Chapter 45
5 years old ako 'nong mawala ang parents ko dahil sa isang car accident. Hindi ko makakalimutan kung paano ako nagmakaawa sa maraming tao na nasa lugar na din iyon na iligtas ang parents ko.Kung hindi dahil sa safety bag na nasa backseat na nilagay ng parents ko para sa akin. Patay na din ako. Hindi ko alam kung maganda ba na kapalaran iyon dahil nabuhay ako or panget dahil naging mag-isa na ako after 'non.
Naaalala ko din kung paano ko sigawan at hampasin iyong batang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa akin at sisihin ito sa lahat ng nangyari sa parents ko.
Ang bata na iyon ang dahilan bakit kami naaksidente. Iniwasan siya ng dad ko kaya nawalan kami ng kontrol.
Sa huli sinara din nila ang kaso dahil aksidente nga ang nangyari. After 'non dinala ako sa orphanage.
Wala kasi nag-claimed na kamag-anak ko or nakuhang impormasyon na may mga kamag-anak pa parents ko.
Naging malaking dagok iyon sa buhay ko dahil mag-isa na nga lang ako. Hindi naman naging masama ang buhay ko sa orphanage.
Mababait ang mga madre na nag-aalaga sa akin. Binigyan din nila ako ng sarili ko na room doon at in some reason kakaiba ang pagtrato nila sa akin compare sa ibang bata.
Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil 'nong once na tinanong ako ng isa sa mga madre kung gusto ko magpaampon at magkaroon ng sariling pamilya ay umayaw ako. Hindi nila ako pinilit at inalis pangalan ko sa list.
Nag-stay ako sa orphanage hanggang naging 16 years old ako at pumasok na ako ng school. Nalaman ng lahat na nakatira ako sa orphanage kaya maraming estudyante ang ayaw maging kaibigan at binubully ako.
"Hey, wala ka ba ka-share? Pwede tumabi sayo? Naubusan na daw kasi ng copy si teacher."
Napatigil ako napaangat ng tingin. Ito si Themarie Montesor. Kaklase ko na ito mula grade 6 pero as usual hindi kami close. Marami ito friends at talagang maganda.
"Ano— pwede naman. Here," ani ko at kinuha ang bag ko na nakalagay sa katabi ko na upuan. Nakangiti na umupo siya doon at nagpakilala.
'Gosh, kinakausap niya iyong orphan? Ang bait ni Themarie.'
Hindi ko sila pinansin at mukha din wala pakialam si Themarie. After 'non palagi na sa akin dumidikit si Themarie.
Sometimes nililibre niya din ako ng mga foods at nagturo sa akin na ayusan ang sarili ko specially sa pagmi-make up. Lagi niya sinasabi na pretty ako ganiyan ganito.
Binibigyan niya din ako ng mga damit na pinaglumaan niya. I appreciate them kahit hindi ko naman talaga kailangan since marami dino-donate sa orphanage na nagkakataon lahat ay kasya sa akin. Lahat iyon magagandang klase is that ini-stock ko lang dahil uniform naman palagi suot namin sa school.
Noong nag-second year kami natuto na ako alagaan ang sarili ko. Nagsusuklay, nag-iipit, nagsusuot ng maayos na damit at naglalagay ng light make up.
'Ayan ba si Sonia? Pre ang ganda.'
'Ayan ang glow up!'
Medyo nahihiya pa ako 'nong una at talagang naiilang ako sa atensyon na nakukuha ko. Hinanap ko ang classroom ko sa building ng 2nd year at nag tingin tingin ng mga pangalan.
Agad ko naman nakita ang pangalan ko. Buti na lang ay nasa 1st floor lang iyon at—
"Sonia!"
Napalingon ako. Tumatakbo palapit sa akin si Themarie na bigla napahinto after maaninag ako.
"Oh my gosh? Ikaw ba iyan Sonia?"
Mabilis ito lumapit sa akin then hinawakan ang balikat ko then ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ugly Wife
Fiction généraleSonia Salazar, Kilalang actress sa industriya hindi lang dahil sa taglay nito na ganda kung hindi na din sa talento. Meron na successful na career, mayaman at gwapo na asawa at meron napakagwapo din na anak. Wala na mahihiling pa ang babae. Ngunit...