Aiah's
Guilty. That's how I'm feeling these past few days. My mind always flew back to that night when I kissed Mikha... It all started going downhill since then, if I haven't done that maybe we're still living in peace. If only I listened to Mikha, na huwag na naming ituloy lahat na magugulo lang, siguro buhay pa si Sir Miguel at maayos pa ang relasyon nila ni Ma'am Michelle. It's always been me, I caused all of this to her and I know it's taking a toll on her, according to her friends she's being locke up in their house like a prisoner.... Who knows what even goes inside that house? The thought of her being so helpless makes me weak, she doesn't deserve any of this... It's crazy how people crave love but when it is already served anything else goes wrong.
"Ate Aiah, lalim na naman ng iniisip mo"
"Should I leave na lang ba Staks? I mean if it will make things better on her end then maybe I should"
"Will she like that idea ba? Syempre hindi papayag yun sa'yo noh, baka nakakalimutan mo anak ni sir miguel yun kahit mabait sila parehas silang stubborn."
" Pero Stacey hindi mo ba nakikita? Ang dami ng nangyari, hindi ko na kayang makita na mahirapan pa siya lalo dahil sa akin"
" Ay hindi mo naman kasalanan na naging masama ang ugali ng nanay niya eh. Ako nga rin di ako makapaniwala na ganon pala talaga ang ugali niya, samantalang ang bait bait nun sa amin ni Jho"
That's the reason... Alam ko na ako ang dahilan kung bakit galit na galit siya kay Mikha, hindi raw ako nababagay sa gaya nila. Oo alam ko naman sa sarili ko na wala kami sa katayuan na kagaya nila, pero hindi lang naman ako ang nagmamahal eh. Mahal rin ako ng anak niya.
"Basta Stacey, hindi na kaya ng konsensya ko toh. Kung kaialangan nang tigilan, gagawin ko. "
Masakit, pero mas matimbang ang pamilya. Palaging pinaaalala sa akin noon ni tatay na kahit anong mangyari dapat hindi raw ako tumalikod sa kanila.
" Teh naman ano na naman bang irerebat mo sa akin? Na dapat hindi talikuran ang pamilya? Baka sa pamilya mo applicable yun, pero sa pamilya ni Mikha, hindi. Ang sasama pala ng mga ugali non jusko, kung ganong klaseng pamilya na rin lang meron siya edi mas maswerte pa ako na naulila ng maaga"
"Ano ka ba Stacey, pamilya niya pa rin yun"
"Kulit mo teh, basta ang sa akin lang. Ipaglaban hanggat kaya."
.....
Ilang araw nang hindi tumatawag si Mikha, gamit niya usually yung cellphone ni Gwen para makausap ako, pero kahit si Gwen hindi ko pa rin ma contact hanggang ngayon, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanila.
" Jho tumawag ba sa'yo si colet o kahit si gwen? Di ko ma contact eh"
"wala eh, pero nakausap ko si Colet nung nakaraang Linggo. Sabi niya may pupuntahan raw sila pero wala namang sinabi na lugar. Bakit anong meron? "
" Ilang araw na silang hindi tumatawag, sinubukan ko idial yung number ni Gwen pero cannot be reached simula kahapon. Baka kung napa ano na si Mikha dun"
Nilabas naman ni Jho yung phone niya para idial si colet, pero naka ilang try na kami wala pa ring sumasagot, nakapatay ang cellphone niya siguro. Pero bakit? Lalo tuloy akong nag-alala. Sila na lang ni gwen ang pag-asa ko para makamusta si Mikha pero parang pati sila naikulong na rin
"Kalma Aiah, baka kasi exam week nila kaya di nagbubukas ng phone. Madugo magpa exam sa engineering eh. Baka naka focus sila sa pag review"
Kumalma naman ako ng kaunti sa sinabi ni Jhoanna, pero may kutob pa rin ako na may ibang nangyari sa kanila. Sana ligtas sila kung nasaan man sila ngayon.
Nakaupo lanh kami ni Jhoanna dito sa sala habang nanonood ng tv nang biglang pumasok si Stacey na may dala dalang box
" Ano yan love? Regalo mo sa'kin? Lipas na monthsarry nati-"
" Wag kang epal Jho, di sa'yo to. Nakita ko sa gate nung dumating ako. Dito naka address eh. Oh buksan mo"
Lumapit naman ako kay Jhoanna para tingnan yung laman, malay mo kasi biglang patay na daga pala toh alam niyo yun? Yung threat ba, mayaman pa naman pamilya ni Mikha baka kung ano ano ang gawin mapalayo lang ako sa kaniya
"Huh? Pictures?"
Kinuha ni Jhoanna yung stack ng picture sa kahon....
"Ate Aiah kayo ni Mikha yan eh! Hala? Diba sa hotel yan nung nagpunta kayo ni Sir Migz sa Manila? Nung nag dinner tayo!"
Sigaw ni stacey at kinuha yung picture, naaalala ko na. Yun yung time na kinausap kami ni Sir Miguel sa restaurant, yung first date namin ni Mikha, bakit may ganitong picture? May nagmamanman ba sa amin?
"Teka, ate aiah meron din kaying picture dito sa mansion look"
Inabot sa akin ni Jho yung picture na hawak niya, kami ni Mikha habang magkayakap dito sa harapan ng mansion
"Tangina may spy ba tayo? Gago ang creepy neto. I feel so unsafe"
"Mukhang sina Aiah at Mikha lang ang binabantayan love, umuwi ka kaya muna sa Sagada Ate Aiah? Hindi ka safe dito sa Baguio. Mukhang di rin naman alam nung spy kung saan yung Sagada eh, tingnan mo wala kayong pic from Sagada dito"
Totoo, walang kahit anong litrato mula sa Sagada. Puro dito sa Baguio at Maynila lahat. Ngayong nakita ko na ang mga ito,mas lalo akong natakot. Ano pa kaya ang kayang gawin ng pamilya niya?
"Paano kayo? Baka kayo naman ang bantayan na sunod"
"Okay lang kami dito ate Aiah. Ikaw, umalis ka na muna. Tama si Jho hindi ka safe dito sa Baguio. Nagsisimula pa lang sila, dapat ngayon pa lang marunong ka ng tumakas"
.....
Eyy/n: short update kasi why not??
Happy weekend!!