CELESTINA's POV
He's having an affair.
My husband is cheating on me.
Niloloko ako ng asawa ko.
Inihahatid ko ng tanaw ang papalayong sasakyan ng asawa ko mula rito sa master's bedroom. Madaling-araw na naman siyang umuwi kanina. Tulad ng nagdaang mga gabi ay hindi ito umuwi kagabi at tulad ng mga nakaraang araw ay madaling-araw na itong umuwi kanina.
Hindi man niya aminin ay alam kong may babae siya. May mga pagbabago sa mga ikinikilos niya na hindi naman niya ginagawa rati noong bagong kasal kami.
Nahuli ko siyang dinadala ang kanyang cellphone sa loob ng banyo sa tuwing maliligo. Isang beses ay naisipan kong i-check ang kanyang phone nang maiwan niya ito sa dining table. Naka-lock ito. Nangangailangan ng password. Sinubukan ko ang password na madalas niyang ginagamit ngunit hindi ito.
Minsan ay nahuhuli kong may tumatawag sa kanyang phone kahit weekend at walang pasok sa opisina. Pumupunta siya sa parte ng bahay kung saan akala niya ay hindi ko siya maririnig.
Mas naging banidoso siya ngayon. Naging mas mapili sa pabangong gagamitin. Maging sa mga kasuotan at sapatos ay ganoon din. Mas tumatagal ang paglalagi niya sa gym. Ang dating twice a week ay naging four times a week.
Isang beses ay naamoy ko ang isang pabangong pambabae sa kwelyo ng kanyang long-sleeved polo. Sigurado akong hindi iyon isa sa branded perfumes na ginagamit ko.
May nakita rin akong kiss mark sa kwelyo ng isa pa niyang long-sleeved polo. Kahit marami akong expensive lipstick ay alam kong hindi ko ginagamit ang ganoong shade ng lipstick na nakita ko sa damit ng asawa ko.
Dumadalas ang overtime niya at sa tuwing tumatawag ako sa office niya ay ang secretary niya ang palaging sumasagot at hindi raw siyang maaaring istorbohin. Babalewalain ko lang naman ang lahat ng ito kung ako lang naman ang maaapektuhan, pero may anak kami. Nangangailangan ng attention ng isang ama ang anak namin, but my husband is focusing all his attention on his other woman.
At iyon ang hindi ko matanggap.
Pero ano ba ang dahilan at nagawa ito sa akin ng asawa ko? Bakit siya nangaliwa? Sadyang naghanap lang ba siya ng iba o ako ang nagkulang?
Naaalala ko pa noong nag-usap kami ng half-brother kong si Miguel George Saavedra three weeks ago. Ito 'yong panahong nagsisimula na akong magduda na may babae ang asawa ko. Gusto kong malaman kung bakit napipiling magloko ng isang lalaking may asawa na sa kanyang asawa. At alam kong ang Kuya George ko ang makasasagot ng mga katanungan sa isip ko.
My half-brother got married twice. I'm not sure about the full details kung bakit naghiwalay sila ni Ate Doris, his first wife. I thought it was because of Chloe, Doris' best friend. But I was wrong dahil nandoon si Chloe sa simbahan noong maikasal muli si Kuya George as one of the guests. And she looked very happy for my half-brother. Wala si Ate Doris sa kasal but I still wished her well. After all, naging mabuting asawa siya kay Kuya.
George: Why exactly are you asking me this, Celestina?
Napapikit ako nang itanong ni Kuya George iyon sa kabilang linya.
Celestina: I'm asking for a friend, Kuya.
George: A friend, huh?
Napapikit muli ako.
Celestina: Just answer the question, Kuya.
Narinig kong nagbuntung-hininga si Kuya George sa kabilang linya.
George: Well, Doris and I realized we had a lot of differences. Natuklasan naming dalawa na iba ang hinahanap namin. Hindi namin nakita sa isa't isa 'yong hinahanap namin. Sometimes we make life decisions na sa umpisa ay hindi pa natin nakikitang mali because hindi pa natin nare-realize kung ano o sino talaga ang gusto natin.
![](https://img.wattpad.com/cover/359437465-288-k665771.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A High Maintenance Lady
General FictionSi CELESTINA BUENAVIDES-PALEAMOR, ang high maintenance lady na pagtataksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Magiging biktima ng mga maling desisyon sa buhay. Sa lahat ng kanyang mga pagkakamali, iisa lang ang hindi niya pinagsisisihan. An...