Chapter 19
NAKA-pokerface si France habang nakatingin sa unahan at sa tabi niya si Vladimir na kanina pa patingin-tingin sa kaniya.Hindi makapaniwala si France na wala pang 1 minute binawi niya agad ang sinabi niya dahil nakita niya paiyak na si Vladimir. Hindi niya matiis dahil may mga mata ito na katulad ni Sonia at kahawig ito ng ina.
Napatigil si France dahil may gumulong n gumos na papel sa table niya. Lumingon si France at nakita niya ang mga bully sa classroom na binabato ng gumos na papel si Vladimir na nanatili nakayuko.
"Teacher!" sigaw ni France at nagtaas ng kamay. Agad na lumusot sa ilalim ng table iyong mga nambabato kay Vladimir.
Napalingon ang teacher tinanong kung ano iyon. Sinumbong ni France iyong mga classmate niya na nambabato ng papel sa transferee.
Agad ito hinanap ng teacher at pinagalitan ang mga kaklase ni France. Napatingin si Vladimir at 'nong magtama mata nila ni France inirapan siya ni France. Tumingin sa bintana.
—Tinawagan ako ng pinili ni Fabian na wedding planner at pinapupunta ako sa venue. Masasabi ko na perfect ang lugar na iyon at napakaganda. Anyway, sa simbahan ang ganap ng kasal— nakakatuwa dahil hindi ko ine-expect na mae-experience ko ang dream wedding ko kahit na pangalawang beses ko na iyon na ikakasal.
Ilan sa mga staff ang nakapako ang tingin sa akin. Ilan sa mga ito nagbubulungan at tinatanong kung nasaan groom. Karaniwan sa mga ikakasal ay sabay pumupunta doon para tingnan ang venue tapos ako pumunta lang mag-isa.
May ibang staff na pinagkakatuwaan ako like sinabing halatang napilitan lang ang groom sa kasal. Hindi ito interesado. Hindi ko na lang sila pinansin.
Hindi ko pala natawagan si Fabian dahil alam ko busy iyon pero— tiningnan ko ang phone na hawak ko. Mas maganda siguro sendan ko siya ng pic.
Kumuha ako ng picture ng altar then sinend ko kay Fabian. Napatigil ako nang bigla ito mag-seen tapos nag-video call.
Agad ko naman ito sinagot. Nakataas ang kilay ni Fabian na tinanong nasaan ako.
"Nasa venue. Tinawagan ako ng wedding organizer," sagot ko. Napasapo sa noo si Fabian sinabi na bakit hindi sa kaniya sinabi agad.
"Sonia, tayong dalawa ikakasal okay? Hindi lang ikaw. Pupunta ako diyan. Gusto ko makita ang venue," ani ni Fabian at nakita ko na tumayo ito tinawag ang manager niya.
"Hindi ba nasa set ka ngayon? Ayos lang ba pumunta ka dito?" nag-aalala na tanong ko. Alam ko kung gaano ka-busy si Fabian. Madalas madaling araw na ito umuuwi dahil may company din ito na inaasikaso.
"Sonia, imposible hindi ako magbigay ng oras lalo na related sa iyo at sa kasal natin. Hindi lang sa iyo special ang araw na iyan kung hindi para na din sa akin. Pupunta ako diyan. Buksan mo location mo, Honey," ani ni Fabian bago pinatay ang tawag. Nakagat ko ang gilid ng labi ko para maiwasan mapangiti. Bakit ba napaka-sweet ni Fabian. Mas lalo tuloy ako natakot— ilang segundo ko muna tiningnan ang phone ko bago binuksan ang location ng phone ko.
Pinanood ko na lang muna ang ilang staff sa pag-aayos sa loob ng venue. Dahil mainit bahagya ko binaba ang hood ko dahilan para mas makaagaw ako ng pansin. Hindi ko na lang sila pinansin at matama na lang tiningnan ang altar.
Kumuha pa ako ng ilang picture para ipakita iyon mamaya kay France. Napatigil ako 'nong may mukha na humarang sa camera. Sunilip si Fabian mula sa likod at tumawa.
"Pasensya na ngayon lang ako. Traffic— kanina ka pa ba naghihintay?"
Nakita ko sa peripheral vision ko na halos malaglag ang panga ng mga staff na nandoon matapos makita ang groom. In some reason bahagya ako natuwa sa reaksyon nila. Mainggit sila— kahit ganito mukha ko may napakagwapo pa din na lalaki handa ako pakasalan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ugly Wife
General FictionSonia Salazar, Kilalang actress sa industriya hindi lang dahil sa taglay nito na ganda kung hindi na din sa talento. Meron na successful na career, mayaman at gwapo na asawa at meron napakagwapo din na anak. Wala na mahihiling pa ang babae. Ngunit...