Chapter 27
Actually, hindi ko ine-expect na magiging maganda pakikitungo sa akin ng parents ni Fabian. Hinawakan ko ang mukha ko at naramdaman ko na nakatingin sa akin ang ina ni Fabian kaya nilingon ko ito."Si Fabian— lagi niya inuuna ang ibang tao bago ang sarili niya. Madalas ako nag-aalala sa bata na iyon at sa magiging asawa niya dahil sa ganoon siya," ani ng ina ni Fabian. Lumambot ang expression ko at sinabing likas na mabuting tao lang si Fabian.
"Nagdududa ako minsan kung totoong tao si Fabian at nage-exist talaga siya," ani ko. Sa kabutihan ni Fabian at sa lahat ng ginagawa niya para sa akin mas nagdududa ako sa existance niya at natatakot ako.
Napahawak ako sa dibdib ko. Mas natatakot ako sa nararamdaman ko. Sa dami ng napagdaanan ko at ginawa ng ex husband ko alam kung kaya ko magmahal ulit at magtiwala.
"Take your time."
Napatigil ako at lumingon sa ina ni Fabian. Malambot ang expression nito na nakatingin sa akin.
"Wala ako idea sa status niyo dalawa ni Fabian at 'nong malaman ko ang sitwasyon niyo may idea na ako para saan ang kasal. Honestly, ayoko sa balak niyo pero nakikita ko na mahal ka talaga ni Fabian at ito ang unang pagkakataon."
Napatigil ako sinabi ng ina ni Fabian na hindi niya maiwasan mag-alala pero nakikita niya na mabuti naman ako na tao.
Hinawakan ko ang kamay ng ina ni Fabian at tiningnan siya sa mata.
"Hindi ko iiwan si Fabian. Hindi ko alam kung magiging mabuti akong asawa or makakapangako na hindi ko masasaktan si Fabian pero isa lang sure ako. Hindi ko iiwan si Fabian either ipagpapalit."
Napatigil ang ina ni Fabian then tumawa. Hinawakan niya pabalik ang kamay ko at sinabi panatag na siya after marinig iyon.
"Thank you."
Bahagya ako ngumiti. Iyon ang 100% makakasigurado ako. Sounds selfish dahil sa idea na hindi pa ako sure sa feelings ko kay Fabian pero nakapag-decide na ako na hindi ko papakawalan si Fabian. As long as mahal ako ni Fabian at willing siya mag-stay sa akin katulad ng sinabi niya hinding-hindi ako aalis.
Habang naglilinis kami ng kusina ay nagpatuloy ang kwentuhan namin ng ina ni Fabian. Nalaman ko din na sila pala may ari ng shop na madalas ko binibilhan ng tinapay tapos iyong kariton at sako na dala araw-araw ng asawa niya ay mga pera.
Nagulat ako after marinig iyon.
"Nakita mo naman na yata na matanda na ang asawa ko. Marami na din siya naging complication kaya after niya ma-stroke naging hands on ako. Ako na humawak ng company ng mga Martinez at pinatigil ko na sa pagtatrabaho ang husband ko. Naging gawain niya kumuha na lang ng pera sa mga nare-rent at dalhin iyon sa bank."
Bahagya ako napangiti dahil nakikita ko na ginawa iyon ng ina ni Fabian dahil gusto niya pa makasama ng matagal ang asawa niya. Inako nito lahat ng responsibilidad.
"Nasa 70+ na si uncle i think? Ikaw auntie ilang taon ka na?" tanong ko. Napatakip ng bibig ang ginang sinabi na hindi nalalayo edad niya sa ama ni Fabian. Na-shock ako.
"Oh my god. Seryoso auntie? Bakit ang pretty niyo pa din at mukhang kasing edad lang namin kayo ni Fabian," ani ko na napatakip ng bibig. Tumawa lang ang ina ni Fabian sinabi na bolera ako.
Napanguso ako at sinabi na seryoso ako. Pwera biro mukhang bata pa ang ina ni Fabian.
"Alagang-alaga kasi ako ng daddy ni Fabian. Maintain ang maintenance ko at mga treatment dahil ang husband ko ang nagpapa-schedule at bumibili ng skin care ko overseas."
"Alam ng asawa ko kung gaano ako ka-obssesed sa skin ko kaya talaga kinukuha niya pinaka-the best na product at kumukuha ng doctor," ani ng ina ni Fabian. Napangiti ako dahil ganoon si Fabian.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ugly Wife
General FictionSonia Salazar, Kilalang actress sa industriya hindi lang dahil sa taglay nito na ganda kung hindi na din sa talento. Meron na successful na career, mayaman at gwapo na asawa at meron napakagwapo din na anak. Wala na mahihiling pa ang babae. Ngunit...