Prologue

145 6 0
                                    



Kasalukuyan akong humihigop ng kape dito sa desk ko. Buong maghapon na akong nakaharap sa aking computer dahil marami ang kailangang asikasuhing mga papeles dito sa kompanya.

I'm Devlin Eloweth Cordova at isa ako sa mga empleyado ng Savedra Group—isa sa mga pinakamalaking kompanya sa aming lugar. Pinaghirapan kong makapasok dito dahil mahigpit talaga sila pagdating sa paghire ng mga tauhan. Sa awa ni Papa God ay natanggap naman ako at ito ako ngayon, kulang sa tulog at may nagbibigatang eyebags. Parang tumitimbang ata 'to ng 50 kilos. Joke!

Nagsisimula nang bumigat ang talukap ng mga mata ko at malapit na akong makatulog nang biglang may bumanggit sa apelyido ko.

“Miss Cordova!” napabalikwas naman ako dahil sa sigaw ng sekretarya ng Presidente ng company namin.

“P-Po?" Sorry po.” paumanhin ko.

“Bingi ka ba miss Cordova? Kanina pa kita tinatawag.” saad nito.

Huh? Kanina pa ba? Parang 'di naman.

“Tsaka punasan mo nga yang laway mo, malapit nang bumagsak.” dagdag pa nito na ikinalaki ng mga mata ko. Agad kong kinapa ang gilid ng labi ko at pucha may laway nga! Agad ko itong pinunasan at inayos ang sarili ko.

“S-Sorry po, ma'am. Hindi ko po agad kayo narinig hehehehe.”

Tulog ka, paano mo ako maririnig?” taas-kilay nitong tanong, nagpeace sign na lamang ako para wala nang maraming daldal. Umirap naman siya at muling tumingin sa akin. Pinapatawag ka sa taas.”

“Po?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Pinapatawag ka sa taas. Maglinis ka nga ng tenga mo. Tsk!” nauubusan ng pasensyang saad nito.

Narinig ko naman ang sinabi niya. Sadyang hindi lang ako makapaniwalang pinapatawag ako ni Sir Savedra dahil nga never pa akong nakaakyat doon sa top floor. Kung may papipirmahan ako ay dinadaan ko lamang sa mga staff at sila na ang bahalang magdala ng mga papeles sa taas.

“Sige po, ma'am. Susunod po ako.” naeexcite na parang kinakabahan kong tugon. Umalis naman siya at sumakay sa elevator.

Pumunta ako sa CR at tinignan ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang buhok ko at naglagay ako ng kaunting powder sa mukha ko. Tinignan ko rin kung may gusot ang uniform ko at marahan itong pinagpag.

Nagmamadali akong pumunta at sumakay sa elevator dahil nakakahiya naman kung paghihintayin ko si Sir Savedra. Nang makarating na ako sa top floor ay medyo binagalan ko ang paglalakad palabas ng elevator. Mabuti na lang at hindi ako naligaw dahil may mga nakalagay namang pangalan ang mga room na naroon.

Huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng opisina. Agad ko namang nakita si Sir Savedra na nakaupo sa harap ng kaniyang desk.  Yumuko ako at bumati. Good afternoon, sir. Pinatawag niyo raw po ako.” nakangiti kong sambit.

“Ah, yes. Miss Cordova, I appreciate your hardwork and patience while working here in our company. In fact, you are one of our best employees. I'm sure that you really like your job based on your performance.” nakangiti at mahabang sabi ni Sir.

Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa mga sinabi niya. “Thank you, sir.”

Because of that, I know that kahit saang trabaho kita ilagay, I'm sure that you'll do well.” dagdag niya.

Hindi naman sa pagiging assuming pero feeling ko ito na ang hinihintay kong promotion.

Dapat na ba akong magpareserve sa eat all you can buffet para sa celebration? Sino kayang iimbitahan ko para sa thanksgiving party? Saang restaurant kaya ako magpapareserve? Bukas kaya or mamayang—

Hindi ko na natapos ang iniimagine ko nang biglang magsalita muli si Sir.

“I would like to reassign you to a new job. I want you to look after my youngest grandson.”

“Po?” parang bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Pero kung pakikinggan ang sinabi nito ay hindi ko mahihimigang utos iyon. Parang humihingi siya ng pabor.

“My grandson lost his smile a long time ago and I am confident that you're able to bring it back.”

“Pero bakit po ako?” puno ng pagtataka kong tanong.

“Because I can see that you have a pure soul. I hope you can grant this request.” may halong pakiusap na sabi niya.

Sandali akong nag-isip. Kung tatanggapin ko ang offer ni sir, magkakaroon ng bagong plot twist ang buhay ko. Mahilig din ako sa bata at baka malaki ang kikitain ko kapag tinanggap ko yung job offer na 'to.

Tinignan ko si sir at dahan-dahang tumango. “Sige po, sir. Payag po ako.” agad siyang ngumiti sa akin.

“Pwede ka bang magstart tomorrow? Ipapasend ko kay Miss Sanchez ang address.”

“Pwede po, sir.” nakangiti kong tugon.

“Thank you, miss Cordova. Dodoblehin ko ang sahod mo.” agad na lumapad ang ngiti ko. Feeling ko yayaman na ako nito.













——————————


DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning : Typographical and grammatical errors ahead.

PLAGIARISM IS A CRIME PUNISHABLE BY LAW.

-All Rights Reserved
-Copyright (2023)

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon