyo mo?!

Patunay ang mga larawang natanggap niya kanina na nakikipagkita si Celestina sa isang lalaki na sa isip niya ay parang nakita na niya rati ngunit hindi niya maalala kung kailan at kung saan. Kasama sa mga kuhang larawan ang anak niya at mukhang nag-e-enjoy ang anak niya kasama ang lalaki ng misis niya.

Brent: Sino ang lalaking nasa mga larawang iyan?!

Patuloy ang paghagulgol ni Celestina at muling napadako ang paningin niya sa mga larawang nagkalat sa sahig. Inihagis ni Brent sa mismong pagmumukha niya ang mga larawang iyon nang dumating siya kanina mula sa pakikipagkita sa lalaking nasa larawan. Hindi niya kalaguyo ang lalaki, pero mahirap ipaliwanag sa mister niya ang kasalukuyang sitwasyon niya at ng lalaking nasa larawan. Paniguradong makakapatay ito at hindi niya iyon kakayanin.

Brent: Inuulit ko! Sino ang lalaking kasama mo sa mga larawang 'yan, Celestina?! Kapag hindi ka nagsalita, sinasabi ko sa 'yo, ilalayo ko sa iyo ang ating anak! Huwag mo kong subukan, Celestina!

Sa kabila ng mga nangyayari ay nagpapasalamat si Celestina na soundproof ang kwarto nilang mag-asawa. Hindi maririnig ng anak niya ang pagmamalupit na ginagawa sa kanya ng asawa.

Celestina: Ba-bakit mo ko pi-pinasundan?

Bahagyang natigilan si Brent sa tanong ng asawa. Hilam sa luha ang mukha nitong humarap sa kanya na nanatiling nakasalampak sa sahig.

Brent: 'Yan talaga ang concern mong malandi ka?!

Naglalabasan ang ugat sa leeg ni Brent sa sobrang gigil at galit sa asawa.

Brent: Huwag mo kong piliting ilayo si Abigail sa iyo, Celestina! Bibilang ako hanggang tatlo.

Nanlalaki ang matang napatitig si Celestina sa asawa.

Brent: Isa!

Nanginginig ang kalamnan ni Celestina na mariing pumikit bago muling ibinuka ang bibig.

Brent: Dalawa!

Celestina: Si Jay-R!

Habol ang hiningang isinigaw ni Celestina ang pangalan ng lalaking nasa larawan.

----------

I'm In Love With A High Maintenance LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon