Libre

2.3K 67 8
                                    

MIKHA'S

"Anak, about sa pinag-usapan natin kahapon.... Pasensya na. Kinukulit kasi ako ng daddy niyo eh, baka pwede naman na pag bigyan niyo siya ni Miles? Kahit ngayong bakasyon lang"

Good mood na ako kaninang paggising kaya lang eto na naman si mommy, kelan ba kami titigilan ng ex husband niya? Ngayon pa niya kami guguluhin kung kelan maayos na kaming tatlo nina mommy

"Mom, this is hard for me and Miles. Ano yun? Basta basta kaming iiwanan tapos kapag naisipan niyang mamiss kami after 15 years eh pipilitin niya kaming magbakasyon sa kaniya? We've been through a lot nung iniwan niya tayo, hindi biro yunh sacrifices mo for me and Miles mom. Eh kahit nga sa graduation namin he never showed up eh, what kind of man is he? Why did you fall for him?"

Conversations like these makes my blood boil, tinalikuran niya na kami noon, wala na siyang karapatan na bumalik pa ulit sa amin.

"Mikha anak, just please bear with it? Kahit ngayon lang talaga. He promised to never bother us anymore after it"

" Not bother us anymore? So that just proves na he really is a jerk, ano gusto niya lang ngayon tapos sa sunod di niya na ulit kami anak? Bullshit. Papasok na ako mom, baka malate na ako. Bye " I kissed mom's cheek before exiting the car

My dad left us when I was 6 and Miles was only 2. He never reached out again to us, Mom's family has helped us get through nung iniwan niya kami

"Badtrip? Smile naman jan oh"

"good morning Gwen, okay lang ako. Nasan si Colet?"

"Ahhh kasama ni Sheena"

"Selos ka?" Tiningnan naman niya ako ng masama, kung nagtataka kayo kung bakit. Ganito kasi yan, si Sheena yung inaasar namin kay Gwen, palagi kasi yung nakatitig dito sa bff namin, kaya ayon inaasar na namin lagi si Gwen na may crush sa kaniya si Sheena

"Hindi, you know? Minsan gusto ko na lang kayong pag-buhulin ni Colet, you guys always ship her to me eh hindi nga kayo sure kung crush niya talaga ako"

"So kung crush ka niya talaga edi it's okay na?"

"She's cute, pero no. Ano ba tara na sa room"

We walked through the hallways halting from time to time kasi naman napakaraming kakilala at admirers ni Gwen, syempre meron rin ako pero lowkey lang.

"Gwen! Mikha! OH MY GOD you won't believe this!!! "

....

"Sinasabi mo bang niyakap ka ni Maloi? Yung volleyball player na matangkad ? "

" Oo nga, Sheena sabihin mo sa kanila na totoo. Magkasama kami ni Sheena kanina. "

Parang kiti kiti na naman si Colet ang aga aga, di man lang mahiya kay Sheena

" Ah oo, niyakap siya ni ate Maloi. Close kasi kami non eh nagpasabi si Colet  na kung pwede raw ba magpa pic-aray"

" Dapat di mo sinabi na ginusto ko, hays pano na lang kita ilalakad dito kay Gwe-aray! "

At nag sapakan na po sila

" Minsan talaga nakakalimutan ko na kaugali ni Colet si Sheena"

Dumating na yung professor namin na magpapa quiz, agang bungad sa araw namin nito ah.

" Okay this time we will have a twist sa quiz natin, let's just say na this will be a duo quiz"

Pagkasabi ni sir na duo ang quiz ay tumingin ako agad kay Gwen, tangina Colet wag ka na umagaw. Akin na to

"I will choose the pairings"

Tangina?!

Sana si Gwen ang ipares sa akin please Lord bigay mo na sa akin toh oh

Sagada Where stories live. Discover now