Sagada

1.4K 54 13
                                    

Mikha's

Second day namin dito ngayon sa Baguio, pare-pareho kaming naka tunganga lang dito sa loob ng mansion, si Sheena at Gwen ayun bebe time na naman, ngayon ko lang na realize na si colet lang pala ang walang partner ngayon dito, kaya pala kahapon pa masama ang timpla. Biruin niyo yun? Mag gogood night lang dapat ako kagabi bigla akong pinakyuhan tapos minura, gaspang talaga ng ugali pag walang bebe time eh

"Guys!"

Sigaw ni Jho mula sa second floor, parang magwawagayway lang ng watawat ah

"Ano?" Sabay naming sabi na mga nandito sa baba

"Akyat tayo ng Sagada! Napilit ko na si Aiah."

"Hoi kakaayos lang sa kotse ko, isasabak na naman sa akyatan? Maawa at mahabag naman kayo"

Oo nga pala nasira si gabs nung dumating kami dito, bumigay kung kelan wala ng ahon eh

"No need to bring your car Gwen, iniwan naman ni Sir Migz yung Wrangler at Raptor, mag hati na lang tayo. Ikaw na mag drive sa isa"

Buti na lang talaga at kasama namin si Gwen, sa aming tatlo kasi siya lang ang may lisensya sa 4 wheels, yung sa amin kasi ni Cols pang motor lang

"Alin iddrive ko?"

"Wrangler na lang, mas sanay ako dun sa Raptor eh, oh siya mag prepare na kayo aalis tayo ng 10:30"

Umakyat na ako agad sa kwarto para mag pack ng damit, for sure isang gabi lang kami dun, di na rin ako magdadala ng damit masyado, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si aiah na naka upo sa kama at nag titiklop ng damit ko, hala siya inunahan ako mag pack

"oh andiyan ka na pala, tapos na. Naipag pack na kita, eto iwan mo na muna dito. Isang gabi lang naman tayo sa Sagada eh"

" Grabeng girlfriend duties naman yan Cons, salamat. The best ka talaga "

Tinaasan niya naman ako ng kilay bago ako hagisan ng unan sa mukha

" Girlfriend ka diyan? Nanligaw ka na ba? "

" Eto naman, di pa ba kita nililigawan ngayon? Pinupuntahan na nga kita dito sa Baguio oh"

"hahahaha oo na, halika nga dito ang cute cute mo talaga Mikhs"

Lumapit naman ako sa kaniya at tsaka siya niyakap bago kami mahiga na dalawa sa kama, hay ganto na lang sana lagi, puro cuddle lang ganon.

"What if lumipat na ako dito cons? Samahan ko na si daddy dito sa Baguio"

" Sus gusto mo lang yata ako makasama eh"

" Syempre naman, tsaka ganda ng weather dito. Cuddle weather"

Tinulak naman niya ako ng malakas at nahulog ako bigla sa kama, tangina gago ang sakit sa likod

" Hala Mikha! Sorry! Oh My God sorry napalakas! Tayo ka bilis"

Pilit akong inaabot ni Aiah gamit yung kamay niya kaya hinila ko siya pababa, nadala naman siya agad kaya naka ibabaw na siya sa akin

" Aray! Pakshet ka Mikha!"

" Hoi ano yan bakit may kumalabog! Oh My God, bakit sa sahig kayo naggaganiyan?! Alis na ako boss sorry kala ko may nangyari! "

" Jho! Sandali! It's not"

Too late, naka takbo na agad siya habang sumisigaw

"Guys sina mikha nagmomomol sa sahig!!"

Rinig naming sigaw ni Jho, tangina. Napa face palm na lang kami ni Aiah sa mga pinagsasabi ni Jho. Lumabas na rin kami agad para sundan siya

"Ayan! Tapos na ba kayo Boss? Sorry talaga ah, di ko kasi alam eh.. pano naman pag kami ni Stacey di kami sa sahig, iba pala trip mo bos-ouch"

Di na niya naituloy yung sasabihin niya dahil binatukan na agad siya ni stacey, deserved.

"Kung ano ano sinasabi mo diyan, mukha bang nag momol yang dalawa? Tingnan mo nga? Ang ayos ayos ng itsura"

"Eh kasi nakapatong si Aiah kay Boss Mikha eh, malay ko ba? Diba ganun din tay- eto na nga titigil na nga"

"Dami sinasabi eh, okay na ba gamit niyo guys? Aalis na tayo maya maya ha"

....

After an hour of travel nakarating na rin kami sa wakas, unlike nung una naming punta, bakante na lahat ng rooms dito sa inn nina aiah kaya naghiwa hiwalay na rin kami ng kwarto.

" Mas malamig pala dito kesa sa Baguio"

"mas malamig dun sa tutulugan natin mamaya cols, parang naka max yung aircon"

Kanina habang nagbybyahe kami sinabi ni Aiah na mamumundok raw kami, as usual dun na naman tutulog. Naalala ko tuloy nung hinalikan ko siya don sa taas, ang astig ko non, no joke.

"stakuuu tanda mo pa ba? Diba dun tayo nag-"

"isa pang buka ng bibig mo Jhoanna sasampalin kita, andami mong alam puny-"

Ayan na naman sila, puro away lagi eh pero ang lakas mag harutan, maya maya makikita na lang namin yan na nagyayakapan

"Nag picture sa hills kasi! Yung ibang activity naman yung naiisip mo eh, ikaw talaga. Ulitin kaya natin??"

"JHOANNA ROBLES!"

Naghabulan sila paikot sa inn

" Bebe away rin tayo"

Yari na, nakita ko naman na nanlambot si Gwen sa sinabi ni Sheena

"bebe naman, wag ka na sumabay kayna Jho"

"Eh, may babae ka noh? Kaya siguro di tayo nag-aaway para di ako mag hinala na may iba ka"

Hahaha ina neto ni sheena eh, ang lakas rin talaga ng amats

Umalis muna ako para puntahan si Aiah, nasa loob siya ng bahay nila inaasikaso yung mga dadalhin namin na pagkain namin mamaya sa hike

"Cons, ano dadalhin?"

"Uh syempre di mawawala hotdog na favorite ni Jho, marshmallow favorite mo, strawberries kay staku tapos nag request si colet ng tinapay kanina. Lalagay ko na lang to sa bag"

"Grabe sipag talaga, pwede na mag-asawa oh"

"Mag graduate ka muna saka kita pakakasalan"

"Wala naman akong sinabi na ako yung asawa mo?"

"Ah sige ayaw mo ha, umalis na kayo bukas ha. Wag ka ng babalik dito"

Luh, ano ba yan ang bilis mag tampo

"Joke lang cons,sabi ko nga ako yun. Bawal ka sa iba, ako lang dapat ha"

"Sa ating dalawa Cons, ikaw ang babaera kaya sa'yo dapat sinasabi yan"

Niyakap ko na lang siya, alam ko na trip na trip niya talaga akong asarin na babaera kasi kada may magpapa picture sa akin sinesend ni colet sa kaniya

"anak aiah" napahiwalay naman ako agad sa pagkakayakap ko kay aiah nung tinawag siya ng tatay nila

" P-po?"

" Oh mikhaela andito ka pala, ah nak si Rj nasa labas hinahanap ka"

Rj?? Sino yun?

Sagada Where stories live. Discover now