CELESTINA's POV
Alas onse y medya.
Nanlalambot ang aking mga tuhod na umakyat ng malaking hagdan patungo sa ikalawang palapag ng malaking bahay namin ng asawa kong si Brent.
Pagmamay-ari ng angkan ni Brent ang malaking bahay na ito. Ang malaking bahay na ito ay nagmula pa sa kanyang lolo at lola sa tuhod. Napunta ang bahay na ito sa aking asawa nang pumanaw ang kanyang ama rahil sa sakit na cancer ilang buwan matapos ang ikalawang kaarawan ng aming anak na si Abigail.
Ang ina ni Brent ay pumanaw bago pa man kami maikasal. Naikwento sa akin ng aking amang si Daddy Alfredo na sumama ang ina ni Brent sa ibang lalaki noong bata pa lamang ang aking asawa. Mag-isang itinaguyod si Brent ng kanyang ama hanggang sa siya ay lumaki.
Malapit na magkaibigan ang aking ama at ang ama ni Brent na si Sean simula noong mga bata pa lamang sila. Isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ng aking ama ang ama ni Brent. Alam ng ama ni Brent ang tungkol sa amin ng aking ina.
Kahit kailan ay walang binanggit ang ama ni Brent tungkol sa amin ng aking ina sa legal na asawa ni Daddy Alfredo. Kahit na ba nahihirapan ang kalooban ng ama ni Brent sa tuwing iniisip na niloloko ng aking ama ang legal nitong asawa.
Alam ng ama ni Brent ang pakiramdam na maiwanan ng asawa, kaya siguro nanatili itong tahimik para hindi masaktan ang ina ng aking half-brother na si Kuya George.
Pero ang lahat ay may hangganan. Dumating ang panahon na kinailangan ni Daddy Alfredo na ipakilala kami ni Kuya George sa isa't isa.
Hindi ganoon kaganda ang naging reaksyon ng legal na asawa ni Daddy Alfredo nang malaman ang tungkol sa amin ng aking ina. Mabuti na lamang ay buong puso akong tinanggap ng aking half-brother. Unang pagkikita pa lang namin ni Kuya George ay magaan agad ang loob namin sa isa't isa.
Kasal na kami ni Brent nang personal kong makilala si Kuya George. Polite naman ang pakikitungo nina Brent at Kuya George sa isa't isa. May pakiramdam akong hindi nila gusto ang isa't isa ngunit mas piniling huwag ipaalam sa akin.
Totoo nga siguro iyong sinasabi nila na minsan may nakikilala tayong mga tao na mabigat agad ang pakiramdam natin sa kanila kahit hindi pa natin sila ganoon kakilala. Marahil ay sina Brent at Kuya George ang halimbawa niyon.
Ipinagkasundo kaming dalawa ni Brent ng aming mga ama. Syempre ay tumutol ako rahil nang mga panahong iyon ay magkasintahan na kami ng aking pinakamamahal na si Jay-R na tanging ang Yaya Nimfa ko at pamilya ni Jay-R ang nakakaalam.
Sinabi ko sa aking ama na bigyan ako ng sapat na panahon para makapag-isip dahil hindi biro ang usaping pagpapakasal. But the truth was I was just buying my time at hinihintay na maging maayos ang lahat sa amin ni Jay-R para kapag ipinakilala ko na ito sa aking ama ay hindi na ito tumutol pa sa aming relasyon.
Naramdaman ko rin namang hindi ako ganoon kagusto ng ama ni Brent para sa anak nito rahil siguro ay anak ako sa labas ng aking ama at naaalala nito sa aking ina ang naging kalaguyo ng asawa nito. Marahil ay pinagbigyan lang ang kapritso ng aking ama na matalik nitong kaibigan.
Ang ama pa mismo ni Brent ang nagsabi na hindi na uso ang fixed marriage sa panahon ngayon at hayaan kami ni Brent sa kung sino ang gusto naming pakasalan.
Pero si Brent ay nakitaan ko agad ng pagkakaroon ng interes sa akin. He made it so obvious na halos palagi na siyang nasa bahay namin ni Mommy at nahihirapan na kaming magkita ni Jay-R.
Akala ko ay magiging okay na ang lahat. Akala ko ay handa na kami ni Jay-R na ilantad ang aming relasyon sa aking mga magulang. Akala ko ay buo na ang aking loob na pakasalan ang lalaking mahal ko.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A High Maintenance Lady
Ficción GeneralSi CELESTINA BUENAVIDES-PALEAMOR, ang high maintenance lady na pagtataksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Magiging biktima ng mga maling desisyon sa buhay. Sa lahat ng kanyang mga pagkakamali, iisa lang ang hindi niya pinagsisisihan. An...