47

5.3K 105 10
                                    

Chapter 47
Bumaba na sa sasakyan si Fabian kahit medyo malakas ang ulan at lumapit sa pintuan. Bago pa niya mabuksan iyon ay kusang bumukas iyon at sabay na yumakap sa kaniya si Sonia at Vladimir.

"Fabian! Nakauwi ka na welcome— kyaah!"

Napatili si Sonia nang biglang gumuhit ang liwanag sa langit. Napatakip ng tenga si Sonia pero bago pa dumagundong ang kalangitan ay pinapasok niya na ang dalawa at niyakap ang mga ito.

Nakita niya si France na sinasara ang mga kurtina at glasswall. Napapatingin si Vladimir sa labas na ngayon ay nasa pagitan nina Sonia at Fabian. Niyakap sila ni Fabian sinabi na mag-stay na muna ang dalawa sa room nila at wag lalabas.

"Matatapos din ang bagyo, okay?" ani ni Fabian. Masyado naging occupied si Fabian this fast few days at hindi alam na may bagyo.

"Mag-shower lang ako. Wag na muna kayo lumabas dito," ani Fabian. Yakap ni Sonia ang dalawang bata habang nakatingin sa bintana kung saan nakikita niya ng malinaw ang madilim na kalangitan.

"*hic*"

Napatigil si Sonia at tiningnan si Vladimir na hawak ang dalawang tenga at nakasiksik sa kaniya.

"Vlad," ani ni France na may pag-aalala ss expression. Naaalala ni France na malaki ang takot ni Vladimir sa mga loud noise. Napapaigtad agad ito kapag may narinig lang ito na malakas na tunog.

Ikinulong ni Sonia sa mga braso niya si Vladimir at tinakpan ang tenga. Pumikit ng madiin ang babae at sa bawat dagundong ng kalangitan parang sirang plaka na bumabalik sa ala-ala niya ang nangyari na aksidente.

Ang aksidente na kumuha sa buhay ng parents niya at aksidente na muntikan na sa kanila pumatay ng anak niya.

Hindi alam ni France ang gagawin niya paano papakalmahin ang mommy niya at si Vladimir hanggang sa maalala niya na marunong siya kumanta.

"Malamig na hangin sa akin yumayakap
Lakas ng ulan naririnig ko tila ako nasa alapaap—
Takot ako sa dilim...  Sa taas na lugar
Ngunit hindi ko maiwasan mahalin ang ulap at kalangitan dahil sa katahimikan
~"

Dahan-dahan naimulat ni Sonia ang mata dahil narinig niya ang boses ni France. Naimulat din ni Vladimir ang mga mata at napatitig kay France.

Pagkalabas ng bathroom narinig ni Fabian na kumakanta si France kaya kinuha nito ang gitara niya na nasa gilid ng table at nagsimula ito mag-strum ng gitara.

Natutuwang kumanta si France habang tumutugtog si Fabian na nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa mag-iina niya.

Sa paraan na iyon napakalma sina Sonia at Vladimir then nakatulog ang mga ito. Nasa  magkabilang gilid si Sonia at Fabian habang nasa gitna ng kama nakahiga si Vladimir at France na pareho na din natutulog.

Nakatagilid si Fabian habang nakatungkod ang siko sa kama at nakatingin sa mag-iina niya.

Ni sa panaginip niya kasi hindi niya nakikita ang sarili na magkaroon ng pamilya at makaramdam ng ganoon na saya sa pagtitig lang sa mga taong mahal niya.

Madali-dali pang din nahila ng antok di Fabian dahil sa lamig, warm feelings at katahimikan agad din naman nakatulog ang lalaki habang nakahiga sa tabi ng mag-iina niya.


Hindi ako makapaniwala na kinabukasan ay ginising ako ng mainit at maliwanag na sinag ng araw. Bumangon ako at tiningnan ang veranda.

Hindi na umuulan. Natutuwang nilingon ko sina Vladimir  at napatigil. Bahagya ako napangiti after makita ko ang mag-aama ko na natutulog.

Tapos naalala ko kagabi— hindi tumigil sina France at Fabian sa pagkanta habang hindi kami nakakatulog ni Vladimir. Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na may tumutulo na mainit na bagay sa likod ng palad ko.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon