CHAPTER 8

115 4 0
                                    

CELESTINA's POV

I'm shaking.

I'm shocked.

Nanginginig ako sa pagkagulantang.

Nakabalik na ako rito sa loob ng master's bedroom matapos mag-eavesdrop sa pakikipag-usap ng aking asawang si Brent sa kung sinumang kausap niya sa kanyang phone.

Habang pinanonood ko ang paglangoy sa swimming pool ng aking mag-ama kanina ay nakita kong biglang inihabilin ni Brent ang aming anak na si Abigail sa babysitter nitong si Nana Sarita.

Kasunod niyon ay pumasok sa loob ng malaking kabahayan si Brent bitbit ang kanyang phone. Agad akong nagduda kaya naman mabilis akong lumabas ng master's bedroom para sundan kung saan pupunta si Brent.

Nakita kong pumasok si Brent sa loob ng kusina at doon ay may kinausap siya sa kanyang phone na nasisiguro kong isang babae.

At base sa usapan ni Brent at ng babaeng iyon ay mukhang gustong makipagkita ng babae kay Brent ngayon, but because I caught him with another woman yesterday  kaya ayaw muna ni Brent na makipagkita sa kanyang kausap sa phone to gain my trust back.

The audacity of Brent to have not just one but two women behind my back.

Yes, I thought that maybe I deserve this betrayal from Brent dahil hindi ako nagpakatotoo sa aking sarili noon and still married him even though I didn't love him.

Pero paulit-ulit ko rin namang naiisip that I tried to love Brent back in my own unique way.

I didn't cheat on Brent, did I?

Oh yes, emotionally cheated on him, I guess. By keeping the man I love, Jay-R, in my heart through all the years Brent and I have been together.

Pero kahit kailan ay hindi ko ipinaramdam kay Brent na hindi ko siya mahal.

I've been a good wife to Brent, a good mother to our daughter.

Dahil alam kong once we got married, may obligasyon na ako kay Brent bilang kanyang legal wife.

I didn't physically cheat on Brent.

Maybe you were just trying to justify yourself?

I ignored that little voice inside my head.

Okay, loving another man who isn't my husband is one thing, but acting on it is a whole different story.

Iyon ang pagkakaiba namin ni Brent. Emotional cheating is different from physical cheating.

You're such a hypocrite, Celestina.

Argh!

Bakit ba ayaw manahimik ng boses na iyon sa aking isipan?

Justifying myself?

Of course not.

Okay, let's say, Brent and I cheated on each other. At least ako I'm still trying to do what is right for our marriage. I'm still trying my best to love Brent back sa paraang alam ko.

But how about Brent?

Brent has two mistresses at kasasabi niya lang sa kausap niya kanina na hindi muna siya makikipagkita rito para bumalik ang tiwala ko sa kanya.

And then what?

Kapag pinatawad ko si Brent ay babalik ulit siya sa mistress niya?

At hindi ko hahayaang mangyari iyon.

I won't totally destroy our marriage just because of Brent's itchiness between his thighs.

Hindi ko hahayaang masira ang pamilyang perpekto sa paningin ng aking anak.

I'm In Love With A High Maintenance LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon