Five: Four
My Best Friend's DadKinabukasan ay narinig ko na lamang ang katok sa pinto ng guest room. Hindi ako kumilos at nanatiling nakatitig lamang sa kisame ng kwarto. Mula nang bumalik ako rito sa silid ay hindi na ako muli pang nakatulog sa kakaisip ng nangyari.
Tila mas lumala pa ang nararamdaman ko habang naaalala ang nangyari. Halos kinikilabutan na ako sa sobrang hiyang nararamdaman. Hindi ko na nga rin mapigilang hindi maiyak dahil sa pag-iisip ng tungkol doon.
Gusto ko na lang umuwi sa bahay at magkulong sa silid nang hindi na muling makita pa ng mga tao. Lalo na ni Tito Sarev.
"Honey, gising ka na ba?" untag ni Kirra mula sa labas ng kwarto kaya nagpasya na akong bumangon at iwaksi na muna sa isipan ang mga iniisip.
Bumaba na ako sa kama saka pinagbuksan ng pinto ang kaibigan. Nagsalubong pa ang kilay nito nang makita ako. Alam kong halata sa mukha ko, lalo na sa mga mata ko, ang puyat.
"You didn't sleep well, no? Tinapos mo pa siguro 'yong pinanood natin kagabi e," mapang-asar na ngisi nito sa akin.
Nangingiti-naiiling ko na lamang itong iniwan sa bungad ng pinto upang pumasok ng banyo. Naghilamos lang ako ng mukha at nag-toothbrush bago kami sabay na bumaba ni Kirra. Naabutan pa namin si Manang Ekya na naghahanda na ng agahan sa kusina.
"Good morning, Manang!" magiliw na bati rito ng kaibigan ko bago umupo sa tapat ng island counter.
Mahina ang boses na binati ko rin ang matanda bago umupo sa tabi ni Kirra.
"Magandang umaga rin, mga ineng," masigla ring balik-bati nito saka inihain na ang prinito nitong hotdog at bacon sa tapat namin.
Napalunok na lamang ako ng laway nang maalala na naman bigla iyong tarugo ni Tito Sarev pagkakita ko sa hotdog. Ang liit nito kumpara sa nakita ko kagabi.
Pero bakit ko naman iyon kinukumpara sa pagkain? Pero sa pagkakaalam ko e kinakain din naman iyon.
Naipikit ko na lamang ang mga mata at pinilig ang ulo. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko dahil lang sa aksidente kong nakita ang pribadong bagay tungkol kay Tito Sarev.
"Okay ka lang ba, iha?"
Tipid kong nginitian si Manang Ekya saka tinanguan bilang tugon sa tanong nito. Sandali akong nitong pinagmasdan nang tila hindi kumbinsido sa naging sagot ko.
Mas nilapadan ko tuloy ang ngiti bago sinabing, "Ayos lang po ako, Manang. Medyo kulang lang po kasi sa tulog," ani ko sabay tusok ng tinidor sa hotdog at inilagay iyon sa plato ko.
"Naku, Manang, tinapos pa kasi n'yang panoorin iyong pinanood namin kagabi. Baka nga may iba pang pinanood kaya nangangapal sa eyebag ang mga mata dahil sa puyat," sinundan pa iyon ng tawa ni Kirra ngunit iba ang dating sa akin ng huli nitong sinabi.
Kung alam mo lang, Kirra. May iba talaga akong pinanood kagabi.
Kahit na alam ko namang pelikula ang ibig nitong sabihin.
Sumubo na lamang ako ng pagkain at pilit na winaksi sa isipan ang imaheng pilit na nagsusumiksik sa kukote ko.
"Good morning."
Muntik ko nang mailuwa ang kinakain nang bigla akong mabulunan nang marinig ang boses na iyon ni Tito Sarev. Agad kong inabot ang baso ng tubig upang maibsan ang bara sa lalamunan ko. Nang makahinga ng maayos ay pasimple ko na lamang na binalingan si Tito Sarev na kumuha naman ng tasa sa kinalalagyang niyong cupboard.
"Good morning, Dad. How's your sleep?" bati rito ng kan'yang anak.
Nang humarap ito sa amin ay hindi man lang halata sa mukha nito ang hindi magandang kaganapan sa pagitan namin kagabi. Mukhang ako lang talaga yata ang apektadong-apektado dahil sa nangyari.
"I sleep just fine, sweetheart. How about you two?" sumulyap pa ito sa anak at sunod sa akin.
Bahagya itong natigilan sa pagtitimpla ng kape nang magsalubong ang mga mata namin. Saglit na pinagmasdan nito ang mukha ko bago binalik ang tuon sa ginagawa.
