Chapter 28
Lumipas ang isang taon,
Nagising ako 'nong biglang may tumalon sa kama at sumigaw ng mommy.Napabalikwas ako ng bangon at agad na tinakpan ang sarili ko after marinig boses ni France.
"Mommy! Wake up! Time to breakfast na," ani ni France na ngayon ay nasa harapan ko at humagikhik.
"France, huwag mo ginugulat si mommy," ani ko at nakita ko na nakabihis na ako. Mukhang si Fabian na nagbihis at naglinis ng katawan ko. Nahihiya na napatakip ako sa mukha.
Isang taon na lumipas 'nong ikasal kami ni Fabian at hanggang ngayon nahihiya pa din ako. Like what the heck lagi na lang ako nagpa-passed out sa middle of sexy time namin na dalawa.
Mabait si Fabian, thoughtful at sobrang soft type na guy pagdating sa akin pero nag-iibang tao talaga siya pagdating sa kama. Hindi ako makapaniwala sa ganoon na side niya.
"Mom? Are you okay? Are you sick?" tanong ni France at hinawakan ako sa noo. Napalunok ako at natatawa na sinabi na ayos lang siya.
Hinawakan ko ang kamay ni France at niyakap ito ng mahigpit.
"Goodmorning baby," ani ko kay France. Humagikhik si France at hinalikan ako sa pisngi.
"Goodmorning mommy, baba ka na. Breakfast na. Huwag mo lang ako sumbong kay daddy na pumasok ako sa room mo para gisingin ka. Papagalitan ako, hihi."
Natawa ako dahil alam ko naman na hindi ako papagising ni Fabian lalo na ito may kasalanan bakit late ako nagigising palagi.
"Fine, shower muna si mommy tapos bababa na din ako para sabay-sabay na tayo mag-breakfast," ani ko. Napangiti si France at sumaludo. Bumaba na si France sa kama at tumakbo na palabas ng room namin ni Fabian.
Napangiti na lang ako at dinampot iyong bulaklak ng lily na nasa vase. Favorite flower ko ang lily at after nga malaman iyon ni Fabian ay araw-araw na ako nito binibilhan then nilalagay sa room namin para makita ko.
Hindi nagbago si Fabian after ng wedding namin at mas naging sweet pa ito sa akin. Masyado ako nagiging masaya sa araw-araw at hindi ko maiwasan matakot minsan sa magiging kapalit 'non. Minsan ko nasabi iyon kay Fabian pero ang sagot niya lang sa akin—
'For better and worst magkasama tayo. Ikaw na nagsabi na masaya ka tuwing magkasama tayo— hindi ba masyado napaka- contradiction ng idea na sa problema malulungkot ka. Kasama mo ako at hindi ka mag-iisa Sonia. Kahit sa kalagitnaan ng bagyo at tsunami. Sasamahan kita sumayaw sa gitna.'
Natawa na lang ako at bumaba ng kama. Mas mabuti na mag-shower na ako dahil for sure naghihintay na sa akin mag-ama ko sa ibaba.
—After ko mag-shower nagbihis na ako at nagsuklay. Naglagay na din ako ng cream sa mukha at uminom ng vitamins.
Pagbaba ko ng hagdan narinig ko boses ni Fabian then ni manager Jomari.
"Sasamahan mo si Sonia sa auditoon?" tanong ni Jomari. Agad na sumagot ng yes si Fabian.
"Sinabi ko na ayos lang ako. Kahit hatid mo na lang ako sa company ako na bahala after 'non," sabat ko at natatawa na pumasok ng kusina. Bumati ako ng goodmorning kay manager na ngumiti lang din sa akin.
"Hintayin lang naman kita sa labas. Promise hindi kami papasok sa loob at manonood lang kami ni France," ani ni Fabian. Bumaba din si France at yumakap sa bewang ko at nagpa-cute.
My goodness paano ko sila matatanggihan kapag ganito. Tiningnan ko ang manager ni Fabian.
"Wala bang importante na naka-schedule na appointment kay Fabian?" flat na tanong ko kay manager Jomari. Agad na umiling ang manager.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Ugly Wife
BeletrieSonia Salazar, Kilalang actress sa industriya hindi lang dahil sa taglay nito na ganda kung hindi na din sa talento. Meron na successful na career, mayaman at gwapo na asawa at meron napakagwapo din na anak. Wala na mahihiling pa ang babae. Ngunit...