Four: Two
My Neighbor's UncleNaglalagay na ako ng lipstick sa labi nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng unit ko.
“Wait lang, 'Selle!” pasigaw kong sambit sa kapitbahay ko at nang tumigil na sa pagkatok si Giselle ay tinuloy ko na ang paglagay ng lipstick.
Nang matapos ay sinukbit ko na sa balikat ang sling bag na ipinatong ko kanina sa sofa. Agad ko na ring tinungo ang pinto upang pagbuksan si Giselle.
Nakangiti pa ako nang buksan ang pinto subalit nang bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Lando ay mabilis na nabura ang pagkakangiti ko. Napahalukipkip na lamang ako at tinaasan ito ng kilay.
“Anong ginagawa mo rito? Mali yata ang pintong kinatok mo,” mataray kong pakli subalit hindi maiwasang pasadahan ng pasimpleng tingin ang postura nito.
Humahalimuyak pa ang pabango nito. At in fairness, hindi masakit sa ilong.
“Sasamahan ko kayo ni Giselle. At saka ba't ganyan ang suot mo? Naghubo ka na lang sana,” animo nanghuhusga pa nitong pinagmasdan ang suot kong crop top at skinny jeans.
Napapantastikuhan naman akong tinignan ito. Kung makatingin kasi akala mo e naka-bikini ako. At saka ano bang problema n'ya sa suot ko? Disente na nga 'tong suot ko kumpara sa mga normal na isinusuot sa bar.
Doon kasi ang punta namin ni Giselle, magwawalwal daw kami at welcome celebration ko na rin daw sa kan'ya sa paglipat n'ya sa katabi kong unit.
“Bakit? Sa suot kong 'to, nakahubo't hubad na ba ako d'yan sa paningin mo? O baka sadyang manyak ka lang talaga? Kaya kahit siguro naka-sweater ako at naka-jogging pants e magmumukha pa rin akong naka-panty at bra sa mga mata mo? Tss,” nameywang pa ako at matapang na sinalubong ang mariin nitong pagtingin sa akin. Na animo hinahalukay ng mga tingin n'ya ang buo kong pagkatao.
Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang bahagyang pagtaas ng isa nitong kilay. Umabante pa ito dahilan para mapaatras ako saka nito tinukod ang isang braso sa hamba ng pintuan bago yumukod sa akin.
Napakapit na lamang ako sa gilid ng pinto at matapang pa rin na hindi nagpatinag sa malalim nitong pagkakatitig sa akin. Kahit ramdam ko na ang panghihina ng mga tuhod at ang pagrigudon ng puso ko sa ilang pulgada na lamang na pagkakalapit ng mga mukha namin.
“Baka ikaw itong manyak at gustong maghubo't hubad sa harap ko, 'neng?” mahinang untag nito subalit dinig na dinig ko.
Tumama pa sa mukha ko ang paghinga nito at hindi ko mapigilang mapalunok nang maamoy ang amoy toothpaste nitong hininga. Bumaba pa ang malagkit nitong pagkakatingin sa labi ko at saka kumagat-labi bago muling sinalubong ang mga mata ko.
Hindi ko na namalayang lumalalim na pala ang paghinga ko at hindi ko maiwasang mapatitig din sa labi n'ya.
Ano nga ulit iyong sinabi n'ya? Manyak lang kasi ang natatandaan ko. Baka kasi namamanyak na akong halikan s'ya at yayain na lang s'yang manatili kami rito sa unit ko.
“Tiyo Jorlan, nasabihan mo na ba si Mav—Ay hala ka d'yan!”
Mabilis akong napabalik sa tamang wisyo at tarantang naitulak palayo sa akin si Lando nang marinig ang boses ni Giselle. Mabuti na lang at mas malakas sa akin ang lalaki kaya parang malaking bato ito na napahakbang lang ng ilang beses mula sa pagkakatulak ko sa kan'ya.
Nanunukso na naman tuloy ang tingin sa amin ni Giselle sabay komento ng, “Kayo ah? Baka ayaw n'yo lang sabihin sa 'kin na magjowa talaga kayo!”
Nahihiya na lamang akong umiwas ng tingin kay Giselle maging kay Lando sabay sarado at lock sa pinto ng unit ko. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na nauna na akong lumakad patungo sa elevator.
BINABASA MO ANG
Love to be Indecent | R18+
De TodoWARNING: This is not a story for all. Matured content and not for audiences below 18 years of age. Please, read at your own risk. indecent. ©2024 seylisss