46

5K 96 1
                                    

Chapter 46
"Aksidente talaga ang nangyari?" tanong ko. Kausap namin iyong kaibigan na pulis ni manager Jomari.

"Lasing iyong driver ng truck na namatay din sa aksidente. Sabi ng mga pulis at ilang nag-check ng sitwasyon aksidente nga daw," ani ng pulis. Tinanong ko kung anong klaseng truck ang bumangga sa police station.

"Bakit ganoon kalaki ang casualities?" tanong ko. May binigay na litraro ang police officer.

"Truck iyon na may bitbit na malalaking troso," ani ng police officer. Kumunot ang noo ko then dinampot iyon.

"It's so weird," ani ni France na nakaupo sa carpet kaharap si Vladimir. Naglalaro mga ito ng chess board.

"What is it honey?" tanong ko habang nakatingin sa dalawang bata na nasa carpet. Tumingin si France.

"Why my truck ng troso sa city," tanong ni France. Naramdaman ko na napatingin sa amin ang police officer.

"That place is super layo sa mountain. There was 4 city na pwede daanan ng truck why kailangan pa umikot ng truck na iyan sa city D para makarating sa factory na nasa city A," ani ni Vladimir. Tumawa si France.

"Naikot mo na ba province natin?" tanong ni France. Umiling si Vladimir.

"But interested ako ng kaunti sa geography tapos madami books si daddy Fabian about doon may latest map din sa office niya," ani ni Vladimir. Napa-wow si France.

"Anak niyo ba dalawang bata na iyan?" tanong ng police officer sa amin ni Fabian. Napangiti na lang ako tapos natawa si Fabian.

"Wag mo kami tanungin bakit sila ganiyan katalino," ani ni Fabian tapos inakbayan ako.

Halata naman kasi kung kanino mga nagmana. Sabi ng police officer itse-check nila ulit ang case. Tatawagan niya sina Fabian kung may nakita pa sila kakaiba sa case.

Tumayo na kami ni Fabian at nagpaalam sa officer. Maya-maya tiningnan ko si Vladimir at tinanong si Vladimir ano ginagawa ni Vladimir sa office ni Fabian.

Napatigil si Vladimir at inosente ako tiningnan. Nag-cross arm ako at tinaasan ng kilay ang dalawang bata.

Sinabihan ko sila pwede sila maglaro sa kahit saang kwarto sa mansion na ito wag lang sa office ng daddy nila dahil workplace iyon ng daddy nila hindi palaruan.

"Honey, nagpaalam naman sila sa akin. Binigyan ko sila ng permission," salo ni Fabian na kinatingin ko sa kaniya.

"Hindi mo dapat sila ini-spoil. May bagay ba sa office na iyon ang hindi importante?" tanong ko. Baka kasi may mawala or mapaglaruan ang mga bata doon.

Natawa si Fabian at niyakap ako mula sa likod sinabi na wala na mas importante sa akin at sa mga bata.

"Nandoon naman ako sa office 'nong nag-stay sila doon once. Wala naman sila ginalaw bukod sa mga books na nasa shelves. Isa pa convenient na iyon sa akin dahil hindi ko na need lumabas maya't maya sa office para check ang mga bata habang nagpi-prepare ka para sa first project mo," ani ni Fabian. Pinaningkita ko siya ng mata at hindi pa din iyon reason para ibigay ni Fabian lahat ng gusto ng mga anak namin.

"Alam pa din dapat nila ang limitasyon nila. Matuto sila sumunod sa instructions," ani ko. Napa-pokerface ako.

"Francis? Saan ka galing?"

Napatigil ang lalaki na nagsara ng pinto. Sa pang-apat na baitang ng hagdan nakatayo ang ina ni Fabian at nakatingin sa lalaki.

"Sa labas lang mom. Nagpahangin," flat na sagot ng lalaki. Napahawak ng mahigpit sa railing ang babae at sinundan ng tingin ang anak na mukhang pataas na din sa room nito.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon