THIRD PERSON POV
Itinuon ni Celestina ang kanyang paningin sa mga taong naroon sa isang sulok ng kanilang likod-bahay ng asawang si Brent. Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil kasama niya ngayon sa kanyang espesyal na araw ang dalawa sa mga taong mahahalaga sa kanyang buhay.
Ilang linggo na ang lumipas mula nang matuklasan ni Celestina ang pagtataksil ng kanyang asawa. Ilang araw na ring sinusubukan nina Celestina at Brent ang ayusin ang kanilang nagkalamat na relasyon.
Mula nang puntahan ni Celestina ang kanyang pinsang si Sophie sa bahay nito ay nakita niya ang unti-unting pagbabago sa kanyang mister na si Brent.
Hindi na nag-o-overtime sa trabaho si Brent at hindi na rin ito pumapasok tuwing weekend. Nang minsang i-check ni Celestina ang cellphone ng kanyang asawa ay nakita niyang wala nang password iyon.
Wala na ring naaamoy na pambabaeng perfume si Celestina sa mga long-sleeved polos ni Brent. Hindi na rin niya nakikita ang asawang pasimpleng lumalayo sa tuwing may tumatawag dito o kung may nagpapadala man ng mensahe.
On time na kung umuwi si Brent ng kanilang malaking bahay ni Celestina at palagi na ito may oras para sa kanya at sa kanilang anak na si Abigail.
Natutuwa si Celestina sa kanyang nakikitang efforts mula kay Brent. Pinatunayan nito ang ipinangako sa kanyang gagawin ang lahat para muling makuha ang kanyang tiwala.
Brent: I promise you, hon. I will show you how much I love you. I will earn your trust again.
Alam ni Celestina na hindi na dapat siya magtiwala pa kay Brent matapos nitong magtaksil sa kanya dahil lamang naakit ito ng isang babae and worst ay naudyukan pa itong magtaksil ng kanyang pinsan sa pamamagitan ng isang kasinungalingan.
Maliban doon ay itinanggi pa ni Brent kay Celestina ang pagkakaroon nito ng higit sa isang babae. Hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang babaeng kausap ni Brent sa phone nito na sigurado siyang hindi ang naging babae nitong si Queenie.
Sapat na ang mga bagay na iyon para hindi na muling pagkatiwalaan ni Celestina si Brent ngunit sa tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang tungkol sa kanilang anak ay hindi niya maiwasang alalahanin ang magiging buhay nito kung sakaling magdesisyon siyang hiwalayan ang ama ni Abigail.
Sa totoo lang ay may mga oras na nahahati ang puso ni Celestina kung ano nga ba ang kanyang dapat na gawin para sa ikabubuti ng kanyang anak. Kadalasan ay sinasabi niya sa kanyang isipan na ang manatili sa kanilang pagsasama ni Brent ang pinakatamang desisyon para sa kanyang anak dahil sa ganoong paraan ay mabibigyan niya ng isang buong pamilya si Abigail.
Ngunit kung paiiralin ni Celestina ang kanyang pagiging high maintenance ay siguradong wala na roon sa kanilang malaking bahay ang kanyang asawang si Brent. Pero hindi na lamang tungkol kay Celestina ang bagay na iyon. May anak na siya at hindi pwedeng sarili lamang niya ang kanyang isipin pagdating sa usapin ng kanilang pagsasama ni Brent.
Ngayong may pamilya na si Celestina ay malaki na ang nagbago sa kanya mula sa pagiging isang full-fledged high maintenance lady.
Kaya naman malaking parte ng isipan ni Celestina ang mas gustong manatiling kasal kay Brent dahil iyon ang sa tingin niyang magpapasaya sa kanilang anak. Hindi na baleng magtiis si Celestina sa pakikisama sa lalaking minsan nang nagtaksil sa kanya, ang mahalaga ay hindi masira ang pamilya ng kanyang anak.
Lalo na ngayong nakikita ni Celestina na ginagawa ni Brent ang lahat ng bagay para muling ibalik sa rati ang lahat kahit pa nga ba alam ni Celestina sa kanyang sarili na imposible nang mangyari iyon.
Kahit pa hindi iniibig ni Celestina ang kanyang asawa ay alam niyang hindi na maibabalik ang buong tiwalang ipinagkaloob niya kay Brent noon. Kung muli man siyang magtiwala rito ng buong-buo ay panahon na lamang ang makapagsasabi.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A High Maintenance Lady
General FictionSi CELESTINA BUENAVIDES-PALEAMOR, ang high maintenance lady na pagtataksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Magiging biktima ng mga maling desisyon sa buhay. Sa lahat ng kanyang mga pagkakamali, iisa lang ang hindi niya pinagsisisihan. An...