Five: Seven
My Best Friend's DadNang makauwi ako ay inakala kong may matatanggap akong tawag o text mula kay Kirra upang alamin ang sagot sa tanong n'ya kanina. Ngunit wala namang dumating. Hindi ko alam kung makakampante ako o mas kakabahan dahil hindi karaniwang ganoon ang ginagawa ng kaibigan ko sa tuwing may gusto itong malaman sa akin.
Nagpasya na lamang akong matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Kinabukasan nga ay tila wala lang nangyari na kinausap ako ni Kirra nang magkita kami nung tanghali na. Nasa usual n'ya lang na pagiging madaldal ang kaibigan ko at hindi na nagtanong pa ulit sa napag-usapan namin kahapon.
Pinilit ko na lamang na iwaksi ang bumabagabag sa isipan ko at pinakisamahan na lang ng normal si Kirra. Weekend nang niyaya ulit ako nito na mag-sleep over sa kanila. Gusto ko mang humindi ay naisip ko rin na baka magduda na ang kaibigan ko at maungkat na naman ang tungkol sa amin ng tatay n'ya.
Wala na akong nagawa kundi ang um-oo kahit na halos lumukso na palabas sa ribcage ko ang puso ko sa sobrang kaba. Pinasundo na rin ako ng kaibigan ko at tanghalian na nang makarating ako sa kanila. Naabutan ko pa nga sa dining area ang mag-ama na kumakain ng lunch nila.
Napalunok na lang ako dahil ramdam ko ang mariing titig sa akin ni Tito Sarev nang maabutan ko silang kumakain sa hapag. Pinukol ko lang ang tingin ko kay Kirra na ngiting-ngiti namang tumayo nang makita ako at agad na yumakap sa akin kahit puno pa ng pagkain ang bibig nito.
“Besh, mabuti naman at nakarating ka na. Halika, kain muna tayo!” ani nito saka ako hinatak palapit sa hapag.
Napakunot na lang ako ng noo nang paupuin ako nito sa tabi ng tatay n'ya imbes na sa kan'ya. Hindi na ako umangal pa dahil siguradong magtatanong lang ito. Pinakuha na rin ni Kirra si Manang Ekya na kumuha ng isa pang plato para sa 'kin.
Habang naghihintay ay ibinaba ko na nga muna ang dala kong bag sa katabi kong bakanteng upuan. Muli akong lumunok at pilit na hindi tumingin kay Tito Sarev. Ni hindi man lang nga ako bumati rito pagkarating ko, kaya lulubos-lubusin ko na ang kabastusan ng ugali ko.
“S'ya nga pala, Besh, sa Christmas break pala natin, kina Granma at Granpa ako mag-i-stay. Sorry, ah? 'Di tuloy iyong plano natin,” ani Kirra habang nakatingin sa akin sabay subo muli ng pagkain nito.
Dalawang linggo na lang kasi ay Christmas break na namin. Balak sana namin ni Kirra na pumunta ng rest house nila sa Tagaytay pero mukhang hindi na muna iyon mangyayari. Wala namang kaso iyon sa akin, tatambay na lang muna siguro ako sa bahay at mag-aaral para sa susunod na semester.
O baka tanggapin ko na lang iyong alok sa akin ni Ate Lency na mag-tutor sa pamangkin kong si Lace dahil mag-aaral na iyon sa susunod na pasukan. Wala naman kasing plano ang magulang ko na lumuwas ng lungsod dahil may mga trabaho rin sila.
Sa pasko at bagong taon lang siguro sila hindi papasok. Hindi naman kasi kami kasing yaman nina Kirra, na kahit hindi pumasok ng ilang araw sa trabaho ang tatay n'ya ay may maihahain pa ring masarap sa hapag nila. Kaya kailangan pa ring kumayod ng mga magulang ko para kahit papaano ay may maihain din kami sa pasko at bagong taon.
“Okay lang, Kir. Baka mag-tutor na lang din muna ako kay Lace kung sakali. Marami pa namang pagkakataon para sa plano natin,” nakangiti kong ani rito na tinango-tanguan lang naman nito saka bumaling sa tatay n'ya dahilan para sumunod rin ang mga mata ko kay Tito Sarev.
Nahigit ko na lamang ang paghinga nang makita itong seryoso akong pinagmamasdan. Mabuti na nga lang ay dumating na rin iyong pinakuha ni Kirra na plato ko kay Manang Ekya para may rason akong umiwas ng tingin sa lalaki.
Pinasalamatan ko na lamang ang matanda at malakas ang kabog sa dibdib na sumandok na ng pagkain. Ramdam ko pa rin kasing nakatitig sa akin si Tito Sarev dahil nagsisitaasan ang balahibo ko sa batok.
BINABASA MO ANG
Love to be Indecent | R18+
NezařaditelnéWARNING: This is not a story for all. Matured content and not for audiences below 18 years of age. Please, read at your own risk. indecent. ©2024 seylisss