CELESTINA's POV
Alas diyes ng gabi.
Sigurado akong tulog na ang aking anak. My daughter Abigail. Still a child. Hindi deserve ng bata ang madamay sa problema ng parents nito.
Iginala ko ang aking paningin sa buong kabahayan. I assume tulog na rin ang asawa kong si Brent.
Matapos kong umiyak nang umiyak sa loob ng flower shop ng aking best friend na si Samantha, we decided to order foods for our dinner. Doon na rin kami kumain sa loob ng flower shop nito. Matamlay akong kumain. Tahimik lang. Nag-iisip. And my best friend Samantha was just there looking at me while she was taking her own dinner.
I appreciate na nirespeto ni Samantha ang pananahimik ko. Mukhang ito rin naman ay may sariling iniisip. Kahit nakatingin ito sa akin ay alam kong wala sa akin ang isip nito. I wonder what she was thinking earlier. Hindi kaya may problema rin ang best friend ko?
Tumingala ako at humugot ng malalim na paghinga. This day is so exhausting. I feel like my energy was fully drained.
Kanina habang nagdi-dinner kami ni Samantha ay naisipan kong padalhan ng message ang nanny ni Abigail. Si Nana Sarita. Sinabi ko ritong pakainin na si Abigail at patulugin nang maaga. Sinabi ko ring sa labas na ako nag-dinner kasama ang kaibigan at mamaya pa makakauwi. Pagkatapos kong i-send ang message na iyon ay ilang minuto lang nang may tumawag sa akin. Numero ni Nana Sarita. Gusto pala akong kausapin ng anak ko.
Naalala ko pa kung paano kong pinigilan ang aking sarili na mapaluha habang kausap si Abigail.
Celestina: Hello, sweetie?
Matagal bago nagsalita ang anak ko mula sa kabilang linya.
Abigail: Hello po, Mommy. Nana Sarita told me you'll get home late.
Pumikit ako ng mariin. Pinipigilan ang aking sarili na mapaiyak. I don't want my daughter to worry about me.
Celestina: Ye-yes, sweetie. I'm with Tita Samantha. You-you know naman na matagal na kaming hindi nagkikita, right? Next time I'll take you with me kapag bibisitahin ko ulit siya.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Thank goodness I didn't have to lie to my daughter.
Abigail: Of course, Mommy. I already miss Tita Samantha. Hug and kiss her for me, Mommy.
Dinig na dinig ko ang saya at excitement sa tinig ng boses ng aking anak at ayaw kong mawala iyon.
Celestina: O-of course, sweetie. Eat ka na, ha?
Matagal bago muling nagsalita si Abigail mula sa kabilang linya.
Abigail: Yes, Mommy. Kahit po mag-isa lang akong kakain cause Daddy said he's tired. He's in your room right now. I guess he's already sleeping.
Nahimigan ko ang lungkot sa tinig ng boses ni Abigail at ayoko nang dagdagan pa iyon.
Abigail: Maybe I'll just ask Nana Sarita to eat with me.
Narinig kong humagikgik si Abigail mula sa kabilang linya. Narinig ko ring tumatawa si Nana Sarita. Dahil doon ay napangiti ako.
Celestina: Okay, sweetie. Ask Nana Sarita to eat with you. Be good.
Narinig kong muling tumawa si Abigail.
Abigail: No problem, Mommy. Take care po, you and Tita Samantha. Bye. Love you.
Narinig kong nag-kiss sound ang aking anak kaya naman ginaya ko ito kahit parang sasabog na ang mga luha ko.
Celestina: Love you too, sweetie.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With A High Maintenance Lady
General FictionSi CELESTINA BUENAVIDES-PALEAMOR, ang high maintenance lady na pagtataksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Magiging biktima ng mga maling desisyon sa buhay. Sa lahat ng kanyang mga pagkakamali, iisa lang ang hindi niya pinagsisisihan. An...