Chapter 10
"Masama magsayang ng pagkain. Ako na kakain."Kinuha ko ang mga nasunog na bacon. Dapat chineck ko ang kawali. Nakalimutan ko. Sayang ang pagkain. Napatigil ako 'nong kuhanin ni Fabian ang plato na hawak ko.
"Ako na kakain. Ako nagsalang nito kanina at dapat pala sinabi ko sa iyo," ani ni Fabian. Pareho kami natawa ni Fabian after ma-realize na napaka-useless ng Pinag-aagawan namin na dalawa.
"Nasaan na 'yong bacon?"
Napatingin ako sa plato na nasa harapan ni Fabian. Nawala 'yong sunog na bacon. Sabay kami lumingon kay France na kasalukuyang may nilalantakan.
"Stop fighting. I already eat them," ani ni France at ngumiti ng malapad. Napatigil kami pareho ni Fabian.
"Baby, nasunog 'yon. Masyado matapang ang lasa," ani ko na nanlalaki ang mata at hinawakan ang panga ni France. Hinawakan ni France ang wrist ko then tumawa.
"Lagi sunog ang luto ni daddy. Sanay na ako mommy!"
Napalingon ako kay Fabian. Agad nito tinaas ang kamay sinabi na hindi talaga siya marunong magluto.
"Kahit sana mag-hire ka ng chefs or magpaluto ka sa maid niyo. Baka magkaroon ng upset stomach si France," worried na sambit ko. Napakamot si Fabian sa pisngi then sinabi na hindi kumakain ng foods galing sa mga stranger si France.
Napatigil si Fabian after bigla tumunog ang phone niya. Nag-excuse me ito at umalis hawak ang phone niya na nasa table kanina.
Noong makalayo si Fabian sinabi ni France na wag ko pagalitan si Fabian.
Napatigil ako at lumingon. Sinabi na hindi ko pinapagalitan si Fabian.
Napanguso si France.
"You scold him," ani ni France na kinatawa ko lang.
"Masyado lang ako worried. Bata ka pa at dapat mga healthy foods lang kinakain mo and adult si Fabian. Need niya maging aware na dapat priority niya ang health mo," paliwanag ko. Bahagya bumaba ang tingin ni France.
"Si daddy, ginagawa niya lahat ng best for me. Noong nalaman niya na hindi ako kumakain ng mga foods galing sa mga strangers. After niya i-ask kung kakainin ko luto niya agad siya nag-study magluto."
Napatigil ako after marinig iyon. Kinuwento ni France na kahit sa mga busy schedule ni Fabian pinagluluto siya nito kahit before siya pumasok ng work to make sure na kakain siya.
Napatingin ako kay Fabian na ngayon ay nakatayo sa entrance ng pinto at diretso nakatingin kay France.
"Masyado bitter ang mga niluluto niya. Minsan maalat, minsan naman raw tapos minsan sunog. He look distance from me pero tuwing nakikita ko na ginagawa niya best niya sa pagluluto— it's look funny dahil na-realize ko hindi perfect ang daddy ko at hindi siya ganoon ka-strict. He look human that get easily going along," ani ni France. Hinaplos ko ang ulo ni France.
"Mabuti siya na dad right?" tanong ko. Ngumuso si France.
"Not really good but not bad."
"Talagang humirit ka pa," banat ni Fabian at lumapit sa amin. Natawa lang ako 'nong magsukatan ng tingin ang dalawa at sinabi na tshismoso si Fabian.
"Saan ka naman natuto ng ganiyan na words," tanong ni Fabian. Agad na sumagot si France na narinig niya iyon sa mga classmate niya na babae.
Natawa lang ako 'nong sabihin ni Fabian na hindi need i-apply ni France mga naririnig at nakikita nito sa school.
"But you look chismoso naman talaga daddy."
"I'm not."
Pinigilan ko matawa after magtalo na naman ang mag-ama. Naging maingay ang table na 'yon para sa amin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ugly Wife
Ficción GeneralSonia Salazar, Kilalang actress sa industriya hindi lang dahil sa taglay nito na ganda kung hindi na din sa talento. Meron na successful na career, mayaman at gwapo na asawa at meron napakagwapo din na anak. Wala na mahihiling pa ang babae. Ngunit...