Five: Six
My Best Friend's DadIlang araw na mula nang mangyari ang insidente sa bahay ng kaibigan kong si Kirra. Ilang araw na ring nagtataka ang kaibigan ko sa pagiging tahimik ko mula nang balikan na ng klase.
Hindi naman na bago kay Kirra ang pananahimik ko, kaya nga lang ay napapansin nitong napapadalas na ang pagkakatulala ko sa kawalan habang malalim ang iniisip sa tuwing magkakasama kami. Katulad ngayon.
“Besh, sure ka ba talaga na okay ka lang? You've been spacing out kasi lately e. Family problems ba?” halata sa boses nito ang pag-aalala at mabini pang hinaplos ang braso.
Oo, besh. Family problem nga, kaso hindi naman sa pamilya ko kundi sa inyo. Specially sa tatay mo.
Iyon sana ang gusto kong sabihin, ngunit kinagat ko na lamang ang loob ng pisngi ko at tipid itong nginitian saka marahang ipinilig ang ulo. Ayoko naman na masira ang magandang imahe ni Tito Sarev sa anak n'ya, kahit na sa akin ay sirang-sira na.
Matapos itong ngitian ay binalik ko na lamang ang pagkakatingin sa malawak na field ng campus namin. Narinig ko naman ito na humugot ng malalim na paghinga tanda ng pagsuko nito sa pagkuha ng nais na sagot mula sa akin.
Napalunok na lamang ako dahil sa nararamdamang guilty. Guilty dahil kahit gustong-gusto ko mang magkwento sa kan'ya ay hindi pwede. Ayoko na magkasira sila ng tatay n'ya nang dahil lang sa 'kin na three months ago pa lang naman n'ya nakilala.
“Nga pala, Hon, sabi ni Dad ay s'ya raw susundo sa 'kin mamaya. Sabay ka na, ah?”
Pinilit kong hindi ipakita ang totoong reaksyon sa binanggit na iyon ni Kirra. Masyado pa rin talaga kasi akong apektado ng nangyari nung weekend. Na kahit pagbanggit lang kay Tito Sarev ay umiiba na ang pakiramdam ko. Animo babaliktad ang sikmura ko sa sobrang pagkabalisa na halos ikaiyak ko na lang.
“Besh?” kuha nito ng atensyon ko dahil sa sobrang pananahimik ko na naman.
Inaayos ko naman ang ekspresyon ng mukha bago binalingan ang nakakunot-noo na si Kirra. Nangingilatis ang mga mata nitong pumukol sa akin na sinalubong ko na lamang ng peke subalit malawak na ngiti.
Kumakabog na naman tuloy ang dibdib ko lalo na't kopyang-kopya ni Kirra ang ekspresyon ng seryoso at nagtatakang mukha ng tatay n'ya.
“Sa susunod na lang siguro, Kir. Tinawagan kasi ako kanina ni Ate Lency, dadaanan na raw ako dahil sa labas kami magdi-dinner na pamilya.”
Totoo naman iyon at ipinagpapasalamat ko rin na sumakto pa ang plano ni Ate Lency para mamaya sa pagsundo ni Tito Sarev sa anak n'ya.
Halata sa mukha ni Kirra na medyo nalungkot ito subalit agad rin namang ngumiti tanda na nauunawaan naman n'ya kung hindi ako makakasabay sa kan'ya mamaya.
Pagkatapos nga ng break time namin ay bumalik na kami ni Kirra sa kan'ya-kan'ya naming classroom. Sa iisang program lang naman kami ni Kirra kaso nga lang ay mas ahead ako sa kan'ya ng isang taon. Pero hindi naman iyon naging rason para hindi mag-click ang personality namin.
Parehong ala sais ang huling klase namin ni Kirra sa araw ng Huwebes kaya sabay na rin kaming lumabas ng campus para maghintay sa kan'ya-kan'yang sundo namin. Nagkukwento nga ang kaibigan ko tungkol sa kaklase n'yang nag-drop daw dahil sa personal reasons nang mapatingin kaming pareho sa black matte na 4x4 na huminto sa tapat ng bench na kinauupuan namin ni Kirra.
Agad na pumukol ang tingin ko sa taong bumaba mula sa driver's seat niyon at naglakad patungo sa harap namin.
“Dad!” agad namang tayo ng kaibigan ko nang makilala na ang tatay n'ya pala iyon.
Binaba naman ni Tito Sarev ang Ray-Ban na suot nito ang isinabit iyon sa neckline ng polo shirt na suot n'ya. Mabilis ding gumuhit ang ngiti sa labi nito nang makalapit na si Kirra sa kan'ya. Pinanood ko lang ang paghalik ni Kirra sa pisngi ng tatay nito at saka kinumuata kung kumusta ang araw nito.
Kita ko naman ang pagbaling ng tingin sa akin ni Tito Sarev matapos nitong sagutin ang tanong ni Kirra. Agad naman akong umiwas ng tingin at napatapik-tapik na lamang ng paa sa sementong daan sa kabang lumulukob sa damdamin ko.
“Hon, come here!” tawag sa akin ni Kirra nang mapansin nitong hindi ako sumunod nang pagsalubong sa tatay n'ya.
Napahugot na lamang ako ng malalim nq paghinga bago pinilit ang sarili na tumayo mula sa bench at lumapit sa mag-ama. Hindi mapakali ang mga matang tumingin ako kay Tito Sarev sa takot na salubungin ang mga mata nitong titig na titig sa akin.
“Kumusta po, Tito?” ani ko havang nakatingin sa baba nito.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa labi nito lalo na gumuhit ang tipid at tila nasasaktang ngiti ni Tito Sarev. Napalunok na lamang ako ng laway at iniwas ang tingin rito dahil sa naramdamang kirot sa dibdib nang makita ang ngiti nitong iyon.
“I'm fine, ba—Honey. How are you doing?”
Nanlaki na lamang ang mga mata ko dahil hindi nakaligtas sa pandinig ko ang muntik na nitong matawag sa 'kin. Pasimple ko pang sinulyapan si Kirra na mukhang hindi naman iyon napansin dahil nakatutok ang tingin nito sa bagong sasakyan ng tatay n'ya.
“O—Okay lang din po, T—Tito,” naipikit ko na lamang ang mga mata habang nakayuko ko s'yang sinagot.
Wala na itong sunod pang sinabi at inaya na lamang si Kirra na sumakay na. Hindi na ako sumunok pang tumingala sa kan'ya hanggang sa mawala na ito sa harapan ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang nakakunot-noong si Kirra saka sumunod ang tingin nito sa tatay n'ya na pabalik na sa truck nito.
“Is there something you don't wanna tell me about between you and my dad, Hon?”
Agad akong umiling-iling at alanganing nginitian ang kaibigan. Kahit na parang gusto nang lumabas ng puso ko sa dibdib ko dala ng sobrang kaba.
“Wala, Kir. Ano ba naman yang pinagsasabi mo?” sinundan ko pa iyon ng pagak na pagtawa dahilan para mas lumalim ang guhit sa noo ni Kirra.
Naku naman. Ngayon pa ba talaga ako mabubuko?
“Are you su—”
“Kirra, get in the car!”
Para akong nakahinga ng maluwag sa pagtawag na iyon ni Tito Sarev sa nakukuryuso na n'yang anak. Hindi ko na rin alam kung ano pang kasinungalingan ang masasabi ko sa anak n'ya kung hindi pa n'ya ito tinawag.
Ilang segundo muna akong pinagmasdan ni Kirra bago ito huminga ng malalim at nagpasyang huwag na lamang magtanong pa. Pero sigurado ako na mamaya o bukas ay tatadtarin nito ako ng tanong.
Niyakap na lamang ako ng kaibigan ko at nagpaalam na aalis na. Tanging 'ingat' na lang ang nasabi ko rito at sinundan na lamang ng tingin ang papalayong truck.
Halos sampong minuto pa nga akong naghintay nang huminto na ang sasakyan ni Ate Lency, kasama ang asawa nito at ang magulang namin, na sumusundo na sa akin. Nang makapasok sa sasakyan ay noon lang din na-relax ang katawan ko mula sa tensyong namagitan sa amin kanina ni Kirra. Nakakatakot din talaga ang babaeng iyon kapag nagse-seryoso na.
01.02.24 | 00.57
BINABASA MO ANG
Love to be Indecent | R18+
RandomWARNING: This is not a story for all. Matured content and not for audiences below 18 years of age. Please, read at your own risk. indecent. ©2024 seylisss