"I sleep just fine too, ewan ko lang po rito kay Honey. Mukhang may pinagpuyatan yata kagabi e," mapang-asar ang tono ni Kirra kaya nakatanggap tuloy ito ng masamang tingin mula sa 'kin.
Imbes na mainis sa reaksyon ko ay malakas lamang itong natawa kaya hindi ko na lamang mapigilang mapangiti sa pagiging mapang-asar nito.
"Hindi nga halata," mahinang tawa rin ni Tito Sarev kaya sinamaan ko rin ito ng tingin.
May kung anong kislap ang mga mata nitong sumalubong sa akin kaya agad rin akong umiwas ng tingin at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Natapos kaming mag-agahan na halos ang mag-ama lang ang nagkukwentuhan. Mukhang lahat yata ng traits meron si Kirra ay namana n'ya sa tatay n'ya.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong kung minsan ba ay nami-miss din ni Kirra ang nagluwal sa kan'ya. Para naman kasing hindi lalo na at napupunan naman ni Tito Sarev ang pagiging magulang nito sa kan'ya. Halata rin namang close na close silang mag-ama.
.
"Bye, Dad. Thank you sa paghatid," ani Kirra at humalik sa pisngi ni Tito Sarev bago nakangiting bumaling sa akin na katabi nito sa back seat ng sasakyan ng tatay n'ya.
"Let's go!" aya nito at nauna nang bumaba ng sasakyan.
Tinignan ko muna mula sa rearview mirror si Tito Sarev at nagpasalamat na rin sa paghatid nito sa amin sa mall.
"Mag-iingat kayo at 'wag masyadong magpapagabi," anito na ikinatango ko na lamang bago sumunod kay Kirra.
Nang makapasok na kami sa mall na pag mamay-ari ng tiyahin ni Kirra ay hinatak na ako nito patungo sa bilihan ng mga damit. Ang kaibigan ko na rin mismo ang pumili ng mga damit para sa 'kin dahil nahihiya naman akong mamili lalo na kapag nakikita ko ang presyo ng bawat nahahawakan kong damit.
Tila naman sanay na sanay na ang kaibigan ko at hindi na ito nag-aabala pang tignan ang price tag ng mga damit na gusto nito. Pinasukat lang din sa akin ni Kirra ang mga damit na napili n'ya para sa akin. Hinayaan n'ya rin naman akong magdesisyon kung alin ang mga gusto ko sa napili n'yang bumagay sa 'kin.
Syempre iyong mga simple lang at hindi kamahalan na mga damit ang kinuha ko. Nakakahiya naman kung masyado akong maging oportunista, kahit kusang loob naman na bigay ang mga iyon sa akin ni Kirra.
Halos dalawang oras kami sa boutique na iyon at tanghalian na nang lumabas kami. Pinaiwan na muna ni Kirra ang mga damit na naka-paper bags naman na para hindi raw hassle kung dadalhin pa namin. Ipapakuha na lang daw n'ya iyon mamaya.
Puro sana all na nga lang ang nasasabi ko sa isipan ko e. Kung kasing yaman ko rin naman talaga si Kirra, magagawa ko rin siguro ang mga nagagawa n'ya. Kaso nga lang ay hindi, kaya tiis-tiis na muna sa kung anong kaya hangga't wala pa akong trabaho.
Napagpasyahan na muna naming mananghalian ng kaibigan ko sa Korean restaurant na nasa mall lang din naman. Hindi naman halatang favorite namin ni Kirra ang Korea, 'no?
Matapos ngang mananghalian ay bumili lang muna kami ng ice cream ng kaibigan ko at naglibot-libot muna sa mall hanggang sa maubos namin ang ice cream namin. Pagkatapos nga ay tumungo na kami sa bilihan ng mga music instruments na nadaanan namin kanina dahil bibili raw ng acoustic guitar itong kaibigan ko. Matagal na rin kasi n'yang sinasabi sa akin na gusto n'yang matuto maggitara, magpapaturo raw s'ya sa 'kin dahil marunong naman daw ako.
Sa pinsan ko lang din naman ako natuto dahil parte iyon ng isang banda. Um-oo na lang din naman ako kay Kirra dahil hindi naman masamang i-share ang mga bagay na natutunan ko rin mula sa iba.
Nagpatulong na nga rin sa akin pumili ng gitara si Kirra, kahit hindi naman ako masyadong maalam sa mga gitara. Mabuti na nga lang at marunong maggitara at pumili ng gitara iyong nagtitinda roon kaya mabilis lang din na nakapili ng gusto n'ya ang kaibigan ko.
12.27.23| 21.11
![](https://img.wattpad.com/cover/359080008-288-k662915.jpg)
BINABASA MO ANG
Love to be Indecent | R18+
OverigWARNING: This is not a story for all. Matured content and not for audiences below 18 years of age. Please, read at your own risk. indecent. ©2024 seylisss