Chapter 48
Kasalukuyang binabasa ko ang script habang nandito nakaupo sa loob ng tent. Narinig ko nagtatawanan sina France at Vladimir habang hinahabol ng kapatid ni Amara ang mga anak ko. Naglalaro ang mga ito.May bigla humalik sa pisngi ko kaya nagulat ako at napalingon. Bigla tumawa si Fabian at inabutan ako ng bulaklak.
"Gosh! Ginulat mo ako," ani ko na napahawak sa dibdib. Tumawa lang si Fabian sinabi na masyado ako busy.
"Buti nakaka-focus ka. Ang ingay ng mga bata," ani ni Fabian at umupo sa tabi ko. Natutuwa na inamoy ko ang mga bulaklak.
"Matagal na ako sa industriya. Mukha ba madi-distract ako sa ganiyan kaunti na ingay?" tanong ko. Naaalala ko na 'nong first time ko mag-act kahit nagwo-work ako as a part timer sa isang convenience store nagbabasa ako ng script.
"May ginagawa pa na establishment 'non sa tabi ng store," ani ko. Napangiti si Fabian sinabi na ituloy ko na pagbabasa ng script.
"Anyway, may time ka ba? Medyo confused ako sa ilang part ng drama. Nasa ko naman iyong script ng season one pero may ilang scene ako na hindi ma-gets sa character ni Alice," ani ko. Humalumbaba si Fabian habang nakatingin sa akin.
"Kahit wala gagawa at gagawa ako ng time for you," ani ni Fabian. Bigla nag-init ang pisngi ko at sinabi na seryoso ako.
"Ako din naman. Sinagot ko lang tanong mo," ani ni Fabian habang tinititigan ako like para bang ako ang pinakamaganda sa mundo kung tingnan niya ako.
Lumambot ang expression ko then tinanong siya ano character ni Alice para sa kaniya.
"She's weak and hopeless," ani ni Fabian. Napatigil ako then tiningnan ang script na hawak ko tapos script 'nong season 1.
Sa pagkakaalam ko malakas ang character ni Alice. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
"Malalaman mo 'yan kapag napanood mo iyong drama sa big screen," ani ni Fabian na natatawa at umupo ng maayos.
"Si Alice parang ako. So? Im weak and hopeless?" tanong ko. Tiningnan ako ni Fabian na may ngiti sa labi at sumagot ng no.
"But sa script almost pareho kami ng mindset. Feeling ko nga ako si Alice," ani ko. Habang binabasa ang script parang nai-imagine ko ang sarili ko at naiintindihan ko ng sobra ang character.
"Same situation kayo and goals pero hindi kayo same sa kung paano niyo harapin ang sitwasyon," ani ni Fabian. Napalingon ako.
"How come?" tanong ko. Binalik ni Fabian ang tingin sa akin.
"Mas weak ka but hindi ka hopeless," ani ni Fabian nahampas ko siya dahil doon. Tinawanan niya ako at parang bata na yumakap sa akin.
"Ang dami ginawa sa iyo ni Themarie pero ikaw ang unang tao na umiyak 'nong mawala siya. So weak," ani ni Fabian. Lumambot ang expression ko at sumiksik kay Fabian.
"Siya ang unang tao na tumanggap sa akin at nagbigay ng spark sa buhay ko. Malaki din naging part niya sa buhay ko at hindi ko magawa i-deny iyon sa sarili ko," bulong ko. Naramdaman ko na hinalikan ako ni Fabian sa sentido at sinabi na alam niya at naiintindihan niya ako.
"Balik na tayo sa script? Seryoso na ako this time siyempre."
Natawa ako at niloko ko siya. Tinanong ko siya kung kailan ba niya ako seseryosohin.
"Pagdating sa iyo 100% seryoso ako," depensa ni Fabian. Humagalpak ako ng tawa nang pinaghahalikan niya ako sa pisngi sinabi na huwag ko siya tawanan.
"Oo na! Oo na! Seryoso ka na. Naniniwala na ako."
Napatigil ako 'nong makita ko sa peripheral vision ko na may mga tao na nakatingin sa amin. Nakita ko si Tania at manager na natatawa lang at bumalik sa pinag-uusapan nila. May mga staff na nakatingin sa kanila at naghahagikhikan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ugly Wife
General FictionSonia Salazar, Kilalang actress sa industriya hindi lang dahil sa taglay nito na ganda kung hindi na din sa talento. Meron na successful na career, mayaman at gwapo na asawa at meron napakagwapo din na anak. Wala na mahihiling pa ang babae. Ngunit...