four: one

3.8K 11 3
                                    

Four: One
My Neighbor's Uncle

“'Ma, nag-usap na tayo kahapon, 'di ba? Akala ko ba hahayaan mo na 'yang si Papa sa babae nya—Ay puta!”

Masama kong tinignan ang lalaking hindi man lang tumitingin sa dinadaanan nito. Paharang-harang pa kasi alam nang may dadaan e.

“Teka lang, 'Ma, may kakausapin lang akong walanghiya,” paalam ko kay mama at hindi na inintindi ang sinasabi nito sa kabilang linya bago tinapos ang tawag.

Nilagay ko muna sa bulsa sa likod ng pantalon ko ang phone bago muling binalingan ang hindi man lang nag-sorry na bumunggo sa 'kin.

“Excuse me, ser! Sa'an ba tumitingin 'yang mga mata mo? Sa kisame?” naiinis kong anas dito.

Hindi ko makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ng dala nitong kahon ang halos kalahati ng itaas na katawan n'ya.

“Sa sahig, miss.”

Aba't!

“Ikaw yata ang nakatingin sa kisame habang naglalakad. Nakita mo nang may dala ako, umiwas ka na lang sana.”

At ang hayop, ang lakas ng loob pang magrason. May dala rin naman akong mga pinag-grocery-han ko ah! Ang bastos pang kausap, ni hindi man lang muna ibaba ang dala n'ya nang magkausap kami ng maayos.

“Ang kapal din naman talaga ng mukha mo e, 'no?! May dala rin naman ako, ah! Saka dinig mo naman siguro na may kausap ako kanina, kaya syempre alam mo nang may makakasalubong ka. Tang-inang 'yan!”

Nangangalaiti ko pang ibinagsak ang dalawang plastic bag na hawak ko at napapamewang na tinignan s'ya. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nito ay kumukulo na ang dugo ko sa galit.

“Kaka-cellphone mo 'yan, 'neng,” nanunuya pang wika nito sabay effortless na ibinaba ang dala nitong kahon. Wala naman sigurong laman iyon kaya madali lang nitong nailapag sa sahig. Tss.

Handa na sana akong pagmumurahin ito dahil sa sinabi n'ya subalit napanganga na lamang ako nang makita ang itsura nito.

“Ikaw?!” hindi makapaniwala kong bulalas nang mapagsino ito.

Anong ginagawa n'ya rito? E sa pagkakaalam ko nag-ibang bansa ito nang malugi ang shop namin dahil sa pambababae ni papa. Dati kasi s'yang mekaniko namin doon. At crush na crush ko rin dati kahit halos dekada ang tanda nito sa 'kin. Seven years ago naman na iyon at hindi ko na s'ya crush ngayon, 'no.

“Kumusta, 'neng? Dito ka rin pala nakatira,” nakangisi pa nitong sambit at walanghiya na pinasadahan ang buong katawan ko.

Nalukot na lamang ang mukha ko dahil sa tinawag nito. Subalit umayos naman ako ng pagkakatayo at humalukipkip habang matalim ang tingin na ipinukol sa hudyo.

“Ano naman ngayon sa 'yo? Saka excuse me ulit, ba't 'di ka pa nagso-sorry sa 'kin?” mataray kong sambulat rito. Nakataas ang isang kilay at tinignan s'ya mula ulo hanggang paa.

Tss. Wala pa ring pinagbago. Ang matcho at ang pogi pa rin.

“Baka maging crush mo ulit ako n'yan, 'neng,” nanunukso nitong wika dahil sa ginawa ko.

Napaikot na lamang ako ng mga mata at pinulot ang mga pinamili ko bago s'ya muling tinignan ng masama.

“Ineng mo mukha mo. Tabi nga!” sabay lagpas ko rito, sinadya ko pang banggain ang braso nito sa sobrang inis ko.

Hindi pa man ako umaabot sa sampong hakbang ay bigla akong natigilan nang may sinabi ito.

“Ang sexy at ang ganda mo pa rin, Mav!” dinig ko pa itong tumawa bago naglakad papalayo sa direksyon ko.

Love to be Indecent | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon