CHAPTER 14

64 2 0
                                    

THIRD PERSON POV

Paulit-ulit na naglalabas-masok sa hiyas sa pagitan ng mga hita ni Samantha ang kanyang tatlong daliri habang binabalikan sa kanyang isipan ang kanyang ginawang paghalik sa mga labi ni Brent habang lasing na lasing ito sa passenger seat ng kanyang kotse.

Hindi maitatangging nagagalak ang puso ni Samantha rahil nabigyan siya ng pagkakataong palayain ang pagnanasang kanyang nararamdaman para sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan kahit ilang minuto lamang.

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ni Samantha ang pakiramdam ng malambot na mga labi ni Brent sa kanyang sabik na mga labi. Kahit lasing na ang lalaki at hindi rumeresponde sa kanyang mga halik ay hindi iyon inalintana ni Samantha at nagpatuloy lamang sa paghalik sa lalaki.

Ilang beses ding inilabas ni Samantha mula sa loob ng kanyang bibig ang kanyang dila para pasadahan niyon ang basang mga labi ni Brent. At dahil bahagyang nakabuka ang bibig ni Brent nang mga sandaling iyon kaya malaya ring naipapasok ni Samantha ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Brent at inililingkis iyon sa dila ng lalaki.

Nang umungol si Brent at akmang ipapalibot ang kaliwang bisig nito sa baywang ni Samantha ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig at agad na inilayo ang kanyang bibig mula sa mga labi ni Brent at mabuti na lamang ay mabilis ang kanyang pag-atras kaya hindi nito tuluyang naipalibot ang kanang bisig nito sa kanyang baywang.

Nagpapasalamat si Samantha na agad siyang nahimasmasan nang marinig ang ungol ni Brent dahil kung hindi ay malamang na naramdaman na niya ang bisig ng pinagpapantasyahang lalaki na nakapaikot sa kanyang baywang. At sigurado si Samantha na kung nangyari ang bagay na iyon ay tuluyan na siyang lulubog sa kumunoy ng temptasyon at maaaring hindi na muling makaahon pa.

Ang mga labi ni Brent ay sapat na para magwala ang buong sistema ni Samantha dahil sa sobrang init na kanyang nararamdaman mula sa mga iyon.

Paano na lang kaya kung naramdaman pa ni Samantha ang matigas na bisig ni Brent sa kanyang malambot na baywang? Baka tuluyan nang sumirit ang kanyang mga katas at magkalat sa loob ng kanyang kotse?

Kaya naman nakahinga ng maluwang si Samantha nang makitang nailayo na niya ang kanyang katawan mula sa katawan ni Brent bago pa man siya nito mayakap. Dahil kung nangyari iyon ay paniguradong mas magiging madiin ang paghuhugpong ng kanilang mga labi at maaaring magising na rin ang diwa ni Brent mula sa kalasingan at makita nitong siya ang kahalikan nito.

At kung ganoon nga ang nangyari, hindi alam ni Samantha kung paanong ipaliliwanag kay Brent na nakikipaghalikan siya rito. Na sinasamantala niya ang kahinaan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan.

May posibilidad ding malaman ni Celestina ang tungkol sa bagay na iyon at iyon ang hindi gustong mangyari ni Samantha. Ang malaman ng kanyang best friend na pinagnanasaan niya ang asawa nito at magalit ito sa kanya.

Mahal na mahal ni Samantha ang kanyang kaibigang si Celestina at itinuturing na niya itong kapatid. Hindi niya gustong masaktan ito sa kahit anong paraan dahil sa tuwing nasasaktan si Celestina ay nasasaktan din siya.

Kaya naman ang maling nararamdaman ni Samantha para sa mister ng matalik na kaibigan ay kailangan niyang panatalihing lihim sa lahat ng tao. Kailangan niyang pigilin ang init na nag-uumapaw sa kanyang buong sistema sa tuwing nasa malapit lamang si Brent.

Kailangang hindi magpatangay si Samantha sa tawag ng laman.

Ngunit para sa isang taong katulad ni Samantha na pumasok na sa napakaraming relasyon at lahat ng iyon ay nauwi sa wala rahil lamang sa hindi naibigay ng mga lalaking kanyang nakarelasyon ang kanyang pangangailangan sa kama bilang babae ay sadyang napakahirap ang lumayo mula sa tuksong hatid ng lalaking sa tingin ni Samantha ay siya nang makapagbibigay ng kanyang hinahangad na satisfaction sa ibabaw ng kama.

I'm In Love With A High Maintenance LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon