Five: Two
My Best Friend's Dad“Honey, si Dad nga pala. Dad, this is Honey, my best friend.”
Hindi naman halata sa pagkakangiti ng best friend kong si Kirra na masyado itong excited na ipagkilala kami ng tatay n'ya. Bahagya pa nga nitong hinatak sa braso si Tito Sarev upang magtapat kami.
Nahihiya na lamang akong pasimpleng nilakihan ng mata si Kirra na mukhang hindi man lang nito napansin bago alangan ang ngiting sinalubong ang tingin ni Tito Sarev.
Matagal ko nang kilala ang tatay ng best friend ko. Paano ba namang hindi, si Kirra lang naman ang pinaka-fan ng tatay n'ya. Proud na proud ito palagi sa tuwing nagkukwento sa 'kin ng tungkol kay Tito Sarev. Matagal na nga rin nitong gusto kaming magkakilala ni Tito kaso nga lang ay palagi namang busy ang lalaki at hindi nagtatagpo ang landas namin sa tuwing pumupunta ako rito sa kanila.
By the way, three months ago ko pa lang naging best friend si Kirra mula nang mag-transfer ito sa university na pinapasukan ko. Pero buong buhay n'ya yata ay nakwento na n'ya sa 'kin. Kaya rin siguro mabilis rin na napalagay ang loob ko sa kan'ya dahil magaan s'yang kasama, kahit na kabaligtaran ko ang ugali.
Tahimik lang kasi akong tao at hindi masyadong kinakaibigan. Okay lang naman sa akin iyon dahil hindi ko rin naman alam kung paano ba magkaroon ng kaibigan. Hanggang sa dumating na nga sa school at sa buhay ko itong si Kirra. Minsan ay hindi ko rin talaga mapigilan ang sarili na mapadaldal kapag s'ya na ang kasama, na kahit kailan ay hindi ko pa nagawa sa ibang tao.
Siguro dahil nakikinig talaga s'ya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko kapag ako naman na ang nagkukwento kahit na sobrang daldal n'ya. Na para bang manghang-mangha s'ya sa tuwing bumubuka na ang bibig ko sa tuwing may gusto akong ikwento.
Kaya hindi rin nagtagal ay naging mag-best friend na kami at heto nga, pinapakilala na n'ya ako sa tatay n'yang palaging busy sa trabaho pero mag-isang nagpalaki sa kan'ya.
“Hello po, Tito. Honey Del Fuego po pala,” nag-aalangan pa ako kung iaabot ko ba ang kamay ko rito dahil parang hindi naman nito iyon tatanggapin pero ginawa ko pa rin.
Seryoso lang ang mukha ni Tito Sarev, na kanina pa man nang bumaba ito mula sa ikalawang palapag ay ganoon na ang ekspresyon. Nangingilatis ang mga mata nitong diretsong tumingin sa mga mata ko. Nakalinya ang hindi gaano makapal na kilay na bumagay rin naman sa hulma ng mga mata nito. Matangos at prominente ang kan'yang ilong. Higit sa lahat ay tila masarap humalik ang medyo kulay rosas nitong labi.
Wala man lang parte sa mukha nito na hindi bumagay nang mapag-isa na ang bawat bahagi. Halatang natural ang gandang lalaki, kaya hindi ko na ipinagtataka ang kagandahang ipinamana nito sa best friend ko.
“I'm Sarev, and as much as I know, my daughter would have told you a lot about me. But I apologize that I couldn't stay any longer since I have a meeting to attend. Please, make yourself at home, Honey,” wika nito matapos na mabilis na abutin ang palad ko saka bumaling kay Kirra.
“Tend to your friend, Kirra. Hindi ko alam kung makakauwi ako ng maaga mamaya, sabihan mo na lang si Manang Ekya kung ano ang gusto n'yong ulam. At matulog ng maaga,” malumanay subalit istrikto nitong bilin sa anak kaya hindi ko naman mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mag-ama.
“Yes, Dad! Don't worry, ako na pong bahala rito,” magiliw naman na wika ng kaibigan ko na ikinatango na lamang ng tatay nito.
BINABASA MO ANG
Love to be Indecent | R18+
DiversosWARNING: This is not a story for all. Matured content and not for audiences below 18 years of age. Please, read at your own risk. indecent. ©2024 seylisss