05

8.2K 197 3
                                    

Chapter 05
3rd Person's POV
Sa kalaliman ng gabi may narinig siyang bumabangga sa pinto. Napabangon si Sonia at napababa ng kama.

"France?" tawag ni Sonia. Lumapit siya sa pinto na kadugsong lang ng room ni France.

Binuksan niya iyon. Napasubsob si France sa hita niya. Agad na binuhat ito ni Sonia at tiningnan mabuti. Tulog pa nga ang bata.

"Mommy," bulong ni France. Niyakap ni Sonia ang bata at bumulong na nandoon ang mommy.

Naglakad si Sonia patungo sa kama ni France at inihiga ulit doon ang bata. Nakita niyang namumula ang noo ng bata.

"Hindi ko na dapat isara ang pinto," bulong ni Sonia. Umupo si Sonia sa gilid ng kama. Nanatiling nakahawak si France sa kamay niya.

"Siguradong nangungulila ka din sa mommy mo hindi ba?" bulong ni Sonia. Biglang pumasok sa isip niya ang anak na si Vladimir. Parang pinupunit ang puso ni Sonia matapos maalala ang anak.

"Nalulungkot din sigurado ang mommy mo lalo na nakikita kang ganito," bulong ni Sonia. Hinaplos ni Sonia ang buhok ni France.

Hindi umalis doon si Sonia. Binantayan niya si France hanggang sa makatulog nga siya sa tabi ni France.

Saktong 3am— tumungo si Fabian sa room dahil sa ganoon na oras nagigising si France. Nawala sa isip niya na nandoon na si Sonia at may bagong nanny si France.

Binuksan niya ng pinto ng room ni France. Napatigil si Fabian matapos makita si Sonia. Ang mga paa nito ay nasa sahig at nakahiga sa tabi ni France. Hawak ni France ang kamay ni Sonia.

Tulog ang dalawa. Dahan-dahan lumapit si  Fabian sa kama. Inayos ang kumot ni France. Kumuha din si Fabian ng isa pang kumot at nilagay iyon kay Sonia.

Mukhang pagod na pagod din Sonia at hindi ito nagising. Tinitigan ni Fabian si Sonia at ang anak.

Aabutin ni Fabian ang pisngi ni Sonia. Agad iyon ni Fabian binawi at niyukom ang kamao.

"Anong ginagawa mo Fabian? Nababaliw ka na," bulong ni Fabian at masama ang timpla ng mukha na tumalikod. Naglakad na si Fabian paalis at walang lingon-lingon na tinungo ang pinto.

Pagkasara ng pinto bahagyang binuksan ni Sonia ang mga mata. Dahan-dahan bumangon at tiningnan ang kumot na pinatong ni Fabian sa katawan niya.

"Bakit ba masyado kang mabait sa akin."

Weekend kinabukasan, walang pasok ang alaga ni Sonia. Noong umaga na din iyon pinatawag ni Fabian ang apat na maid at dalawang butler.

"May quarter para sa mga maid at butler na nasa kabilang building. Kapag wala kami ni France dito  nandito sila para maglinis. Kapag wala ako sila ang nagluluto ng pagkain para kay France na magiging gawain mo na din dahil ikaw na ang nanny ni France," ani ni Fabian. Isa-isa ang mga ito na nagpakilala.

"Ako si Sonia. Bagong kasambahay— kinagagalak ko kayo makilala," ani ni Sonia. Inutusan ni Fabian ang butler at sinabing ito ang bahala mag-ikot kay Sonia sa buong mansion at sumagot ng ilang katanungan nito kung meron.

"Late na talaga ako sa work. Sonia, kung may mga tanong ka tawagin mo lang si Ariel," ani ni Fabian at tiningnan ang wrist watch.

"Alis na ako. Tatawag ako before noon para i-check si France," ani ni Fabian at dali-daling tinungo ang pinto ng living room palabas ng mansion.

"Sonia right? Ako pala ulit si Teressa pwede mo akong tawagin Tere. Almost 4 years na ako nagwo-work dito. Scholar din ako ng mga Martinez," ani ng babae. Mukhang estudyante lang din ito.

Agad ba pinalibutan ng apat na babae si Sonia at tinanong kung paano nito nakilala ang boss nila.

"Bakit mukhang close kayo ni young master?"

Ngumiwi si Sonia. Paano niya sasabihin na napagkamalan siya ni France na ina nito.

"Teressa at Vivian. Tigil na ang katatanong— linisin niyo na ang kusina. Magigising na si young master maya-maya lang," ani ng matandang butler. Mukhang nasa 60s na ito.

"Marunong ka magluto?" tanong ng butler. Tumango-tango si Vivian. Siya ang madalas magluto sa mansion nila para sa mag-ama niya.

Hindi niya akalain na magagamit niya ang pagiging housewife niya sa trabaho.

Nag-start na magluto si Sonia. Bacon, hotdog egg, gumawa din siya ng sandwitch para sa bata, cookies at milk.

"Mommy? Where's mommy!"

Napatigil si Sonia sa pagbaba ng plato sa table. Nakita niyang tumatakbo si France.

"France!"

"Young master!"

Agad na lumabas si Sonia. Pinipigilan ng butler ang batang lalaki na lumabas ng living room.

"Mommy!"

Agad na tumakbo ang batang si France at niyakap si Sonia. Akala ni France ay umalis na si Sonia.

Binuhat ni Sonia ang bata at sinabing nag-prepare siya ng maraming yummy foods.

Napatigil si France at tumingin sa kusina. Kuminang ang mata ng bata.

"Mommy ikaw nag-prepare?" tanong ni France. Ngumiti si Sonia at binaba ang bata. Sinabing siya ang nagluto.

Alam ni Sonia na alam na ni France na hindi siya ang mommy nito. Ngunit patuloy pa din ito sa pagtawag sa kaniya ng mommy. Hinayaan niya na dahil naaawa siya sa bata— mukhang namimis na nito ang ina.

Pinaghanda ni Sonia ng makakain si France at mukhang gusto nito ang mga niluto niya.

"Masarap si daddy magluto ng foods pero hindi ng mga dry foods. Ayoko nagluluto siya ng dry foods kahit favorite ko iyon dahil last na nagluto siya— kung hindi super sunog— hilaw," ani ni France habang kumakain. Natawa si Sonia matapos marinig ang nga hinaing ni France.

Napangiti ang mga naglilinis na katulong. Sa araw na iyon may nagbago sa mansion ng mga Martinez. Naririnig na nila ang boses ng young master nila tumatawa at nagkukwento.

"Kapag narinig iyan ng daddy mo sure ako sasama ang loob 'non," ani ni Sonia. Humagikhik si France at sinabing kahit ang mommy niya nilalait ang luto ni daddy niya pagnasusunog ni daddy iyong bacon.

Lumambot ang expression ni Sonia matapos marinig iyon. Tinanong ni Sonia kung namimis ni France ang mommy niya. Napatigil si France. Napaayos ng upo si Sonia.

"Pasensya na dapat hindi ko sinabi iyon," ani ni Sonia. Bigla kasing bumakas ang lungkot sa expression ni France.

"I miss my mom but— I'm so thankful because she choose to give up para hindi na siya nasasaktan," ani ni France. Nagulat si Sonia. Gusto niya pa magtanong ngunit sa tingin niya wala siya sa lugar para itanong pa iyon. Bata pa si France.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon