five: five

4.6K 12 2
                                    

Five: Five
My Best Friend's Dad

Mag-aala sinco na nang makauwi kami ni Kirra sa kanila. Pinatawagan na lang din ng kaibigan ko iyong isa sa mga tauhan ng tatay n'ya para magdala ng mga pinamili namin. Halos mapuno nga ang sala ng mga paper bags na naglalaman ng mga binili namin sa mall.

Napagpasyahan namin ni Kirra na bukas na lamang titignan at aayusin ang mga pinagsh-shopping namin ngayong araw. Tutal naman ay walang pasok bukas dahil holiday. Nagbihis na muna kami ng pambahay at muling bumaba upang maghapunan.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na rin si Manang Ekya na uuwi na. Muntik pa naming makalimutan iyong pinamili namin na para kay Manang kung hindi pa namin nadaanan iyong mga paper bags sa sala. Hindi pa naman nakakalabas ng bahay ang matanda dahil nagpaalam itong magbabanyo muna bago umuwi.

Nang maiabot na nga namin kay Manang ang para rito ay na-teary eye pa ang matanda. Bakit pa raw kami nag-abalang regaluhan s'ya e kasambahay lang naman daw ito.

Agad nga ring umalma si Kirra dahil kasambahay man daw ito sa bahay nila ay pamilya naman na ang turing nila kay Manang Ekya. Deserve rin naman talaga ng matanda ang regalo na iyon.

Nang makaalis na nga si Manang ay nagsiakyatan na rin kami ni Kirra sa kan'ya-kan'yang kwarto. Dahil na rin siguro sa maghapong pagsh-shopping ay agad rin akong nakatulog.

Ngunit naalimpungatan akong bigla nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng guest room. Napakunot na lamang ako ng noo at pupungas-pungas ang mga matang bumangon mula sa pagkakahiga.

Dahil hindi pa gaanong gising ang diwa ko ay parang lutang ang isipan na pinagbuksan ko ng pinto ang kumakatok. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang biglang may humapit sa batok ko at may malambot na bagay na lumapat sa labi ko.

Agad na nagising ang buong sistema ko at nanlalaki ang mga matang napatitig sa nakapikit na si Tito Sarev. Mariin nitong sapo ang likod ng ulo ko habang malumanay ang halik na ginagawad sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin habang halos magkanda-duling-duling akong gulat na nakatingin sa kan'ya. Nang tila mapansin nito ang hindi ko paggalaw ay saka lamang nito inihiwalay ang labi sa akin ngunit nanatili ang palad nito sa batok ko.

“Tito...” tanging naibulalas ko na lamang habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kan'ya.

Habol nito ang paghinga nang ngumiti at pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko.

“You okay?”

Mula sa pagkagulat ay napalitan ng pagkunot-noo ang ekspresyon ng mukha ko. Mabilis kong inilapat ang mga palad sa dibdib nito saka tinulak ang sarili palayo sa kan'ya.

Agad naman akong binitiwan ni Tito Sarev at hinayaang makalayo sa kan'ya nang mapansin ang reaksyon ko. Masama ko pa itong tinignan at naghahanap ng tamang salitang sasabihin sa kan'ya.

Kumagat-labi ito at napahaplos pa sa batok n'ya saka nangungusap ang mga matang tumingin sa akin.

“Look, Honey, I'm sorry if I fucking took you off guard. Alam ko rin na napag-usapan na natin 'to kagabi, pero tang-ina! I can't get you off my head, especially when I saw you this morning looking like you didn't have any ounce of sleep because of thinking what had happened last night. Kanina ka pa—no, kagabi ka pa hindi mawala sa isipan ko, and it's driving me fucking crazy!”

Halos hindi maproseso ng isipan ko ang mga sinabi n'ya. Pero bakit n'ya ba nasasabi ang mga iyan? Sobra na akong naguguluhan sa mga inaakto nito.

Nang akma itong lalapit sa akin ay agad akong napailing at naguguluhan s'yang tinignan.

“Hindi ko maintindihan kung bakit n'yo nasasabi ang mga iyan, Tito Sarev. Bakit? Paano? Pilit ko na ring kinakalimutan ang nangyari pero bakit ganito pa ang ginagawa mo?”

Halos hindi ko na malaman kung ano ang  reaksyon na ipapakita sa kan'ya. Naghahalo-halo na ang nararamdaman ko, kalituhan, inis, lungkot, at umaasa.

Nang dahil lang sa nangyari kagabi ay nasa ganitong sitwasyon na kami ngayon. Samantalang kahapon ko lang din s'ya nakilala.

Bumuntong-hininga ang lalaki at tila nahihirapan nang pinakatitigan ako. Kumagat-labi pa ito na tila may nais sabihin subalit parang natatakot s'ya sa magiging reaksyon ko kapag isiniwalat na n'ya. Ngunit sa huli ay tila desido na itong sabihin kung ano man ang pinag-iisipan n'yang sabihin sa akin.

“I'm really sorry, Honey. 'Yong nangyari kagabi, I know you're thinking it was an accident but it's not. Sinadya kong makita mo ako sa ganung sitwasyon dahil gusto kong makita ang reaksyon mo. I know I'm a fucking asshole for doing that to you because you're my daughter's best friend and you're way to young for me. That...that was the only way—Honey!” natigilan ito sa pagsasalita at gulat na dumaluhong sa akin nang makita akong bumagsak na lamang sa sahigm

Mabilis ang tibok ng puso ko at gulat na gulat sa mga nalaman. Hindi makapaniwala akong napatingin sa kan'ya na ngayon ay nakaupo sa tabi at hawak ang magkabila kong braso.

Hindi ko na lamang mapigilang mapaluha habang nakatingin sa kan'ya. Umuusbong ang galit sa damdamin at mga katanungan sa isipan.

Ganito ba s'ya sa lahat ng mga nagiging kaibigan ng anak n'ya. Mapaglaro ng damdamin at isipan.

“Bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin, Tito? Ganito ka ba... ganito ka ba sa lahat ng mga nagiging k—kaibigan ni Kirra? Bakit? Dahil mas bata at mas madali kaming manipulahin?” nagtatanong ang mga matang untag ko rito at naiiling na inilayo ang sarili sa pagkakahawak nito.

Bumakas sa mukha nito ang sakit at lungkot subalit hindi ko iyon pinansin. Agad kong niyakap ang sarili at nanlilisik ang mga matang ipinukol sa kan'ya.

Umiling-iling ito saka lumunok at yumuko bago nagsalita.

“No, baby. I never did that to any of my daughter's friend, sa 'yo lang, Honey. I could never do that to any of them because they are not you. I know I don't have any excuses about my actions because it was my libido that acted that way. At pinagsisisihan ko na hinayaan kong manalo ang libog kaysa maayos na paraan para makuha ang gusto ko. I'm really, really sorry, baby. But I want to know that I never did that because you're young and easy to manipulate. I know you're smarter than to be that kind of person. It was because I've been in love with you since the first time I saw you, Honey.”

Tumutulo pa rin ang mga luha na sinundan ko ito ng tingin nang tumayo na ito matapos isiwalat sa akin ang rason n'ya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa mga pinagsasabi n'ya.

In love? Sa akin? E kahapon lang naman kami nagkita. Hindi lang talaga kapani-paniwala.

“I'm not going to bother you anymore or act my feelings for you, Honey. And if you don't feel safe or comfortable because of what I did and you want to go home, I'm going to call for our driver so he could bring you home.” At dire-diretso na itong nilisan ang kwartong kinaroroonan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo na lamang ako napaiyak at napahagulhol dahil sa sinabi n'ya. Naghahati ang isipan at damdamin ko na gustong maniwala at hindi sa nararamdaman n'ya sa 'kin.

Pero bakit ako? Samantalang wala pa naman akong napapatunayan at malayong-malayo ako sa mga babaeng pwede n'yang magustuhan. Iyong kasing ganda at kasing yaman n'ya rin.

Masyadong imposible.

01.01.24 | 15.37

Love to be Indecent | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon