20

6.8K 146 3
                                    

Chapter 20
Sunod namin pinuntahan ay ang park malapit sa school namin 'nong highschool. Mas marami doon na estudyante na nakatambay. Dahil sa ayaw namin ni Keith ng atensyon pareho ay napagpasyahan namin manatili sa loob ng sasakyan at tumingin na lang mula sa loob ng sasakyan.

Before ako maging artista sa ganito ko din paraan nae-enjoy ang highschool life ko. Kumakain ng mag streetfoods kasama ang maraming kaibigan, tawanan na hindi inisiip ang iisipin ng ibang tao at hindi inaalala na maari akong tumaba sa pagkain lang ng mga streetfoods or sakit na dala 'non.

"Fabian, ilang years ka na sa industriya?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Flat na sumagot si Fabian na kinatingin ko.

"Hindi ko na mabilang. Since 8 years old ako lumalabas na ako sa mga magazine," ani ni Fabian na ngayon ay nakapatong ang baba sa manibela at nakatingin sa unahan ng sasakyan. May mga dumadaan na estudyante.

"Ang bata mo pa 'nan? Bakit?" tanong ko. Bahagya napatingin sa akin si Fabian.

"What do you mean bakit?"

Masyado pa bata si Fabian 'nong nag-start ito. Iniisip ko na maari impluwensya ng parents nito bakit ito pumasok sa industriya.

"Ahh, gusto ko kasi putulin ang koneksyon ko sa parents ko."

Napaubo ako after marinig iyon. Napaayos ng upo si Fabian at tinanong ako kung ayos lang ako. Sakto kasi iniinom ko 'yong kape 'nong sabihin iyon ni Fabian. Seryoso ba siya doon? Sa ganoon na edad.

"Ano bang klaseng tao mga parents mo? Inaabuso ka ba nila or something?" tanong ko na nanlalaki ang mata. Natawa si Fabian at mabilis na umiling.

"Absolutely not, hindi sila ganoon lalo na ang daddy namin. Strict si mom pero hindi niya kami sinasaktan or pinagbubuhatan ng kamay. Support naman lagi si dad at ini-spoil kami it's just— sa edad na iyon gusto ko agad kumita ng maraming pera, mapag-aral ang sarili ko, makapag-build ng sariling career at makapagpatayo ng company na mas malaki sa company ng mommy ko," ani ni Fabian na ngayon ay nakahalumbaba at nakatingin sa labas ng sasakyan.

Natawa ako sa idea na sa edad na iyon ni Fabian. Masyado na mataas ang ambition nito. Nakakatuwa.

"Ikaw? Bakit ka nag-artista?" tanong ni Fabian at nilingon ulit ako. Napatigil ako then bahagya ngumiti.

Bahagya ko iniwas ang tingin. Sinabi kong dahil na din kay Victor. Ngayon naisip ko lahat ng iyon at na-realize ko kung gaano kalayo narating ko dahil sa idea na gusto ko mapansin at maipagmalaki ako ni Victor gusto ko sapakin ang  sarili ko.

"Minsan naisip ko kung mahal ko ba talaga pag-arte o ginagawa ko lang iyon dahil sa pagmamahal ko kay Victor."

Si Victor nag-push sa akin na umarte at mag-audition. Natatandaan ko pa unang sinabi niya 'nong sinamahan niya ako mag-audition sa first drama ko.

'Sabay tayo aangat, Sonia. Hindi kita pababayaan. Trust me— magiging pinakamagaling ka na artista.'

Naalala ko din na araw-araw ini-imagine ko sarili ko na nakatingin sa billboard kung nasaan nandoon ang mukha ko. Makikita iyon ni Victor at mas magiging proud siya sa akin. Magugustuhan na din ako ng family ni Victor once na mas mataas pa marating ko.

"Ang talent at passion hindi mo lang makukuha dahil lang gusto mo makilala ka ng isang tao. You need so much effort and time to make it polished— naniniwala ako na mas mataas pa ang mararating ko mo kung mas magiging maambisyon ka pa."

Natawa si Fabian then ngumiti sa akin. Sinabi ni Fabian na kapag umaarte siya sa kabila ng mga weakness binibigyan siya non ng sense of satisfaction.

"Hindi dahil sa sikat ako, maraming nagkakagusto sa drama ko or nasa rank list ako kung hindi dahil may result lahat ng effort at pag-invest ko ng time."

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon