five: eight

4.3K 10 0
                                    

Five: Eight
My Best Friend's Dad


Warning: Mature content.
Reader's discretion is strongly advised.

“I love you more than you could ever know, baby.”

Tila sirang plakang umulit-ulit iyon sa isipan ko habang nakatitig kay Tito Sarev. Hinintay kong sabihin n'ya na hindi iyon totoo at pina-prank n'ya lang talaga ako. Pero hindi mapaglarong ngiti ang nakaguhit sa mga labi nito. Wala ring pumasok na mga taong may dalang camera sa kwarto. At higit sa halat dama ko ang malakas na tibok ng puso ni Tito Sarev nang ilapat n'ya sa ang isa kong kamay sa kan'yang dibdib.

Naipikit ko na lamang ang mga mata at hindi na mapigilang mapayakap ng mahigpit kay Tito Sarev. Mukhang nagulat naman ito subalit kalaunan ay sinuklian din ang yakap ko sa kan'ya. Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon nang walang binibitawang salita. Pinakikiramdaman lamang ang bawat tibok ng aming puso.

Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap ay muling sinapo ni Tito Sarev ang pisngi ko at mataman akong pinakatitigan. Nakagat ko na lamang ang loob ng pisngi ko nang bumaba ang tingin ko sa labi nito.

“Can I kiss you, Honey?” untag nito na ikinahigit ko na lamang ng paghinga nang masalubong ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

Tinalunton pa ng hinlalaki nito ang labi ko na bahagyang nakaawang dahilan para muling bumaba ang tingin ko sa labi n'ya. Mayamaya pa ay naipikit ko na lamang ang mga mata nang maramdaman ang paggapang ng isang palad nito sa leeg ko patungo sa batok ko. Hindi ko naman maiwasang mapahinga ng malalim dahil sa gumugupong sensasyon ng paghawak n'ya sa sistema ko.

Narinig ko na lamang ang tila nawawalan ng kontrol na mura ni Tito Sarev bago nito hinigit ang ulo ko at pinaglapat ang mga labi namin. Singhap na lamang ang tangi kong nagawa nang maramdaman ang mapaghanap at malambot nitong labi.

Habang dinadama ang labi nitong mapusok na humahalik sa akin ay naramdaman ko naman ang palad nitong nakasapo sa pisngi ko na humahaplos na pababa sa katawan ko.

“Tito...” halinghing ko na lamang nang walang sabi-sabi ay bigla na lamang akong binuhat nito at pinaupo sa kandungan n'ya.

Hindi pa rin nito pinuputol ang paghahalikan namin at nang bahagyang kong ibuka ang labi ay agad na sumulong papasok ang dila nito. Pinagtapo ng sa akin at mas malalim na pinaglaruan ang labi ko.

Hindi na rin mapakali ang mga kamay kong ngayon ay nakasabunot na sa buhok n'ya habang hinahayaan ang sarili na matupok sa umiinit na posisyon namin ni Tito Sarev. Nang maramdaman ko na ang namumukol sa pagitan ng mga hita nito ay hindi ko mapigilang maigiling at maidiin doon ang ibabang parte ko.

Pareho pa kaming napa-ungol ni Tito Sarev nang magtagpo ang namamasa ko nang pagkababae sa tila nagagalit na n'yang pagkalalaki. Manipis lang na pajama shorts ang humaharang sa suot kong panty na nakatakip sa pagkakabae ko. Ganoon din naman ang suot nitong boxer shorts na sa hinuha ko ay tanging suot n'ya lamang.

“Daddy...”

Natigilan ako, maging si Tito Sarev, sa salitang iyon na lumabas sa bibig ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang hawakan ng lalaki ang magkabila kong braso at bahagyang inalayo ang mukha ko sa kan'ya. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko masalubong ang sigurado akong mapaghusga nitong tingin sa akin.

Bigla lang naman kasi iyong lumabas sa bibig ko dala ng pag-iinit ng katawan. Hindi ko rin nga alam kung bakit.

“What did you call me, Honey?”

Para na akong maiiyak sa kahihiyan lalo na nang hinawakan nito ang baba ko upang iangat sa kan'ya ang tingin ko. Walang bakas ng panghuhusga ang mga mata nito subalit namamangha at tila kyuryuso ang nakaguhit sa mukha ni Tito Sarev. Bahagya pang nakataas ang gilid ng labi nito na tila nanunukso ang ngisi.

Love to be Indecent | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon